Part 35 |KONSENSIYA|

6.9K 170 9
                                    

Ash POV

"Potato!"  Hiyaw ni Spencer dahilan para magising ako.

"Good morning sweetheart!"  Naka ngiti niyang bati saka humalik sa aking noo.

"Good morning. Saan galing yan?"  Tanong ko habang naka turo sa bowl na may potato.

"Tanim mismo ito sa Mansion. Sobra sobrang ani lang kaya naisip ko na igawa ka ng potato fries, cracker, and crisps. With--fresh milk."  Bibo niyang saad habang binabangon ako.

Kumuha ako ng isa at kinagatan.

"Fresh yan. Parang ikaw."  Naka ngisi niyang usal at pilyong tumitig sa aking leeg.

"Masarap. Very fresh."  Puri ko sa fries.

"Yup. Hindi kasi kami gumagamit ng fertilizer basta-basta. Wala rin kaming ini spray. Tutal naman, supplier kami ng iba't-ibang branch ng fast food chain."  Saad niya habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang daliri.

"May gusto ka ba puntahan?"  Tanong niya na ipinagtaka ko.

"Bakit?"  Tanong ko habang pinapagpag ang kumot na nataktakan ng cheese powder.

"Out of town?"  Taas kilay niyang usal habang naka tingala.

"Okay na ako dito. Uuwi rin ako sa unit ko dahil babalik na ako sa trabaho bukas."  Bagot kong saad saka diretsyong ininom ang fresh milk.

"What if-- mag cassino tayo?"  Pahabol niya nang lumabas ako ng silid.

"Ayoko nga. Ayoko sa sugal."  Pag tanggi ko.

"What if-- dinner date?"  Tanong niyang muli nang maupo sa kusina.

Umiling lang ako saka pinagpatuloy ang pag hugas sa aking pinagkainan.

"Shopping?"  Tanong niya.

Umiling muli ako saka sumulyap sa kaniya na ngayon ay naka pangalumbaba habang nilalagatok ng daliri ang ibabaw ng mesa.

"Fine. What do you want to do?"  Tanong niya matapos kong mag punas ng kamay.

"Um-"  sambit ko saka humatak ng upuan at naupo sa kaniyang tapat.

"Wala naman. Basta kasama kita."  Seryoso kong sabi.

Napabuntong hininga naman siya matapos ko iyong sabihin. Sa halip na masiyahan, dumilim ang kaniyang awra.
Sandaling tumahimik ang paligid.
Napayuko siya at tikom ang bibig.
Pinagmasdan ko lamang ang kaniyang mukha.
Tila napundi ang saya sa kaniyang labi sa sandaling pananahimik.
Batid ko na mayroong gumugulo sa kaniyang isip. Kung ano iyon, hindi ko rin alam.

"Nasabi mo na ba sa parents mo?"  Tanong ko nang di siya tinitignan.

"Yes."  Tipid niyang sagot.

"Mabuti."  Sagot ko saka tumango.

Hinawakan niya ang aking mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa bago nag salita.

"Ash--"

"Ma-hal na mahal kita."  Saad ko habang naka titig sa aming magka hawak kamay.

Sinabi ko iyon dahil alam ko na hindi niya pa rin napapatawad ang sarili niya. Ayokong ipakita sa kaniya na nasasaktan at nahihirapan ako dahil alam ko na mas lalo lamang siyang mahihirapan na kalimutan ang lahat. Tama lang na patago kong iiyak ang sakit.

Sarilinin at yakapin ang sarili sa tuwing sasagi sa isip ko na hindi kasing tibay ni Spencer ang pisi ng saranggola na may bubog para protektahan ako. Dahil ang totoo, si Spencer ang bubog na pilit kong pinanghahawakan kahit masugatan ako...

The Millionaire's SlaveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora