Enjoy Reading

2 0 0
                                    

Ospital NG Makati, march 2008. Kung saan nagsimula ang unang nakaw tingin. Orientation Nila Para sa duty Nila na bahagi ng kanilang curriculum. Nakaupo si Ms L sa harap NG auditorium sa may kaliwa banda NG upuan. Lahat NG dadaan paakyat roon ay sa kanya dadaan. Ang harap NG auditorium ay ang kanilang stage na Kung saan ang pinto ay nasa kanan banda. Siya ay abala sa pagiisip sa Kung anong pwedeng isagot Kung sakaling Siya ay matawag. Medyo maingay ang kwarto pero Cia ay nakatitig Lang sa harap at nagiisip. At NG may pumasok na isa sa kanyang kaklase at sa likod ay isang lalaking nakaputi, maayos ang buhok na Mala piolo Pascual ang dating. Napatitig ang babae mula ulo hanggat Paa at habang ito ay papalapit NG papalapit sa kanya at Ganon din hanggat makaupo sa likod banda. Tila hindi nya mawari ang kanyang nararamdaman. Biglang bumilis ang tibok NG kanyang puso na habang nakatulala Lang sa kanya.
"Ms L Ms L" pagsiko na kanyang katabi.
"Oh Oh Oh" Sabi nya.
"nangyari sayo? Sinong tinitignan MO? Tanong NG katabi.
" Ah kilala MO yung kasama ni Kuya? Tanong nya.
" ah hindi, hndi nman pinakilala e at hindi MO nman Pinansin si Kuya nung nung binati tayo" sagot NG katabi.
"ah sorry hindi ko narinig" sagot nya naman.
At muli siyang nag nakaw tingin sa likod. Nakangiti ang lalaki habang kausap ang katabi nya, at ang gwapo nya talaga sambit sa isip.
Natapos ang orientation at hindi na muling nakita NG dalaga ang binata. Lumabas sila NG kanyang mga kasama sa auditorium at nagkayayaan kumain. Habang kumakain ay muli nyang nasulyapan ang gwapong binata. Naka sandal sa isang poste, kasama ng mga kalalakihan. Muli nya itong tinitigan at talagang ang gwapo nya, Lalo na pag ngumingiti. Ngunit may nakita siyang usok sa gilid at nakita nga nya na ito ay naninigarilyo, at Doon Tila gumuho ang kanyang kabaliwan sa binata. Bigla siyang napailing at nasabing
"Ay nagyoyosi, sayang naman" malungkot na batid sa sarili.
Hindi sila magkasama sa mga duty Kaya hindi na nya ito muling nakita ng buong summer class.
Simula na Ang 1st semester ng klase. Sa harap ulit nakaupo ang dalaga. Kaliwang side sa gitnang upuan Kaya muli ang lahat NG dadaan ay sa kanyang banda parin ang Daan. Nakaupo siya at muling nakatitig sa whiteboard sa harap at nagiisip Kung ano ulit ang kanyang maisasagot Kung sakaling Siya ay matanong. At sa kanyang bandang kaliwa sa harap, tatlong lalaki ang pumasok sa pinto. Mga nakaputing polo, itim na pantalon at sapatos, mga ayos ang buhok at mga may angas ang dating habang pumapasok. At isa nga dito ay ang binatang kanyang nanakawan ng tingin. Sya ang pinakahuling pumasok. Sadyang napakagwapo nya, pero dahil nagyoyosi Sya, hindi na Ganon kalalim ang kanyang paghanga. May seating arrangement ang upuan Kaya napapwesto siya sa bandang kanan nya sa likod. At Doon ay nalaman nya ang name nito, Mr L. Nakasama si Mr L sa tropa Nila. Naging magkaibigan pero hindi Ganon kalapit sa isatisa. Maraming duty silang Naging magkasama. Isa na dito ay ang tartaro bulacan. Kung saan ay 2weeks silang magstay Doon, mahahati ang bawat grupo at titira sa Ibat Ibang pamilya. Naging kakulitan nya na roon ang binata. Nalaman ang kanyang mga pinaggagawa. At nalaman din na ito Pala ay chikboy. Dami Naging gf at Naging kafling. Nagsimula ang closeness Nila nung Naging magkatabi sila sa bus patungong bulacan. May kilig kaunti pero pinililit nya alisin dahil magkatropa nga ang dalawa. Nalaglag ang wallet NG binata sa upuan at isang litrato ang nakita NG dalaga. Larawan ng isang babae na hubot hubad. Sa unang tingin ay nabigla siya at natawa. Pero may pakiramdam din ng inis o selos na hindi maintindihan. Maraming activity sa bulacan na Naging magkapareha sila, Kaya may nabuo talga na closeness sa dalawa. Isang beses nga ay may isang laro Doon na Kung saan sila ay natumba sa sahig. Ang dalaga ang nakahiga sa lapag at ang binata naman ay napunta sa may hita nya banda. Parang tumigil ang Mundo nung mga oras na Yun. Nasa ibabaw na nya ang lalaki, wariy mga 1minuto silang magkapatong.
"oie anong ginagawa nyo Jan? Sapul na Sapul ah" sambit ng kanilang mga kasama. Tumayo ang binata at inalalayan ang dalaga hawak ang kanyang mga kamay at sila ay nagtawanan.
"oieee ano Yan ha!" tuksuhan NG mga kasama.
Lagi silang magkakulitan pero hindi naman nararamdaman ni Ms L na gusto din siya ni Mr L kasi Alam nyang iba ang natitipuhan nito. Kaya tuloy Lang ang samahan Nilang magkatropa. Minsan panakaw tingin pero nananaig ang pagka turn off parin pag nakikita nya itong nagyoyosi at umiinom.
Uso PA noong panahon ang send to all message na Kung saan ay ginagawa din Nila sa tropa. Naisip NG dalaga na palitan ang isang Sim nya NG sun kasi sunsim ang binata. Hindi rin nya batid kung bakit nya ito ginawa, basta ang Alam nya Lang ay gusto nyang mapalapit sa binata ng husto.
"CC clan ito na po new number ko 0933xxxxxxx. Pasave nalang po at padelete nung luma. Thanks. -GM" message sent.
"Nasave ko na po Ms L" reply NI Mr L.
Iihhhhhhhh nagtatalon ang babae at Tila kilig na kilig. Hindi nya Alam Kung Ano ang gagawin, basta ang pakiramdam nya ay Tila bumibilis ang tibok NG kanyang puso. At nagtuloy tuloy nga ang kanilang sendan NG mga forward messages.
Magtatapos na noon ang 1st semester NG class Kaya Mas marami na silang vacant days. Kaya Mas marami na ang time ng tropa na tumambay sa apartment NG binata. Pag wala kasing pasok, or mahaba ang vacant ugali NG tropa ang tumambay. Sa apartment nakatira ay sila Kuya, R at L. Doon nagkekwentuhan, nagkukulitan at nagiinuman ang buong tropa nung araw na yun. Dahil hindi umiinom ang dalaga naisip nya umakyat nalang sa taas NG kwarto Dahil bigla din itong nakaramdam NG sakit NG ulo. Nasa kwarto ang dalawa din nilang katropang babae, Kaya Doon pumewesto si Ms L sa taas NG double deck bed. Doon ang bakanteng lugar, at Doon din ang kama ni Mr L. Humiga siya Doon at hindi namalayang napapikit na din. Mayamaya PA ay biglang bumukas ang pinto at siya ay napamulat sa liwanag at noon ngang nakita nyang naghahalikan ang dalawa nilang katropa sa mismong kwartong iyon. Ang babaeng ito ay isa sa mga kinahuhumalingan din ni Mr L. Nakita ni Ms L ang reaksyon NG mukha nung binata. Tulalang malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa naghahalikang mga kaibigan, at ito ay umakyat sa kama Kung saan andon nakahiga si Ms L. Bigla itong yumakap sa kanyang likuran at Tila may kuryenteng naramdaman ang dalaga sa buong katawan. Ramdam NG dalaga ang init ng mga kamay NG binata na nakahawak sa kamay nya. Rinig na Rinig ang hininga nito na umihiip sa kanyang batok. Sabay NG pagkabog NG puso nya ay sya ring kabog NG puso NG binata. Mahigpit ang yakap na binibigay NG binata sa dalaga at kasabay nito ang paghikbi NG patago. Nung mga oras na Yun Tila tumindi ang pagkahumali ni Ms L kay Mr L. At NG mga oras ding Yun Tila gusto nyang tumalon sa tuwa at kilig. Mga oras na pakiramdam nyang sa kanya Lang ang binata.
At NG mga sumunod na araw. Patuloy parin ang palitan Nila NG text message pero this time may call na. At ngayon ay meron na silang codename sa text. Yung Alam nilang sila ang magkatext pero ang magiging dating ay kunwari TextMate sila. Paguusapan Nila ang mga nangyari sa kanila sa buong araw kahit na magkasama naman sila. Si Ms L ay si Cel at si Mr L ay si Jhinx. Kaya Mas lalong kinikilig ang dalaga sa mga oras na kausap at katext nya ang binata. Natapos ang bakasyon at magsisimula NG muli ang klase NG 2nd Sem.
"diba pag orientation Lang maaga naman yung uwian?" text ni jhinx.
"oo bakit?" reply nya.
"San ka pupunta after?" tanong ulit.
"ah Ewan ko, bahala na, Kung saan pupunta ang tropa. Pero baka sa inyo"
Sagot NG dalaga.
"hindi pwede, may bisita si Brad(Kuya) Kaya Malamang hindi dito" Sagot NG binata
"ah Okey. Uwi na siguro" pakipot na reply NG dalaga kahit batid nyang may gusto itong ipahiwatig.
"gusto MO kaen tayo after?"-jhinx.
Kilig na Kilig Cia NG mga oras na Yun. Paikot ikot sa bed na parang Bola Kung umikot sa kakiligan na nararamdaman.
"Cel"
"tulog k na?"
Ring ring ring (phone ringing)
"oh bkt?" sinagot nya ang tawag.
"natutulog k na ba?" - jhinx
"ah hindi PA, may ginawa Lang" - Cel
"ahh Ano kaen tayo bukas after NG orientation?"- jhinx
"Sige Okey Lang." -Cel
Excited na papunta si Cel sa Orthopedic Hospital. Habang nasa byahe.
"Partner hindi ako sabay uwi Maya ah!"- Cel
"ay bakit sino kadate mo?" -K)(si K ay malapit Lang ang tahanan kila Cel kaya madalas silang magsabay papasok sa school Lalo na sa mga duty.)
"hehe secret" sagot nya
"Okey ingat enjoy"-K
Habang nakaupo sa upuan, dumating na nga si Jhinx. Suot ang unipormeng puting puti at bagay n bagay ang bagong gupit na buhok. At katulad NG dati, muli na naman itong natulala sa kanya at hindi maiwasang ngumiti habang nagkakamustahan ang lahat. Muling nakaw tingin na naman ang kanyang nagagawa. Pero minsan ay nagsasalubong ang kanilang mga Mata na Tila ay may gustong mga pahiwatig. Natapos ang orientation NG hindi sila nag kasama dahil magkaiba sila NG grupo. Naghintay si Cel sa waiting area NG ospital ngunit wala kahit isang message o call na galing Kay Jhinx. At mayamaya nagdatingan na ang Ibang grupo at narinig ni Cel "Hindi daw sasabay si Renea kasi ihahatid daw Yun Nila Mr L". Sa mga oras na Yun, Tila nadaganan NG mabigat na drum ang kanyang puso. Hindi nya mawari ang sakit na naramdaman Kaya ito ay napatayo na lamang at naglakad palabas NG ospital na Tila gustong umiyak sa sakit. Bagamat hindi naman sila, eto parin ang kanyang nadarama.
"Saan k na?" text ni Jhinx
Ring ring ring(phone ringing)
Hindi nya ito masagot dahil hindi nya Alam Kung anong sasabihin.
Ring ring ring(phone ringing)
"bakit po?"-Cel
"Saan ka na?"-Jhinx
"Sa jeep na kasabay ko si K"-Cel
"Kala ko sabay tayo?"-Jhinx
"bigla kasi sumakit ulo ko eh. Sige na hatid nyo na si Renea" painis na sagot nya
"ah pinagtripan Lang ni Brad Yun" patawa na sambit nito.
Kaya natawa nalang din ito sa kanyang sarili, ngunit hindi parin natuloy ang kanilang lakad. At muli patuloy Lang ang kanilang palitan NG messages at phone calls.
"Nuod tayo sine bukas?"-Jhinx
"ha? Anong movie?"-Cel
"ikaw kaw bahala."-Jhinx
"yung Kay Kc at Richard gusto ko yun" -Cel
Kinabukasan after class. Dali Dali ang dalawang umalis at nagtungo sa SM sta Mesa. Ngunit bago sila magkita roon ay parehas silang nakakita NG mga barkada Nila, at sa kadahilanang hindi Ipaalam sa iba ang namamagitan sa kanila ay hindi sila Muling natuloy.
Patuloy parin ang message and calls.
"Maaga uwian Natin bukas dba?"-Jhinx
"oo bakit?"-Cel
"May lakad ka ba?"-jhinx
"Parang wala nman, bkt?"-Cel
"Sabay tayo lunch, parang Sawa na kasi ako sa chowto eh"-Jhinx (sa Chowto kasi ang favorite kainan NG CC Clan. Chicksilog ang paborito Nila dito at sawsawan ay mayonnaise at ketchup.)
"Ah cge Okey Lang"- Cel.
Kinabukasan magkahiwalay ulit silang nagpunta sa sm sta Mesa, at sa pagkakataong ito nagkasama na nga sila. Habang naglalakad at hindi PA Ganon katagal na nagsama ay biglang
"uie Beh, Mr L, anu ginagawa nyo dito?" sambit na naggaling sa likod na boses NG dalawang babae. At ang dalawa ay gulat na gulat na hindi mawari ang sasabihin. Nagkatinginan Lang ang dalawa at hindi Alam kung ano ang isasagot.
"ah ah eh nagkita, nakita Lang, nakita ko siya" sagot NG dalawa na nauutal pa. At mayamaya ay nagtawanan Lang ang apat na magkakabarkada. At ganun din Pala kasi Sila, patago ding nagkikita at hindi rin pinapaalam sa buong tropa namin. At ayun nga sabay kumain ang apat. At ilang beses ding nasundan ang mga pagkakataong yun. Pero ngayon ay Mas madali na sakanila dahil apat na silang nagtatago ngayon. Pero hindi rin nagtagal at nabisto na din ang apat. At ayun nga Gaya NG mga nasa teleserye, nagulat ang buong tropa. At sa part ni Ms L ang naging malaking issue dahil wari NG tropa ay pinagsabay nya ang dalawang lalaki sa tropa Nila. Sabay kasing may nanligaw na katropa nya at dito ay pinapili sya.
"Ano ba Yan Ms L anong balak MO sa dalawa Kong kaibigan? Pinagsabay mo sila." galit na tanong NG pinaka Kuya nila sa tropa. Nagusap sila NG silang dalawa Lang.
"sorry po Kuya. Pero sa ngayon kasi ang Alam ko masaya akong kasama si Jhinx. Si R nakikita ko siya na magiging asawa ko, Pero si Jhinx ang gusto Kong naging bf ngayon". Sagot NI Cel.
At lalong nagalit si Kuya. Gumulo ang sitwasyon NG mga araw na yun. Ilang araw ding hindi nagkausap usap ang tropa. Kahit pumapasok arawaraw ay ramdam ang hindi paguunawan NG lahat. Maging ang iba nilang kaklase ay ramdam na may hindi magandang nangyayari sa tropa nila.
"parang may LQ ang cc clan ah? " pabirong tanong NG kaklase. Maski mga professors Nila ay ramdam din ito. Sanay kasi silang maingay, makukulit, competitive ang mga ito. Kaya ganon nalang ang pagtataka Nila.
At NG makapagisip isip si Cel, na si Jhinx talaga ang gusto nya. Tinulungan Cia ni R na amuhin ito.
Nagpahatid si Cel kay Jhinx sa MRT kasama nito sila R at C. At doon nga sa may malaking pabilog na poste roon sa Legarda Station, nakatayo silang dalawa. Si Jhinx ay nakasandal sa poste, at si Cel ay nakatayo sa harap nito. Dito na nagsimula ang ligawan.
"Mahal MO ba ko? "-Cel
"Oo" Jhinx
"Mahal MO ba ko?" ulit na tanong dahil hindi gusto ang sagot.
"Oo nga" sagot nya.
Ngaunit hindi parin yun ang hinahantay na sagot. Kaya nagtatawanan ang mga kasama at Tila nanunukso PA.
"Mahal MO ba ako?" tanong nya ulit
"Cel Mahal na Mahal kita" Jhinx
Wahhhhh at Doon na kilig na kilig ang dalaga at sobrang Saya.
"ako Mahal MO rin ba ako?" tanong NG binata.
"Oo Jhinx Mahal na Mahal din kita". Sagot nya.
At ayun nga nagyakapan ang dalawa at officially November 16, 2008, MRT Legarda station. At ngayon nga ay mag 12yrs na sila.

Nakaw TinginWhere stories live. Discover now