Chapter 09

1.1K 58 4
                                    

**Xyrelle PoV**


Nagising ako dahil sa liwanag  na nagmumula sa aking bintana mula sa labas, umaga na pala at may pasok pa kaya kailangan kong gumayak.

Bangon, gusot gusot ng dalawang mata, hikab then higa ulit haha charr..
Syempre bumangon nako kase baka mamaya sugurin na tayo ni mader dito sa loob ng kwarto at baka maging raper payun haha.. biro lang,di ganun si mama.. at love na love ko yun..

So yun nanga agad ko ng kinuha yung towel ko at pumunta na sa banyo para naman makaligo na at maka gayak.

After 1million years na paliligo sa banyo ay natapos dn at gumayak nako as well.. bumaba narin ako para naman makapag almusal at pagbaba ko nakita ko si mama na nag hahain na ng ulam at si papa naman ay nagkakape as usual si bunso nakagayak narin, wow ahh naunahan ako ni bunso..

"Morning ma,pa and morning dn sayo bunso" Bati ko sa kanila at nag kiss naman ako kay bunso at ganun dn sila binati dn nila ako ng 'good morning nak'.

"Ohh nak maupo kana ng makapag almusal na ng makapasok nadin kayo ni bunso" Si mama habang naglalagay ng kanin sa plato at syempre naupo nako para makapag almusal.

And yun natapos ang masarap na almusalan namin with my family at pumasok narin ako kase anong oras narin naman.

At mabilis naman akong nakapunta sa University pagkatapos ng mahabang paglalakbay mula sa kabundukan haha.

Pero seryoso, may mga naririnig akong mga nagbubulungan habang naglalakad ako papuntang classroom namen, pero hinayaan ko nalang baka malay ko hinde ako yung pinagbubulungan nila, at bakit naman nila ako pagbubulungan diba, ano namang dahilan.. hayyssttt.. aga aga stress march.. bahala nanga sila.. magpaka bubuyog sila dyan hanggat gusto nila.. basta ako maganda charr! Haha

At nang makapunta ako sa classroom at nakaupo nako ay nagtataka ako kung bakit wala pa yung dalawa, samantalang mag seseven thirty na, iniwanan nanga nila ako kahapon tapos ngayon dipa sila papasok hayysstt.. at yun nag ring na yung bell at maya maya ay dumating narin yung prof. Namen para sa subject na ito.

At eto nanaman nga..

Lesson... lesson... lesson...

Matapos ang mahabang pagbubungaga ni sir ay natapos dn at nag bell narin so it means break time na kaya naman napag pasyahan kong pumunta  sa canteen dahil nagugutom nayung mga alaga ko sa stomach ko haha.. alaga talaga gurl?

At habang papunta naman ako aa canteen para kumain ay meron nanaman akong naririnig na mga bubuyog na nagbubulungan nanaman.. ano nanaman ba? Ako ba yung pinagbubulungan nila? O baka nagkataon lang.. tsk.

At ng malapit nako sa canteen ay biglang may humarang saken na tatlong magagandang babae kaya napahinto ako, so issue.. magaganda talaga sila.. parang wala kang makikitang dumi sa mga itsura nila.. pero ewan kolang kung may mga kati sa mga katawan tong mga to, and isa pa ano kayang kailangan saken ng mga to? Bakit sila humaharang sa dadaanan ko?

"Ikaw ba si Xyrelle?" Sabi ni ate gurl na maganda na nasa gitna nila, well tatlo nga sila at yung dalawa naman nasa gilid niya.

"Ahm ako nga, why?" Tanong ko naman sa kanya na cold lang, kase alangan naman matuwa ako sa habang tinatanong ko siya oara naman akong baliw nun.

"Anong connection mo kay Joshua Reyes, at kaano ano ka niya?" Tanong ni ate gurl saaken na mataray habang papalapit siya ng papalapit saaken.

Hmm.. parang familiar yung tanong, diba ito rin yung tanong saken nung mga babae nung nakaraan, yung mga fans ni Joshua.. mga fans niya rin batong mga to? Well diko na kailangan alamin at wala akong pake.

"Wala akong alam sa sinasabe mo? Diko siya kaano ano, kaya pede.. paraanin nyoko?" Matapang kong sagot sa kanila, alangan naman matakot ako nho, kung hahayaan ko silang ganyanin lang ako, mawiwili sila habang buhay.. at di ako papayag ng ganun ganunin lang nila ako.

"Matapang ka ahh, but not so brave enough para matakot ako sayo, at para hinde ko gawin to...." sabi ni ate gurl saaken at bigla nalang niyang tinapon saken yung milk tea na binili niya, Oo guys pasenya dahil diko nasabing meron siyang hawak na MT, at yung dalawa niya ring kasama ay tinapon dn saaken yung MT nila at nabigla naman ako sa ginawa nila, Wala akong dalang pamalit sa uniform ko... marame naring nakakakuha sa attensyon na ginawa niya.. yung iba naman ay naka video na kaagad saamen.

Pero nanatili lang akong kalmado kahit na nanlalagkit nako.

"Bagay lang yan sayo, you fag! Ang kapal naman ng mukha mo kung sa isang katulad molang naman mapupunta si Joshua, hinde tamang mapunta lang sa isang katulad mo si Joshua .. dahil hinde ka babae at wala kang kwenta, at hinde kayo bagay ni Joshua kaya you better leave him alone, you b*tch" Mahabang pangungutya ni ate gurl saaken, Hinde ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, unang una wala akong alam sa mga sinasabe niya saaken tungkol kay Joshua, at pangalawa.. nasasaktan ako kapag nakakarinig ako ng hinde magagandang bagay o salita na sasabihin saaken.. Kaya kong makipag laban at protektahan ang sarile ko pero bakit ngayon, para akong naistatwa sa mga masasakit na salitang naririnig ko, wala akong kasalanan pero bakit ako nasasaktan ng ganito.. at hinde kona napigilan ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata at pumatak na ito na para bang nag uunahan sa pagbagsak.

Kaya naman hinde nako nakatagal pa at agad na tumalikod at tumakbo papalayo sa kanila dahil, diko kaya yung mga masasakit na salitang binibitawan niya.. Wala naman akong alam sa mga sinasabe niya at wala akong kasalanan.. at agad namang pumasok sa isip ko yung mga sinabe ni Joshua, na gagawin niyang impyerno ang buhay ko, ito naba yun.. bakit ganito.. bakit parang ang hina hina ko sa part nato, wala akong kasalanan sa kaniya at kung tungkol naman dun sa nangyare saamen ay hinde ko naman yun sinasadya.

At matapos ang mahabang pagtakbo at paglayo sa kanila habang umiiyak ako ay napadpad ako sa isang lugar na hinde ko alam, diko alam kung bakit dito ako pinunta ng mga paa ko.

At ramdam ko ang pagod sa aking sarile at dahil narin sa pag iyak ay diko na napigilan at dito nako humagulgol...

Diko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon, daig kopa yung naiwanan ng taong minamahal, sa sobrang sakit ng mga salitang narinig ko kanina... lahat yun totoo.. at napaka sakit na kapag naririnig ko yung salitang 'wala akong kwenta' sa kahit na kaninong tao, diko alam pero labis yung sakit na nararamdaman ko ngayon, at bigla nalang bumuhos ang napaka lakas na ulan habang bumubuhos din ang mga luha ko sa aking mga mata at unti unti nakong nababasa dahil sa ulan, pero hinde ko yun inintinde dahil.. meron akong ibang nararamdaman na mas masakit at unti unti nalang akong nakaramdam ng hilo dahil sa bigat ng nararamdaman ko at unti unti narin nanlalabo ang mga mata ko hanggang sa bumagsak nalang ako bigla..

Pero ramdam ko ang pagbagsak ko sa lupa, at bago pumikit ang aking mga mata ay meron akong naaninag na isang tao sa aking harapan, diko siya kilala at dun nako unti unting nawalan ng malay...


***
To be Continued

I KISSED A PLAYBOY (BXB) (EDITING)Место, где живут истории. Откройте их для себя