Part 20

349 19 0
                                    


Matiyagang naghihintay si Cecille sa paglabas hindi lang ni Arnold kundi kahit na sino na manggagaling sa loob ng OR. Panay ang tingin niya sa cellphone kung ilang oras na ang ginugugol sa operasyon. Wala pang isang oras 'yun simula nu'ng pumasok 'yung pangalawang doktor. Nilibang niya ang sarili sa paglakad lakad sa pasilyong kahilera ng OR. Ayaw naman niyang mapalayo at baka biglaang may humanap sa kanya.

Napansin niyang panay ang dating ng mga bagong pasok na nurse. Tiningnan nya ang relo at mag aalas sais na ng umaga. Naisip niyang 6-6 siguro ang shift ng mga nurse duon. Maaaring matapos ang operasyon ay uuwe na din si Arnold. Bakit ba si Arnold na naman ang naiisip niya sa loob-loob niya.

Biglang naalala ni Cecille na sabi ng biyenan niya ay padadalhan daw siya ng kape sa tauhan nito. Nakaramdam siya ng pagkalam ng kanyang sikmura kaya't naisipan niyang sumaglit sa binilhan ng kape ng tauhan ng biyenan niya. Bago pa siya tuluyang nakalabas sa pasilyong 'yun ay may natanawan siyang babae na mga sampung metro ang layo sa kanya. Hindi na sana niya ito bibigyan ng pansin ngunit ng tingnan n'ya ulit ito ay napansin niyang nakatitig sa kanya ito.

Lumingon si Cecille sa pag-aakala niyang may iba itong tinitingnan, pero wala namang ibang tao du'n kundi siya. Sa tingin niya ay mas bata lamang sa kanya ng kaunti ang babae. Wala namang kakaibang reaksyon sa mukha nito. Hinintay niyang may sabihin o tawagin siya nito pero umalis na din makalipas lang ng ilang sandali. Sinundan niya ng tingin ito habang papunta siya sa canteen ng may nakabunggo siya.

"Ayy." napasigaw siya.

"Ay sorry po mam. Natapunan po ba kayo?" ang tauhan ni ex-mayor na may dalang kape na naka-basong styropor.

"I-ikaw pala. Ginulat mo naman ako." sagot ni Cecille. "Hindi naman, muntik na." dugtong niya.

"Sino po mam 'yung tinitingnan n'yo?Hindi na 'ko nakaiwas ang bilis po ng dating nyo." katwiran ng lalaki.

"Ah w-wala, akala ko kakilala ko. Teka bakit naman natagalan ka yata?"

"Naubusan daw po sila ng kape, nagpabili pa sa kasama nu'ng nasa canteen. Tagal nga po eh. Dalhin ko na po mam du'n sa loob."

"Ako na lang akin'a. Puntahan mo na lang si Daddy baka naiinip na din 'yun sa 'yo." sagot na lang ni Cecille sa tauhan ng biyenan niya.

Muling nagbalik si Cecille sa kanyang kinauupuan. Sinipat muna niya kung may humanap sa kanya na galing ng OR pero wala namang palatandaan na galing sa loob dahil saglit na saglit lang naman siya nawala. Napaisip siya sa babaeng nakita, kung bakit ito nakatingin sa kanya, pero mukha namang hindi siya namukhaan lang o napagkamalang kakilala dahil wala sa itsura nito na kinikilala siya. Mabilis ding nawala sa isip ni Cecille ang babaeng nakita at naglaro naman sa isip niya ang nagaganap na operasyon.

Napapahanga siya ng mga doktor sa ginagawa nitong propesyon. 'Yung pag-opera ng mga ito na parang walang anuman sa kanila, iniisip kaya nilang tao 'yung inooperahan nila sa loob-loob niya. Sa tingin niya kasi ay parang kalmado lang ang mga ito kapag ginagawa 'yun. Siguro kasama 'yun sa pinag-aralan nila sabi niya sa sarili.

Samantalang siya eh halos nagtatarang na kanina ng makita lang niya ang umaagos na dugo na galing kay Lukas. Nanumbalik sa isipan ni Cecille ang itsura ni Lukas ng ito ay nakalugmok sa kama at duguan. Tinatanong niya sa sarili kung bakit  kaya nagkaroon ng barilan. Anong dahilan ng babaeng 'yun para barilin si Lukas. Kung babaeng bayaran 'yun, ay maaatim nito kahit ano ipagawa sa kanya ng asawa sa pagtatalik. Hindi naman rape 'yun dahil kitang-kita niya na mukhang kusa namang sumama ang babae sa kanila. Napakaraming gumugulo sa isip ni Cecille ng mga sandaling 'yun ng kanyang pag-iisa.

Tumingin siya muli sa kanyang phone, sa tantiya niya ay dalawang oras na ang nangyayaring operasyon. Nakakaramdam siya ng inip kaya't tumayo siya at naglakad ng pabalik-balik habang humihigop sa kanyang kape na lumamig na. Hindi na niya malaman kung saan itutuon ang isip na dapat ay nakasentro lang sa magiging magandang resulta ng operasyon ni Lukas. Nasa kanyang pagmununi-muni siya ng dumating na sila Karl.

Till Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon