019

1K 43 0
                                    

Chapter Nineteen

" Ma, alis na po ako." I kissed my mother's cheeks while her eyes were glued on the tv.

Humarap ako kay Ate Judith na nakatayo lang sa aking likuran. I smiled at her genuinely. " Ate, kayo na po ang bahala kay Mama ha? Maaga naman po akong uuwi mamaya kapag walang masyadong trabaho sa ospital."

" Sige, Alysson. Mag-iingat ka!"

" Kayo din po dito. Make sure po na nakainom si Mama sa tamang oras ng kaniyang gamot."

" Sige."

I grabbed my bag from the couch and headed towards the shoe rack. Sinuot ko ang aking puting sapatos at pumunta na sa pintuan.

Muli kong nilingon si Mama at nakita siyang nakangiti na sa akin. I smiled back before I closed the door.

Despite the medications, may pagkakataon pa ring nanghihina si Mama. Minsan hindi siya makatulog dahil naninikip ang kaniyang dibdib. I had to be with her in her room just to make sure that she was alright. Ipinaalala sa akin ni Ashton na kailangan mas pagtuonan ko siya ng pansin ngayon.

I haven't scheduled her surgery. Hindi pa namin iyon pinag-uusapan ni Ashton kasi nga hindi naman ako madalas magpakita sa kaniya. After the day that Adam and I parted, I tried my best not to meet Ashton on the hallways of the hospital. Kapag magkasama sila ni Athena ay sinisikap kong hindi niya ako makita. Ayaw kong makausap si Ashton lalo pa't baka itanong niya kung bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag ni Adam.

Pinipigilan ko kahit gusto kong marinig ang kaniyang boses. Adam's voice soothes me. Kapag naririnig ko ang kaniyang boses, nawawala ang pangamba ko. I always felt confident whenever I am with him.

Nang dumating ako sa ospital ay nagkakagulo na ang ER. Kaya dali-dali akong pumunta sa aming office at inilagay ko ang aking mga gamit bago ako bumalik doon at inasikaso ang mga pasyente.

" School bus? Naaksidenteng school bus?" I asked the rescue team while they keep on pushing the stretcher inside the emergency room. Nagkatinginan kami ng doktor na nakaassign sa ER ngayon. There were also three resident doctors that are with us.

Inasikaso ko ang isang resident doctor sa panggagamot sa batang nauntog ang ulo sa metal ng school bus. According to the rescue team, tumagilid ang school bus sa mababaw na bangin at may iilang batang nandoon at pauwi na sana galing field trip. There were fifteen of them in the bus at ito ang huling umalis sa venue ng field trip kaya kaunti lang ang mga bata.

Ang driver ng school bus ay walang malay at hanggang ngayon ay minomonitor pa rin. The police were waiting for him to wake up in order to write their reports.

Five of the students were wounded. Yung isa naman sa kanila ay may asthma kaya kailangang mas pagtuonan ng pansin dahil habol-habol niya ang hininga nang isugod ng rescue team. The rest of the students were okay, some of them were just shaken. Ang adviser naman nila ay nasa ER rin at nagpapahinga. She hit her hip and head somewhere.

Nang masigurong stable na ang lahat ay bumalik ako sa aking post habang nagdi-discuss naman ang doktor at kasamang resident doctors.

" Excuse me," may tumawag ng aking pansin. " I am one of the student's guardian."

Inangat ko ang aking tingin mula sa monitor papunta sa nagsalita. My eyes widened a fraction upon seeing Tristan, the manages of Highlands, in front of me. Agad akong tumayo at ngumiti sa kaniya. He smiled back at me warrily.

" Miss Alysson," he acknowledged.

" Naaalala mo pa ako?" I asked him. Kinuha ko ang aking clipboard upang i-check kung anong bed number ang kaniyang hinahanap.

Auctioned (Creight Series Version 2.0)Where stories live. Discover now