Chapter 24

248 9 4
                                    

***

Inilibot ni Gavriel ang tingin niya. Nakatayo siya ngayon sa malawak na lawn ng isang lumang bahay na bahagya ng nakatirik sa gitna ng kawalan. Masyadong malayo ang mga kasunod na bahay dahilan para mahuli ang pagreport at pagresponde ng mga bumbero sa nangyaring sunog walong taon na ang nakalilipas.

Gumawa ng ingay ang marupok na kahoy na sahig pagpasok ni Gavriel. Maingat niyang nilaktawan ang mga bahaging napuruhan ng sunog dahil alam niyang maaaring bumigay ito at sa basement siya damputin.

"Is it strange to feel the exact same pain I felt here before?" bulong niya sa sarili.

Ipinikit niya ang mga mata niya. Tila ba naririnig at nararamdaman niya ang bawat kaganapan dito. Biglang gumapang ang mainit na enerhiya at kumalat sa buong katawan niya hanggang sa bigla na lang balutin ang paligid niya ng apoy. Parang kinukulong siya nito at hinayaang magbalik sa kaniyang alaala ang lahat.

--

Jackson, Mississippi, 8 years ago

14 years old si Gavriel ng taong iyon. Isang teenager na walang control sa kaniyang emosyon. Ito palang ang ika-anim na buwan na tumigil ang buong pamilya Deveraux sa Mississippi para sa isang misyon na inatas ng council sa kaniyang ama at kay Serrah na bago pa lamang sa council noon.

"Gio, malakas talaga ang pakiramdam ko na may babae si dad. Wala ba tayong gagawin? Ilang beses na tayong nakakita ng ebidensya na may dinadala siyang babae sa bahay!" naiinis na sabi nito.

Nakaupo sila sa gilid ng isang lake hindi kalayuan sa tahanan nila. Nagkibit-balikat naman si Giovanni, nagdekwatro at ipinikit ang mga mata para damhin ang malamig na simoy ng hangin.

"Gav, matanda na siya. Kaya na niya magdecide sa sarili niya. Alam na niya ang tama at mali," tila wala lang sa kaniya ang bagay na ito.

Hindi makapaniwalang tinignan siya ni Gavriel.

"Hindi mo man lang ba inisip kung anong nararamdaman ni mom? Gio, imposibleng hindi siya naghihinala! She loves our father so much she can't bear to confront him! Alam niyang posible siyang iwan nito at sumama sa babae niya!"

Napadilat si Giovanni at salubong ang kilay na tinignan ang kapatid. Napapansin niya ang pagbabago sa kilos nito. Nagiging mainitin ang ulo nito. Madalas na silang magtalo sa mga bagay bagay. Natututo na rin itong sumagot sa mga magulang nila. Hindi niya naman maikakailang sumasagot din siya pero madalas kasi ay wala siyang pake sa mga bagay. Susundin niya kung ano ang gusto niyang gawin.

"I know our mom deserve better than that jerk pero hayaan mo sila ang umayos sa gulong iyon. Kahit ano namang mangyari hindi natin iiwan si mom. Let him leave! We can't force people to stay in our lives, okay? Broke something once and it will forever leave a mark. If our family is falling apart, let it be! Ang isang ngipin na nabubulok na, kailangan ng bunutin para hindi na makahawa pa ng iba. Mas maigi na iyong habang-buhay na may awang doon kesa masira ang lahat,"

"Why are you being like this, Giovanni Deveraux?"

Lalong nagsalubong ang kilay ni Giovanni.

"Pang-motivational quotes iyong sinabi ko ngayon ngayon lang tapos hindi mo iintindihin? Kontrolin mo nga iyang emosyon mo! Ginagawa kang bobo niyan!"

Naikuyom ni Gavriel ang kamao at kusa itong lumipad papunta sa panga ni Giovanni. Nakagat nito ang labi at nalasahan niya ang dugo mula doon.

He scoffed. "Seriously, Gavriel Deveraux?!"

"You're being like this because you're the same. Wala kang pinagkaiba sa kaniya! Huwag mong isipin na hindi nakakarating sa akin ang mga pagka-cutting mo para makipaglandian sa library, sa grandstand, o sa parking lot?!" bulyaw nito.

Supernatural Tale: The AwakeningWhere stories live. Discover now