Second Chance

43 8 3
                                    

"Sana all bumabalik" si Loyd habang pinapanuod sina Chase at Nadia. Lumabas nalang si Fritz ngunit sinabayan pa nya ito ng lakad.

"Gusto mong umisa ulit?" Banta ni Fritz.

Yesterday.

Tuliro si Fritz, tatlong buwan na mula nang maghiwalay sila ng boyfriend n'ya. Bumalik s'ya sa reyalidad nang bumukas ang elevator at  pumasok si Loyd, ang best friend ng C.E.O.

Napahigpit ang hawak sa folder, dalawa lang sila sa loob.

Loyd held the emergency button, huminto ang elevator. "A-Ano ba?"

"Single ka na pala, may chance na ba ko sa'yo? Can I be the man to make you happy now?" habang nakangiting nakakaloko na bumihag sa maraming kababaihan... at kabaklaan.

Sobrang lapit nila sa isa't isa, nararamdaman na nya ang paghinga nito.

"What the f--" namamalipit ngayon si Loyd habang hawak-hawak ang ibaba n'ya matapos tuhuran ito ni Fritz. "Serves you right, bastos" tuluyan na s'yang lumabas.

"Gagawin ko 'yon ng 10x pa, tigilan mo ko"

"Parang di naman tayo nagmahalan no'ng college kung makapagsalita ka" may pang-iinis sa tinig ni Loyd.

Pumasok si Fritz sa elevator.  "Let's just have one date, for old time's sake!" Sigaw ni Loyd.

10PM. Nakatanggap ng tawag si Fritz at nagmamadaling pumunta sa ospital. Laking ginhawang makitang ligtas ang 17 y/o na kapatid. Napagtripan sila ng ilang kalalakihan. May isang lalaking tumulong sa kanila ngunit nasaksak.

Pinuntahan nila kung saan ito ginagamot. "Loyd?" 

Napalingon ang namumutlang pasyente na katatapos lang lagyan ng benda sa nasaksak na braso. "So he's your brother. I'll assume he's Yohan. Ang laki na n'ya" sabi pa ni Loyd na nahihirapan magsalita. "Thank you for saving him"

"Saw you again with Sir Loyd ha?" Panunukso ni Nadia. "Bumabawi lang ako dahil sa kapatid ko" Nag-message si Loyd, "Buy some antibiotics and drop it to my house" Napabuntong hininga si Fritz, "He saved your brother, repeat 30times!" pagtitimpi n'ya.

Hindi inaasahan ang nadatnan nya sa unit ni Loyd, "Good evening," bati nito habang sinisindihan ang kandila. Natatawa namang lumapit si Nadia, "Ano 'to?"

"Dinner date" saka minove ang upuan. Dim light. Ang romantic.

"Sana wag na kong gumaling. Para lagi kitang nakakasama" ang laki ng ngiti nya, at ang gwapo.

Nagpalpitate na naman si Fritz.

Nang matapos sila kumain. Tumayo si Loyd, "May we?" sqqaka inalok ang kamay.

Music playing.

Slow dance.

"Anong trip mo?" tanong ni Fritz.

"Ikaw, trip kita"

Nakatitig si Loyd. Hinigpitan ang hawak sa bewang papalapit. Nakatingin sa mga labi ni Fritz, he leans closer. Naramdaman n'ya ang halik at tinumbasan ito. Nagtama ang mga mata, sabay na ngumiti. "Your lips are still the sweetest" sabi ni Loyd.

"Si Sir Loyd ang date mo sa ball, ano? Nagkabalikan na kayo?"  bati ni Nadia. Tumango ito at kinikilig, "Ikaw, ready ka na ba?"

"Kinakabahan ako. Hindi ba magiging issue na date ako ni Chase?"

"Nads, he's the most powerful man in our company. Relax."

Excited si Fritz bitbit ang pagkain. Susurpresahin nya si Loyd ngunit sya ang nasorpresa nang maabutan itong may kasamang babae.

"Fritz... mali ka ng iniisip" Bago pa makalapit si Loyd, nakatakbo na s'ya papalabas.

Nang maabutan nya, sinampal sya nito. "Ang tanga ko para isiping magbabago ka"

"She's just--"

"Hindi naman ito unang beses, 'di ba?" Niyakap sya upang pakalmahin. "I want you back. Sigurado ako do'n" 

Pilit na tinanggal ni Fritz ang yakap, "Tama na! Nakalimutan ko saglit kung bakit tayo natapos noon pero ngayon, naaalala ko lahat" Tuloy tuloy ang pagluha.

"Kahit na nilapitan mo lang ako noon para sa thesis, ang sabi ko sa sarili ko I want Loyd Fernandez to fall in love with me. Gagawin ko lahat, desidido ako. Gustong-gusto kita."

"Nakita kita kasama 'yung cheerleader, sabi ko sarili ko hindi ako ganon ka-sexy kaya nagdiet ako. Napansin mo 'yon at ang saya ko pero nainvolve ka ulit isang athlete. Baka kasi di ako sporty, so I joined the volleyball team. I tried so hard to impress you, kahit di naman ako sigurado kung ano tayo no'n. Pinanghawakan ko yung sweetness mo,"

Napahugot sya nang malalim na hininga,"Ubos na ubos ako. Parang kinailangan ko magmove-on kasi ang sakit sakit kahit di naman naging tayo. Walang-wala ako, binigay ko lahat sayo. It took me years before I built myself again, before I could finally see my worth and have self-confidence pero para kong gagong bumigay na naman sa pambobola mo!" tinulak nya ng malakas si Loyd, "Hindi ko na sisirain muli ang sarili ko para sa'yo"

Sunday. 8pm.

Hotel Mendez 30th Anniversary Ball.  Nasa labas si Loyd, nagyoyosi.

"Hey" hindi nya inaasahan si Fritz looking all pretty with her red silky dress and wet look style. Nakatitig lang si Loyd at di makakibo, "I was harsh with you, sorry"

"Wala talagang nangyari samin," Tumango si Fritz, "I just realized kung babalik ako sa dating dumurog sa'kin, parang binalewala ko lahat ng natutuhan ko"

Yumuko si Loyd, "Hahayaan na kita" Nasasaktan si Fritz, alam nyang ito ang tama. Tumalikod na sya ngunit nagsalita muli si Loyd,

"pero hindi kita susukuan"

Natigilan sya, "Sa'yo ko lang nakita ang totoong pagpapahalaga at pagtanggap ng flaws ko. Yung tawanan natin, mga gabing magkasama tayo lahat 'yon totoo. Aayusin ko ang sarili ko until I become that man who deserves you"

Tuluyang napaluha si Fritz, hindi nya pinakita dahil nakatalikod sya, "Malay mo, next summer tayo namang dalawa"

Napangiti si Fritz, "Malay mo." Tuluyan nang umalis.

Napabuga sya ng usok at tumingin sa nagkakasiyahan.

Si Chase, kasayaw si Nadia. Si Philip, kasama si Antoinette na tila may sariling mundo habang nag-uusap. Kita sa mga mata ang namumuong pag-ibig.

Ang uri ng pag-ibig na natagpuan ni Fritz ay pagmamahal sa sarili. Bagay na madalas nalilimutan dahil nabubulagan.

Second chances may not be for everyone but life gives an endless hope that one day,  another chance of love will unfold. The kind that you will try to conquer despite infinite adversities and endless uncertainties.

Sometimes, it takes just one summer to realize it.

It Takes One SummerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora