New Chance At Love

53 9 1
                                    

"It's a bird, no it's a plane, no it's Philip Mendez!" Malakas na binasa ni Pearl ang headline. "Antonette, ganda ng shot n'yo habang pinoprotektahan ka ni Sir, lakas makateleserye" Natatawa naman si Antoinette habang sinusuot ang hikaw.

"Anong nangyari kahapon, paanong ang famous actor na si Philip ay sinagip ang isang hotel receptionist like a superhero?" excited naman si Anna na kadarating lang.

Nasa dressing room sila ngayon, nag-aayos para sa duty.

"Alright. Pauwi na ako, a customer suddenly approached me. I remember him kasi nagrequest sya for room service ng ilang beses. Pinipilit akong sumama, insisting that he's a customer at dapat ako sumunod. He's drunk. Nakakatakot dahil walang tao sa paligid. He tried dragging me but before I could even ask for help, Sir Philip came. Grabbed him and pinned him down"

"Like a real life knight in shining armor," hawak ni Pearl ang dalawang kamay na parang nagd-daydream.

"After the security came, nawala nalang bigla"

Natawa si Anna, "What's new? Ang ironic nga na artista sya pero aloof sa tao. Some even come here at Hotel Mendez because Sir Philip's family owns this pero bigong masilayan sya. Swerte mo nga, bago ka palang pero may moment ka na with the great Philip Mendez, CEO's brother. Samantalang ako..." may panghihinayang. "Gwapo ni Sir, 'no?" sabi ni Pearl.

"Mapapa 'Yes, I do' ka nalang kahit di tinatanong" biro pa ni Antoinette.

Nagtawanan sila. "Girl, may nag-iwan na naman for you" Flowers, chocolate, note. "To Antoinette, meet me at our meeting place -311"

"Hindi mo pa rin ba kilala yang 311 na yan?"

Natigilan sya nang mapagtanto kung ano ang bulaklak. Hyacinth.

7 years ago.

Matyagang naghihintay sa swing ang labing anim na taon na si Antoinette sa kanyang kaibigang si Kokoy na tuwing summer lamang umuuwi sa Pinas.

Childhood friends sila. Ngayo'y dalagita't binatilyo na, hindi na maaring magtagu-taguan o magbahay-bahayan at alam nila na hindi na bilang "magkalaro" ang nararamdaman sa isa't isa.

Lagi syang may dala na hyacinth para kay Antoinette.

Nangako sila na maghihintayan ngunit lumipas ang buong araw, hindi dumating si Kokoy. Ayon sa tinutuluyan nila, hindi na sila uuwi.

Ilang summer pa ang nagdaan, patuloy syang naghintay. Hanggang ang pananabik na makasama si Kokoy ay napalitan ng pagkamuhi para sa isang pangakong kanyang pinanghawakan ngunit tila tuluyan nang nakalimutan.

"Sir, kanina ka pa d'yan?" Lumabas sila sa tinig ng manager nilang si Miss Fritz mula sa labas.

Nandoon din si Philip.

"I do, huh?" sabi ni Philip kay Antoinette na sa pagkakatong ito'y gusto nalang magpalamon sa lupa. Tumalikod na sya "Fritz, my brother wants to see you" saka tuluyang nagpaalam.

"Did Philip just... smile?" di makapaniwala si Ms. Fritz. Sabay namang nagsitango sina Anna at Pearl, "Wow, that's odd. Ikaw naman kasi Antoinette, anong I do ka d'yan?"

Napa-facepalm nalang sya, "Okay lang kiligin kay Sir Philip, but..." pabulong na sinabi "Tone it down, girls."

"Here's the incident report, Ma'am" sabi ni Antoinette saka inabot ang printed document. "Thank you. He's banned from entering the hotel premises. Mag-iingat kayo lagi"

Alangan si Antoinette habang nasa harapan ng park. Kinakabahan ngunit pumasok sya. Kung tama ang taong nasa isip nya, ito ang tinutukoy na lugar sa note. 311 signifies March 11, the day she and Kokoy were supposed to meet.

Malayo palang, may pailaw at may lalaking nakatalikod.

Dahan-dahan itong humarap. "Sir Philip?" Ngumiti ito ng alangan. "Antoinette, right?" Napatingin sya sa paligid. "Nasaan... si Kokoy?"

"So that's how you call McKenzy"

"Sir, hindi ko maintindihan... Ano 'to? Magkakilala kayo? Anong ginagawa mo rito? Ginagago nyo ba ko?!" Nagsisimula na s'yang magalit.

"That's the last thing my cousin would ever wanna do"

"Pinsan? Nasaan sya?!" Hindi na n'ya napigilan ang sarili. Napayuko si Philip. "He's... far away, at naiintindihan kong galit ka sakanya"

Tuluyan nang bumuhos ang luha. "Nasaan sya? Naghintay ako ng ilang taon... at kahit paulit-ulit kong paniwalain yung sarili ko na hindi na ko naghihintay, ito pa rin ako. Parang gagang nagpunta sa sa lugar na 'to kasi sa huli, umasa pa rin ako na makikita ko sya. Ganon ba sya kaduwag para--"

"He's dead!" Natigilan si Antoinette, "Do you even know bakit nagbabakasyon lang sila sa Pinas? He's suffering from an illness at nagpapagamot. At 17, advance stage na sya. Hindi na sya pinayagang umuwi sa Pinas dahil mas lalala but then..."

Natigilan si Philip, bakas ang pagkabigla kay Antoinette. "He didn't survive. I was there the whole time, at ikaw..." Napahugot sya ng hininga, "Ikaw ang bukambibig nya. How much he wanted to see you one last time"

Nanlalabo ang mga mata ni Antoinette sa pagluha. "Bago s'ya mawala, binilin ka nya. Wala na kayo sa binigay nyang address. It took me years. When I finally found you, I didn't know how to approach you but the universe made its own way. Sa family hotel ka namin nagtrabaho. That's when I started sending you gifts... lahat 'yon si Kenzy ang nagsabi. Your favorite food, notes, and flowers. I had to remind you first of his existence"

Halos mawalan ng balanse si Antoinette at bumagsak sa sahig, sinapo sya ni Philip "Kokoy... hindi..." paulit ulit na pag-iling.

"I'm sorry... it took me so long before I let you know the truth" Luha lamang ang naisagot ng dalaga.

What she doesn't know is, Philip has known her longer than she thinks. He watched her as she happily walked out of the hotel after she's hired. He watched her pat the head of the stray cat along the street as she gave it food.

He watched her handing over the burger she barely touched to the beggar who approached her.

It's like he personally knows her kahit sa kwento lamang ng pinsan nya ito nakilala. He would watch her whenever he could to keep his promise to McKenzy, but now that the girl he watches over from afar is in his arms...he suddenly felt something he never thought he'd feel.

It Takes One SummerWhere stories live. Discover now