Chapter 6

138 6 0
                                    


"How do you know him, love? 'Di ba siya 'yung namimigay ng libreng pagkain du'n sa palengke? Paano kayo nagkakilala?" kuryosong tanong ni Axel sa seryosong boses.

It's 6:12 PM when we arrive here outside our house. People outside were still busy drinking liquors. We still heard the music from the sound system nearby us. Everyone were busy talking while enjoying the beat of music.

Dahan-dahan naman naming nilalakad ang konting espasyo ng daan sa labas papasok sa loob ng bahay namin. Matapos mai-para saglit ang motor na sinakyan naming dalawa papauwi dito at ang service na laging sinasakyan ni Axel, ngayon ay hinahatid niya ako papasok.

Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko sa tanong ni Axel. Mula ng nakita niya ang nangyari kanina ay hindi na nawala pa ang biglang pagtataka sa mukha niya. Nagtatanong iyon na para bang naghahanap ng kasagutan at eksplanasyon. Kaya naman ngayon ay hindi na niya napigilan ang kuryosidad at kanina pang kung ano'ng gumugulo sa isipan niya.

"Sino?" Napamura ako sa isip ko kung bakit ganu'n pa ang naging kasagutan ko.

Marahan siyang tumitig sa akin. Tinimbang ko ang tingin na iyon. Iisa lang ang sinasabi, ang eksplanasyon ko sa tanong niya at ang kuryosidad.

"S-si.. V-vien ba ang tinutukoy mo?" I stuttered.

"So Vien is his name? Magkakilala na nga kayo..." he asked. Hindi ko mawari kung ano ang pinapahiwatig ng mga tingin at sinabi niya.

"So paano kayo nagkakilala?" muli niyang tanong sa malumanay na boses.

Pinilit kong hindi mabulol sa mga sinagot ko. "Nakausap ko siya one time nu'ng dumalaw ako sa bahay niyo, nu'ng friday 'yon. I guess customer mo siya. Nagkausap kami saglit habang tinatawag kita pati si Lola, habang naghihintay naman siya sa'yo kasi may pinuntahan ka daw," I explained. I don't know why I need to explained everything to him when in the first place, we're not in a relationship. And it is necessary?

"Yeah he is my customer at may binibili lang ako sa tindahan no'n para sa niluluto ni Lola," wika naman niya.

"So you two are friends now?" he asked curiously.

Umiling ako ng marahan. "We're not," I simply said.

But perhaps going to that soon.

Hindi na siya muling nagtanong pa pagkatapos no'n. Pero alam kong marami siyang gustong itanong sa akin. And the hell I care to tell him everything.

"By the way, ibabalik ko pala 'yung DSLR camera mo, love. Saglit lang at nasa motor," aniya. Mabilis siyang bumalik sa nakaparada niyang motor at pagkatapos ay nakita ko siyang dala-dala na ito pagbalik.

Inabot niya ito sa akin at tinanggap ko naman. "Nag-picture ako jan ng naked photo para may patunay na may abs talaga ako. Hanapin mo na lang atsaka 'wag mong i-delete."

Nagtataka ko siyang tiningnan. I raised my eyebrow. "I don't need your abs, Axel. As you said, all boys have it too so do I," I answered.

"Iba parin kapag sa'kin. Natural," aniya.

I sarcastically laughed. "You're so arrogant, aren't you?"

"At least may ipagmamayabang naman!" proud niyang saad. Umirap ako. Narinig ko ang pagtawa niya. "Pwede mo rin pala 'yung i-kiss pagtulog mo."

"Disgusting! So gross!" pataray kong sagot. Naglakad ako papasok ng bahay ng hindi siya tinitingnan.

I stopped when I forgot to ask something. I turned around to see him. He still stood there watching me, eyes asking me why.

"Kailan pala ang alis mo?" tanong ko. He knotted his forehead from what I said, comprehend what I'm asking.

Nang makuha niya ang ibig kong sabihin ay kaagad siyang ngumiti. "Mami-miss mo agad ako, love?"

Saving Vien's Bucket List (BxB)Where stories live. Discover now