CHAPTER 38 flashback

665 14 0
                                    

symmetry_sunflower

flashback

Nagmamadali siyang magbihis, may pinapaayos si Alfredo sa kanya sa isang Resort na pag aari nila, ngayon siya makikipag meeting sa isa sa mga Interior designer at Archetect na mag hahandle ng kanilang project.

Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin bago niya kunin ang susi ng kanyang kotse na pinarada niya ilang metro ang layo sa kanilang gate, hindi niya alam kumpaano, ngunit alam ni Cassandra ang tunog ng kanyang sasakyan, balak niyang takasan ang kanyang mate kahit labag sa kanyang kalooban.
Mag aapat na taon na ito at nasanay na ang bata na palaging nasa kanyang tabi.

"Alpha-"

"Its Marcus Greta."

"Pasensya na, Nasa likod na si Cassandra at linilibang ni Minda." Mabilis siyang tumango dito at dali-dali siyang bumaba ng hagdan upang matakasan ang kanyang mate.

Mabilis niyang sinipat ang relo, malalate na siya! Napamura siya sa isip at mabilis na naglakad papuntang gate ngunit akmang isasara na niya ito nang makita siya ng kanyang mate na tumatawa habang tumatakbo, kaagad siyang nagtungo papunta sa kanyang sasakyan ilang metro ang layo sa kanilang gate.

Mabilis niyang linabas ang susi habang naririnig niyang pumapalahaw ng iyak ang kanyang mate at tinatawag siya nito sa kanyang pangalan.

Nanginginig ang kanyang kamay at hindi niya maipasok ang susi upang mabuksan ang pinto, umawang ang kanyang labi at ramdam niya ang pamamawis ng malapot ng makalabas ang tatlong taon gulang na si Cassandra habang umiiyak at tumatakbo papunta sa kanya, wala sa sariling nabitawan niya ang susi,
Fuck papunta na si Boss! Patay! Siguradong mahaba-habang pag tutuos ang mangyayari.

"No! No! Met---no! Sama!"

"Sama! Sama! Met! Met!"

"No! Please! Sama! Sama!"

Grabe ang mga palahaw at iyak nito na tila kinakatay.

Hindi pa siya nakakahakbang papalapit sa kabiyak ng madapa na ito.

"Cassandra!

"Amore!"

"Baby!"

Mas lalo nitong linakasan ang pag iyak at sigurado siyang mahihirapan siyang paamuhin ang sutil na bata.

Sabay-sabay silang lumapit sa kanyang mate, dumudugo ang tuhod nito dahil nagas-gas sa simento. Mabilis niya itong binuhat ngunit puno ng panggigil siya nitong sinabunutan at kinagat ang kanyang leeg na malakas niyang kinadaing.

Pilit itong inawat ni Greta ngunit mas lalo nitong nahihila ang kanyang buhok at nagpumiglas ito upang bumaba..

Hinanda na niya ang sarili dahil alam na niya ang susunod na mangyayari.

"Bad! Bad! Bad! Ish you'l fault!" Luluha ang bughaw nitong mata habang tila inaping bata sa kalsada.

"B-aby-" akma niya itong susuyuin ng mas lalo itong umiyak maging ang kanilang mga kapit-bahay ay tila nabulabog at nag silabasan sa kani-kanilang bahay.

Owned by the Alpha of TrigusWhere stories live. Discover now