PREFACE

29 6 5
                                        

“Ate! Need help!” agad kong nilayo ang cellphone ko sa tenga nang marinig ang matinis na boses ni Megan, ang kaisa-isahan kong kapatid.

Napabuntong hininga nalang ako at isinandal ang batok sa upuan habang pinapaikot ang straw ng ube smoothie ko sa kamay.

“What is it again Megan?” pagod kong tanong.

Actually, kakaupo ko palang dahil masyado akong na drain sa last patient na nagpa checkup.

“Ate, pwede bang ikaw nalang yung makipag-meet sa abogado ni Laurence?” pakiusap nito na agad nagpataas ng kilay ko.

Sabi na nga ba! Tungkol na naman kay Laurence na iyan! Balita ko ay tinambangan daw iyong boyfriend niya nang mga nakaalitan nito habang palabas sa bar.

Ba’t ba kasi nagjowa ng basagulero itong kapatid ko?

Ubod nga ng gwapo, parati namang nakikipagbasag-ulo

“Aba’t wala bang pamilya iyang jowa mo at ako nanaman ‘tong kinukulit mo?” padarag kong tanong sa kaniya.

“Ate naman…” ngayon ay naging malambing na ang boses nito. “May business kasi both parents ni Laurence. Kahapon pa iyong flight nila papuntang Italy.” pagpapaliwanang nito na tila ba iyon ang sapat na dahilan para mapa-oo ako.

“Eh anong kwenta nang kapatid niyan?”

“Ate! May project si Liam sa Iloilo…”

“Eh ikaw? May meeting ka rin? May project sa probinsiya? May kliyente ka rin ba?”

“Ate naman…”

“Aba! Kung ako lang naman palagi iyong uutusan mo eh akin nalang iyang jowa mo! Papalitan ko nang bigas sa tiyangge para mapakinabangan naman iyan! Andami kong ginagawa dito sa ospital Megan!” Tuloy tuloy kong reklamo habang yung kapatid ko naman ay napapa hikab lang sa kabilang linya.

Langya talaga oh!

“Ate ako kasi iyong nagbabantay kay Laurence dito. Bukas pa siya idedescharge.”

Ay pucha! Oo nga pala. Inadmit iyong ogag.

Mabigat naman akong napabuntong hininga at hinilot ang sentido. Lintek! Wala na ata akong magagawa dito eh.

“Pucha oo na! Ano ba kasi iyan Megan?” suko kong tanong at pinaikot ang mata nang marinig ang hagikhik nito sa kabilang linya.

“Sabi na nga ba’t love na love mo’ko eh!” natatawang sagot nito na siyang nagpa-ismid sa akin.

“Ngayon kasi dapat iyong meet up nila ng abogado niya ate. ‘yung parents niya mismo iyong nakipag sched kasi big time iyong nakaalitan ni babe. Eh walang may available kasi nagkataon na may lakad mama at papa niya kaya ikaw nalang sana iyong pakikiusapan kong makipag meet--”

Naputol ang pagpapaliwanag nito nang marinig din niya sa kabilang linya ang pag bukas nang pinto ko sa loob ng opisina at nakita ko ang assistant kong pumasok habang may mga files na bitbit sa magkabilang kamay.

“Wait lang Meg-- Yes Alli?”

“Ahm doc, tumawag pala si Mrs. Delgado regarding daw sa session niyo ng anak niyang bunso na autistic pero di ko ito nakita sa schedule paper mo nang I check ko ito kaya sabi ko ay tatanungin muna kita about dun.” magalang na sabi nito sabay lagay ng profile ng pasyente na agad ko ring nakilala.

Si Alli ang siyang naging assistant ko simula nang mag-umpisa ako sa propesyon kong ito. Kung iisipin ay tila ito rin ang dahilan kung bakit pabalik balik din sa labas ang mga kababaihang nurse dito para makita siya.

Not So Easily [ONGOING]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora