Chapter 9 - Library

396 8 1
                                    

Vincent POV

Palagi na lang sumasagi sa isip ko ang boses na narinig ko sa music room. Pati na rin ang mukha ni Charli. Ayt kakaasar. Napapaniginipan ko pa siya. Dun pa nga sa isang panaginip ko siya yung kumakanta sa music room. Luh? Impossible naman yun tss.

Isang magandang boses yun na mala anghel. Hindi mala demonyo tss.

“Hey! Kuya ano ba!? Are you listening!?” inis na sabi ng kapatid kong si Shiela bigla naman akong nanumbalik sa katinuan ko sa sinabi nya.

“Yes. Ano nga ulit yun?”

“No you’re not!” inis na naman nyang sabi with matching rolled eyes pa tsaka sumakay sa kotse sumakay na lang din ako. Highblood pa naman to.

Charli POV

“Kumusta ka naman o yung gang mo?” biglang tanong ni kuya habang nakabaling ang tingin sa daan. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse niya papunta sa school.

“I'm fine and their fine.” tipid kong sagot sa kanya habang nakatingin sa labas ng bintana.

“Madalas ba ang mga gang fight?” tanong nya pa.

“Yeah but sometimes I let them to fight without me. Kaya na nila yun.” sagot ko naman. Sinabi ko sa kanila pag kaya nila wag na nila ako istorbohin.

“Nakakaaway niyo pa ba ang gang ni Jason?”  napatingin naman ako sa kanya pero binaling ko ulit ang tingin sa labas.

“Yeah” tipid kong sagot.

"Ta-” may sasabihin pa sana si kuya ng biglang nagvibrate ang phone nya. May nagtext ata.

Sakto namang nasa school na kami kaya bumaba na ako.

“Una na ako.” paalam ko at umalis na.

Charles POV

“Madalas ba ang mga gang fight niyo” tanong ko sa kapatid ko habang nagd-drive ako papuntang school.

“ Yeah but sometimes I let them to fight without me. Kaya na nila yun. ”sagot naman niya ulit. May pagkachoosy din tong kapatid ko. Gusto niya kalaban yung mga malakas. Kapag to napahamak ay naku!

“Nakakaaway niyo pa ba ang gang ni Jason?”

“Yeah” tipid na sagot niya na halatang ayaw niya pagusapan. Di ko naman siya masisi talaga namang nakakainis yung lalaking yun tss.

“Ta--” may sasabihin pa sana ako ng biglang nagvibrate ang phone ko. May nagtext siguro.

Sakto namang nasa school na kami. Kaya bumaba na kami.

“Una na ako.” paalam ni Charli saka umalis.

Tiningnan ko naman kung sino yung nagtext saken pero number lang siya.

From: Unknown Number
I miss you, Matthew. I’ll be back soon.

Isang tao lang ang tumatawag saken sa pangalan ko na yan. Hindi ako pwedeng magkamali.

Babalik ka na nga ba talaga??

Charli POV

Naglalakad ako sa hallway ng mapadaan ako sa faculty. Kaya sumilip ako ng marinig kong magsalita yung teacher namin.

“Vincent pakikuha mo naman yung mga librong to sa may library” sabi nung teacher namin at binigay ang isang papel kay Vinci. Listahan siguro nung mga kukunin nya. “Kaya mo bang dalhin ang mga yan?” tumango na lang si Vinxi bilang sagot. “Puntahan mo na lang ako dun sa next class ko ha?” sabi nung teacher namin at umalis na siya at naglakad na papuntang library si Vinci.

Sinundan ko naman si Vinci papuntang library. Hinanap na niya ang pinapakuha sa kanyang libro, medyo marami rami din ang mga ito.

"Vinci." tawag ko sa kanya habang papalapit ako sa lanya nanlaki naman ang mata niya. Kaya napangisi ako. Lumapit ako sa kanya saka siya hinalikan...







sa pisngi.


Kita ko namang nanlaki ang mata niya sa ginawa ko napaatras siya at tumalikod saka dali daling lumayo sakin pero si tanga nabunggo pa sa isa sa mga bookshelf and dahil malas talaga siya. Napalakas ang pagkakabunggo niya kaya natumba yung bookshelf at nadamay pa ang ibang bookshelf. Kaya ending natumba ang mga bookshelves na parang domino.

“WHO THE HELL DONE THIS?!” sigaw na tanong nung librarian saka tumingin sakin. Ngumisi lang ako saka tinuro si Vinci.

“YOU!GO TO THE PRINCIPAL OFFICE NOW!!” sigaw nung librarian kay Vinci. Tumayo naman agad si Vinci at nakayukong naglakad palabas ng library pero bago sya makalabas napatingin naman sya sakin. Nginisihan ko lang siya

Lumabas na rin ako ng library at nagtungo sa canteen. Habang naglalakad ako hallway nakasalubong si Vj.

“Chaii saan punta?” tanong naman nya at sumabay sakin sa paglalakad.

“Canteen” tipid kong sagot sakanya

Nagorder na kami ng pagkain at umupo na sa isang table

“Balita ko may nangyari daw sa library kanina ah?” sabi naman ni Vj at kumagat sa burger nya. Kalat na agad ang nangyare just wow tss.

“Yeah” sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain

“Balita ko rin andun ka daw.”

“Yeah you know me” nakangising sabi ko sakanya. Napailing na lang siya saka nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos  naming kumain ay bumalik na rin kami sa kanya kanya naming room. Nung malapit na ko sa classroom ko, nakita ko naman si kuya na nakatayo sa tapat ng pinto ng classroom namin. At pinagkakaguluhan siya ng mga kaklase kong babae. Hearthrob talaga tong si gurang tss.

“What do you want?” simpleng tanong ko sa kanya ng nakalapit ako sa kanya.

“Sumabay ka kay Vj mamaya. May pupuntahan ako.” sabi naman nya. Ano na naman pinagkakabalahan nitong si Gurang?

“K.” tipid kong sagot sa kanya

"Wag kang gagawa ng kalokohan. Binabalaan kita Charli Calizo." sabi niya saka umalis.

Pumasok na lang ako sa room at dumeretso sa upuan ko sa likod at kinalikot ang cellphone ko. Tinext ko na rin vmVj para sabay kami mamaya.

Vincent POV

Yung babaeng yun pinahamak na naman ako. Ugh!

Alam kong sinusundan nya ako kasi nararamdaman kong may sumusunod sakin. Hindi ako tanga tss.

Napahawak ako sa pisngi ko ng maalala ko ang paghalik niya sakin. Ang lambot ng labi niya. Ugh! Pinagsasabi ko?!

Buti na lang at hindi ako gaanong napagalitan sa principal. At buti na lang talaga hindi ako nasuspend.

Pero hindi naman ako mapakali sa tuwing maiisip kong hinalikan niya ako kahit sa pisngi lang yun hindi ko pa rin makalimutan. Ugh! Bumibilis na naman tibok ng puso ko.


Kaasar ka talaga CHARLI MAEI CALIZO!

The Nerdy Boy meets The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon