Chapter.43

1.1K 34 0
                                    

Third Person POV..

"Monique hija, mag meryenda kana muna.." Ani ni Manang Soler sakin saka nag lapag ng kape at kakanin sa lamesita.

"Salamat ho, Manang Soler. Hindi na ho, sana kayo nag abala pa...inaayos ko lang po kasi itong mga pananim." Ani ko naman saka nag punas ng pawis at napa ngiti.

Hindi ko alam natutuwa kasi ako kapag may nakikita akong mga pananim pakiramdam ko kasi sila ang nag bibigay ng saya sakin.

"Mamaya muna ayusin iyan hija, mag meryenda ka muna. Lumipat ka renè" Lumapit ako sakanya kagaya ng sinabi nya. saka ako hinawakan sa kamay ko.

"Ki ganda mo pa namang bata ka hindi ka dapat nagpapaka pagod riyan ng masyado. baka matulad ka saakin tatanda ka ng maaga." Napa isip ako.

Tatanda nga ba ako ng maaga?

Hapon pa naman eh?

"Eh Manang hapon naman po ngayon eh? Ibig sabihin ba neto Babata po kayo. Pero, kulobot parin ang balat nyo manang Soler?" Mahinang tumawa si Manang Soler.

"Naku itong batang ito ang daming kalukohang naiisip. halikana muna at mag meryenda muna tayo." Ani nya.

Sabay kaming naupo sa upuang gawa sa kawayan saka nag simulang mag meryenda.

"Alam mo hija, ganyan na ganyan rin ang alaga ko noon nong bata pa sya mahilig syang mag ayos sa mga pananim ko." Kwento nya.

"Kagaya ko rin po ba sya manang?" Tumango sya.

"Babae po?" Umiling sya.

"Lalaki ang alaga ko hija" Itong si Manang hindi ko talaga alam kung anong itatawag sakin.

Minsan 'Monique', kadalasan 'hija', kanina naman 'batang ito.'

Napa kamot tuloy ako.

Palagi nyang ikinu-kwento sakin ang tungkol sa alaga nya.

Ang tinutukoy nyang alaga eh yung nakita ko sa Malaking larawang naka sabit sa ding-ding sa silid yung binatang gwapo na may asul na mga mata.

Larawan ng batang lalaki.

"Wala ho, ba syang mga magulang Manang Soler?" Tanong ko habang kumakain kami ng kakainin.

"Meron hija, sadyang saakin lang talaga sya nasanay at lumaki..." Ani nya.

"Nasaan ho, ang mga magulang ng alaga ninyo Manang?" Hindi ko maiwasang mag tanong dahil sa tindi ng kuryusidad na bumabalot sa pagkatao ko.

"Sa pagka alala ko hija, Iniwan sya ng ina nya nong tumongtong sya ng onsè anyos." Ani nya.

Humigit sya ng malalim na hininga.

Onse palang?

Samantalang ako batang palaboy-laboy lang sa lansangan noon.

Nong nagkaroon ako ng trabaho bilang taga serve sa Gutohan at Lomihan noon pina talsik ako dahil sa mga katangahang nagawa ko.

TOB4 His Favourite B*tch✔Where stories live. Discover now