Sa dulo ng walang hanggan

176 5 0
                                    

• SA DULO NG WALANG HANGGAN •

I always wanted to be with you. I wanted to love you, to touch you, or even just to be by your side once again.

I cherished every single time that we were together. I liked how your smile made this heart gone wild. You are my reason to get up every morning, baka kasi isang araw, matutunan mo na rin na mahalin ako.

Mapait akong ngumiti habang pinagmamasdan ka. My heart started to beat erratically, unti–unti akong nauubusan ng hangin sa katawan. I can't bear to see you happy with someone else.

Dapat ako 'yun eh.

Dapat ako 'yung nagpapangiti sa'yo.

Dapat ako 'yung paksa sa bawat piyesa ng tula mo.

Dapat ako 'yung nakakarinig ng mala–anghel mong tinig sa tuwing kumakanta ka.

My tears began to fall from my eyes. How could I tell you that I love you, kung may dahilan na ang bawat pag–ngiti mo?

Nagsimula akong punasan ang aking luha nang makita kitang papalapit sa akin. I needed to be strong – especially in front of you. I know that you don't want to see me crying – lalo na kapag nalaman mong ikaw ang dahilan. Sinanay mo kasi ako eh. Sinanay mo akong na sa tuwing kailangan ko ng masasandalan, nandiyan ka. Mataimtim kang nakinig sa bawat hinanakit, at mahigpit mo akong hinagkan sa tuwing hindi ko mapigilan ang pag–luha. I don't know who will I blame, masyado akong nalunod sa pagmamahal ko sa'yo. Ngayon tuloy, hindi ko na magawang umahon dahil hinayaan kong magpadala sa  bawat pag–hampas ng alon ng pag–ibig.

"Bakit nag–iisa ka?" Tanong mo nang makarating kung nasaan ako. Umupo ka sa aking tabi pero nakatingin ka pa rin sakaniya.

Huminga ako ng malalim bago ka sagutin. "Nagpapahangin lang ako." Dahilan ko. I stared at the dark blue sky above me at sandaling pumikit.

Mabuti pa ang buwan, hindi ako iniiwan.

"Nalulungkot ka na naman ba?" Ibinaba ko ang tingin ko sa'yo at tinignan ka ng direkta sa iyong mga mata.

"Bakit, may magagawa ka ba para maibsan ang lungkot ko?" Pabiro kong sagot. I hugged my knees at ipinatong ko ang baba ko rito.

"Binibini." Malambing pero may pagka–seryoso mong sabi. To be honest, na–go'goosebumps ako sa tuwing sinasabi mo 'yung ganiyang mga kataga.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong at hindi pa rin inaalis ang tingin.

Napakaganda talaga ng mata mo. I often thought how do you see me. Hanggang batang kapatid na lamang ba? Mas matanda ka lang sa akin ng ilang taon pero hindi ibig sabihin nun ay nakakatandang kapatid din ang turing ko sa'yo. Kaso, mukhang ako lang ang gumawa nun. Halata kasi na masaya ka sakaniya.

I'll be happy for you then.

Pilit akong nag–bingi–bingihan sa tuwing naririnig ko kayong nag–uusap tungkol sakaniya. Sinisikap kong mag–mukhang masaya para sa'yo, pero paano naman ako? Patuloy kong inaasam na malaman mo ang siyang nararamdaman kahit na alam ko sa sarili ko na – mayroon nang nauna.

Tumayo ako at nag–unat. Maybe, kailangan mo rin namang malaman na may nagmamahal sa'yo bukod sakaniya. That's why I reluctantly tried to wear my best smile. I let out a sigh before I started to confess.

"Gusto kita." And there, I said it!

Hinintay ko ang magiging reaksyon mo. I waited for you to response. But instead of saying anything, nakita ko kung paano isa–isang bumagsak ang luha mo.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" nanghihinang tanong mo habang hindi pa rin nakayuko. 

Sandali ka pang nanatiling nakatingin sa mga damo hanggang sa nagdesisyon ka ng tumayo at harapin ako. I was born ready to confess anytime. Kahit na alam ko sa sarili ko na mabibigo lang ako, handa akong gawin 'yun basta para sa'yo. Sa totoo lang, ngayong nasabi ko na, parang ang gaan sa pakiramdam. Hindi ako naghahangad na mahalin mo ako, o kahit tignan man lang sa ibang paraan. I just wanted you to know how I feel about you. I wanted you to feel how much I love you even though my love will not get reciprocated.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Ulit mo pa. Ngunit ngayon, hindi ka tumigil sa pag–aalog sa akin habang nakahawak ka sa aking balikat. I was confused sa iyong inaakto.

"Gusto kita. Mali, mahal kita matagal na. Ikaw ang nagsilbing araw ko sa umaga – ang dahilan ng aking pag–gising at paghihintay na dumating ang bukas. Pinilit kong itago ang nararamdaman ko dahil ayokong masira ang pagkakaibigan natin at hindi ko gustong makasira ng relasyon kaya hindi ko agad nasabi. Pasensya na, duwag ako." Paliwanag ko sa'yo. I was hurt seeing how many tears left your eyes.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. You were now down on your knees. Pinantayan kita para tuluyang makatayo ngunit para akong naging estatwa nang marinig ang sagot mo.

"Bakit ngayon pa? Ikakasal na ako bukas!"

Book of BloodWhere stories live. Discover now