Chapter 61

924 26 0
                                    

L O R R A I N E's    POV



Kakatapos ko lang kausapin sa JL tungkol sa pagpapahanap sa totoong nanay ni raven, actually dapat matagal ko ng ginawa to..,pinahanap ko yung totoong nanay niya hindi para ibalik siya..gusto ko lang malaman kung bakit niya iniwan si Raven sa tapat ng condominium unit namin..




Mamaya kasi nagkamali lang ng pinag iwanan yung totoong nanay ni raven sa kanya...




Papunta na sana akong dining para kumain ng lunch ng may mag doorbell nanaman -_- pinagbuksan ko muna kung sino man ang nasa pinto -_-




Napakunot ang noo ko ng makitang delivery boy yun at may dalang napaka raming rosas..




" Ma'am pa receive nalang po nitong item.,paki pirmahan po ito"




" wala akong pina deliver na ganyan karaming rosas, baka hindi dito yan"




" ahm..kayo po ba si Ms.Lorraine Rivera?"




Alanganin pang tanong niya sakin,.pero baka nga para sakin dahil binanggit niya ang pangalan ko..





" ako nga, kanino galing ang mga bulaklak na yan?"





" kay Mr. Nathan De Revamonte po.."





Awtomatikong napataas ang kilay ko sa pangalang nabanggit niya...walang imik kong inabot yung papel na dapat kong pirmahan.,inabot ko naman agad pabalik sa kanya yung papel ng matapos na ako sa pagpirma...





" paki sunod nalang yan kuya, allergy ako sa rosas..,"





" po?!..sayang naman po ang mga ito.."





" kung ganun pakibalik yang mga yan sa nagpadala, paki sabi narin na hindi ko kailangan ang mga walang kwentang bulaklak na yan -_-"




Isinara ko ng tulyan ang pintuan ng condo ko,..anong akala ng manlolokong yun?! Madadala niya ako sa maraming pabulaklak niya?! Kaya ko ring bumili ng ganon karaming bulaklak kung gugustuhin ko -_-




Nang matapos na akong kumain ng tanghalian binihisan ko si raven ng pang alis,..balak kong mamasyal sa mall ngayon at mamili ng mga bagong gamit para sa kanya...




Inilagay ko na siya sa stroller niya,.tinawagan ko na rin sila chloe at kaye para may kasama akong maglibot sa mall mamaya..



Agad kong iniupo si raven sa pinagawa kong Convertible Car Seat para sa kanya..




Pinaandar ko na ang kotse ko papuntang mall.,nang makarating kami ni raven, naabutan ko sila chloe at kaye na naghihintay sa may entrance ng mall..




" wow nanay na nanay ang porma natin ngayon ah! -_-" -Chloe




" nanay naman na talaga ako"




Balewalang sagot ko...




" dalagang ina.." -chloe




Hindi ko nalang pinansin si chloe -_-




" bakit naman kasi naka shirt at pantalon ka lang?" - kaye




" alangang naka gown ako habang maglilibot sa mall at may dalang anak -_-"




" sabi ko nga -_- ok na rin hindi ka naman mukhang haggard.." -Kaye




Itinulak ko nalang ang stroller ni raven papunta sa baby section..kaya lang nakasalubong namin si helle na maraming bitbit na shopping bag..




" well, may oras ka pa palang mag mall sa lagay mo -_-" -helle




Tinaasan ko siya ng kilay ko, yung siguradong hindi niya kayang higitan ang taas..



" eh ikaw? Buti nakakapag shopping ka pa ng ganyan karami kahit wala ka namang pera...o baka naman pera ni Nathan ang ginagamit mong pambili ng mga luho mo"



" Boom!" -chloe



" sapul!" -kaye




" si nathan ang nagsasabi sakin na mamasyal at mamili ako ng mga kailangan ko.,mainggit ka dahil inaalagaan akong mabuti ni Nathan" -helle




Gusto kong matawa ng malakas dahil sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko..





" inaalagaan ka lang ng mabuti kailangan ko na agad mainggit sayo?! Nagpapatawa ka ba? Eh binigyan ka na ba niya ng napakaraming rosas kagaya ng binigay niya sakin kanina sa condo ko?"




" sayo niya ibinigay ang mga bulaklak na yun?" -helle




" bakit? Akala mo ba para sayo yun? Well...hindi ko naman tinanggap yun, pinablik ko pa nga, kung gusto mo pala ang mga bulaklak na yun, edi angkinin mo na..tutal yun naman ang papel mo sa buhay ko, ang maging taga salo ng mga itinatapon ko.."




Hintayin mo lang na ipakita ko sayo kung gaano kabaliw sakin ang lalaking kinababaliwan mo helle..




Ipapakita ko sayo kung gaano kabilis kong makukuha si Nathan, at ipaparamdam ko sayo na hindi dapat katulad ko ang binabangga ng isang kagaya mo lang...


**************

The Badass Queen Vs. The Badass KingWhere stories live. Discover now