Chapter 18

2.9K 100 1
                                    


Chapter 18

"Good evening 😊 " basa ko sa naging text ni Jerome sa akin.

Halos everyday siyang nagtetext pero ni isa sa naging text ay wala namang tungkol sa mga raket na sinasabi niya. At halos hindi ko naman pinapansin ang mga text niya sa akin. Sa susunod na magtetext siya sa akin ay iba-block ko na siya.

"Baba mo muna Ged iyang phone mo tapos tingin ka sa taas para malagyan kita ng Mascara" sinunod ko naman ang sinabi ng akong ka-boardmate.

"Mas maganda talaga pag-nakalugay ang buhok mo" sabi niya sabay ayos sa buhok ko "..pero kinulot ko sa dulo para mas sosyal" dagdag niya pa.

After few minutes ay tapos na ang make over na ginagawa niya sa akin. Sunod naman ay sinuot ko na ang balck off shoulder na cocktail dress na binili sa akin ni Gab last week.

Today ang wedding anniversary ng parents ni Gab at gusto niyang mag-attend ako sa celebration na iyon. Muntik na nga akong hindi sumama dahil naaalala ko ang huling pagkikita namin ng mga magulang niya sa presinto. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako.

Pero pinilit ako ni Gab na mag-attend lalo na't pinadalhan pa pala ako ni Tita Euphy ng invitation. Gustong-gusto raw ni Tita na naroon ako. Bibili nga sana ako ng susuotin pero nag-insist si Gab na siya na ang bibili. Hindi na rin ako nakatanggi lalo na't mapilit ang lalaking iyon.

Nagpatulong akong masuot ang off shoulder na cocktail dress ko. After nun ay sinuot ko na rin yung heels ko at kinuha na rin ang purse ko. One last look at the mirror and I'm ready to go. Binilisan ko na dahil naghihintay na raw sa baba si Gab according to Tiya Neli.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Gab na nakasandal sa kotse niya na tutok na tutok sa pinapanood niya sa phone niya kaya hindi ako napansin.

"Gab" kung hindi pa ako nagsalita ay hindi niya ako mapapansin. Napansin ko namang napatulala siya sa akin nang makita.

Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

"Ano ba yang pinapanood mo at napakabusy mo?" lumapit ako sa kanya at nashock sa nakita ko.

Pinapanood niya lang naman yung bago kong release na commercial nung brand ng isang cologne. Napangisi naman ako.

"Ganda ko riyan no?" biro ko sa kanya.

"Super. Pero mas maganda sa personal" biro niya.

"May mga lalabas pa akong commercial. Abangan mo na lang" and speaking of, hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa toothpaste commercial na ni-shoot ko last week. Baka bukas ko na lang sabihin kasi kung sasabihin ko ngayon baka ma-spoil ko lang ang gabing ito.

Okay na kami. We promised to each other na magiging understanding kami sa isa't-isa. Ayaw na namin maulit ang iyong simpleng away namin last week.

Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Naupo na ako sa front seat, siya naman ay umikot at pumasok na sa driver's seat. Pero bago niya pinaandar ang sasakyan niya ay may kinuha muna siya sa tabi niya. Isang maliit na rectangle box at binigay sa akin.

"Wear that tonight" binuksan ko ang box at nakita ko ang isang silver necklace na may pendant na moon. Itinaas ko iyon at nakita ang pagniningning nito. Hula ko'y napakamahal nito.

"Mahal ata ito..."

"It doesn't matter. Para sa'yo iyan" kinuha niya naman ang kwintas at isinuot sa akin. Tiningnan ko kwintas na suot ko. Ang ganda.

"Thank you"

"Anything for you. At para maalala mo ako palagi"" then he cupped my face and kiss me on my cheeks. Namula tuloy ako.

Please Be Mine [Completed]Where stories live. Discover now