chapter 2

12 6 0
                                        

Dedicated ang chapter na ito para Kay, JS00AN3, hope you'll like it lil bro!!
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
ZAIRA'S POV:

"Zaira?!!/ Wifey?!!"- sabay pa nilang tanong sakin habang gulat na gulat ang mga mukha.

"oh, bakit parang gulat na gulat kayo?"- sabi ko habang may pilit na ngiti sa mukha at patuloy paring umaagos ang luha.

"P-pero p-paano ka napunta dito? I-i mean, diba nasa abroad k-ka?"- Hindi parin makapaniwalang tanong sakin ni ate Gyra

" susorpresahin ko sana kayo kaso, parang ako pa ang nasurpresa sa mga nalaman ko."- I sarcastically said.

Tumayo naman si Nel at lumapit sakin.

"W-wifey, I-i can e-explain. It's just that-"

*SLLAAAAAPPPP*

"DON'T YOU DARE CALL ME WIFEY!! COZ YOUR NOT MY FEONCÉ ANYMORE!!"- sigaw ko habang umiiyak parin. Nakita ko naman sa gilid ng paningin ko na madami ng nanonood samin pero wala akong pake.

Nakita ko naman na tumayo si ate Gyra at lumapit sakin

" Z-zaira please, wag ka nang mag eskandalo dito, mahal ko si Nel at mahal nya rin ako! Tanggapin mo nalang kasi na Hindi ka sineryo ni Nel dahil ako ang mahal nya at Hindi ikaw!"- my sister said with a teary eyed on her face that made my hand turn into a fist. Tss, ang galing nya talagang umarte. Ang sabihin nya lang, ayaw nyang magpakasal sa ka-business partner ni Tito. Sinasagad nya talaga ang pasensya ko!

"Isa ka pa!!"- sasampalin ko na sana si ate pero may kamay na pumipigil sakin para masampal ang mas makapal pa sa encyclopedia na mukha ng magaling kong kapatid.

" Zaira sumusobra ka na! Kapatid mo parin si Gyra kaya wag mo syang saktan!"- sigaw ni Nel sakin habang hawak parin ang kamay ko

"Nel Hindi mo ba nakikita na lahat ng pinapakita nya sayo Ay pakitang tao lang?!!!! Ganyan ka na ba ka bulag para Hindi makita na ginagamit ka lang nya?!! Ha?!!! Ginagamit ka lang nya Nel dahil ayaw nyang mag-pakasal sa iba!!! Ginagamit ka lang nya!!!!

*SLAAAPPP*

"Hindi to too yan Zaira! Mahal ko si Nel kaya wag mo Kong pag-bintangan sa mga bagay na Hindi ko naman ginawa!!"- sigaw ni Gyra at umiyak

Lumapit si Gyra sakin at niyakap ako. Nag pupumiglas ako sa yakay nya pero mas hinigpitan nya pa ang pagyakap sakin at binulong ang mga salitang mas lalong nagpa-init ng ulo ko.

" Kahit na anong sabihin mo, Hindi maniniwala sayo si Nel dahil ako ang mahal nya at hindi ikaw, kaya kahit na sabihin mong ginagamit ko lang sya, Hindi parin sya maniniwala sayo."- sabi ni Gyra at tumawa ng mahina

"Hayop ka Gyra, hayop ka! Wala kang awa!"- pabulong na sigaw ko pero tumawa lang ulit sya ng mahina

"Well, my dear sister, ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nakita nya ang gagawin ko"- sabi ni Gyra na nagpakaba sakin

" T-teka ano bang gagawin-"- hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla lang syang natumba na para bang itinulak ko sya.

Pinuntahan naman kaagad sya ni Nel at tinulungan si Gyra na tumayo. Tinignan naman ako ng masama ni Nel habang inaalo si Gyra na umiiyak.

"H-hindi k-ko sya itinulak"- tanging nasambit ko nalang dahil Hindi ko na nakayanan ang mga titig nya sakin na parabang gusto nya kong ipalapa sa mga leon para gawing pagkain.

I'M INLOVE WITH A WATTPADERWhere stories live. Discover now