CHAPTER 1:

832 21 0
                                    

"Good morning po sir." Seryoso ngunit nakangiting pag bati ng kanyang secretary Na si Ms. Fara chan sa kanya boss ng makababa Na si kyle sa kanyang sinasakyan.

Malaki Ang tiwala niya dito dahil Ito Ang kauna unahang naging secretary Niya Na nag tagal sa kanya at thankful sya Na Hindi Ito tulad ng mga babaeng nauna. Na Ang tanging dahilan lamang Kaya nag apply sa kanya Bilang secretary dahil may Mga tinatanong pag nanasa Ang Mga Ito sa kanya Kaya agad agad nyang sinesesante.

Tanging tango lamang Ang sinagot Nya dito habang Ang expression ng mukha ay Hindi mo man Lang makikitaan ng kahit kaunting ngiti. Nag lakad Na sya agad papasok sa building Na tila naging bahay Na niya dahil sa madalas Na pamamalage dito kesa sa sariling bahay.

Pag kapasok niya ay binati din sya ng Mga empleyado Na nakapila sa tuwing papasok sya at tulad kanina ay tinanguan niya Lang muli Ang Mga Ito habang nag lalakad ng seryoso papunta sa private elevator Na sa kanya lamang nakalaan ayaw niya kasi Ang may Mga kasabay dahil minsan may nakasabay syang empleyadong babae ay tila nang aakit Ito sa kanya at Hindi sya tanga para Hindi Ito malaman Kaya agad agad Nya itong sinesante kahit Na nag makaawa Na Ito.

Agad syang lumabas ng elevator ng matigil Na Ito sa pinaka tuktok ng building Kung nasaan ang kanyang opisina.

"Lo? Anong ginagawa mo po dito diba dapat nag papahinga po kayo Baka atakihin nanaman po kayo ng sakit nyo Ang tigas talaga ng ulo nyo lolo." Kunot noo nyang saad ng pag bukas niya ng pinto ng opisina ay ang lolo niya agad ang unang nakita nang kanyang mata.

Bawal Na kasi itong mag papakapagod dahil 71 years old Na Ito at may sakit Na actually last week ay sinugod namin Ito sa hospital dahil inatake Ito ng sakit sa puso.

Narinig nyang napabuntong hininga Ito bago sumagot sa kanya " Hindi naman talaga dapat ako pupunta dito Kung unattended ka Lang kahapon." Saad Nito habang nakaupo pa din sa sopang nasa gilid nang kanyang lamesa.

"Lo alam nyo naman po Na busy ako--." Sagot Nya dito syaka nag lakad papunta sa lamesa Nya.

"Alam ko yun apo, pero Hindi naman tama Na Hindi ka manlang nag bigay ng kaunting oras para bukas alam mo bang nag hihintay Ang ama at Ina ni Athena sayo kahapon." Singit Nito sa palusot Na kanya dapat sasabihin.

Nag iwas tingin at tila Hindi niya alam Kung ano nga ba Ang dapat isagot sa sinabi Nito. Gusto niya ng sabihin Na sinadya nyang Hindi pumunta kasi maaalala lamang niya Ang namayapang kabiyak at Hindi niya alam Kung Anong magagawa niya sasarili kapag nakita nanaman niya Ang sariling sira dahil sa pag iwan sa kanya ng kabiyak.

"Apo, alam Kong masakit pa pero kailangan natin makalimot. Pitong taon Na Ang nakakaraan apo palayain mo Na si Athena apo Hindi matutuwa Ang mag Ina mo Kung nakikita ka nilang nag kakaganito." Saad Nito syaka sya nilapitan at tinapik tapik sa balikat.

Kahit Na kaunting salita ay Wala akong tinugon dito nanatiling nakaiwas Ang aking Mga mata at pinanatili Ang seryosong mukha.

"Oh sya uuwi Na ako at Baka bungangaan nanaman ako ng iyong ama." Tanging nasabi Nito makalipas Ang ilang segundong katahimikan.

Napalingon naman ako dito ng marinig Ang sinabi Nito. " naka uwe Na si daddy Lo?" Takang tanong ko dito.

"Oo nung lunes Lang sya nakauwe, yan Ang napapala ng pagiging workaholic Hindi mo Na alam Ang Mga bagay Na nang yayari sa paligid mo." Sermon pa Nito. Bago lumabas nang aking opisina.

Sa loob nang ilang taong pag kawala ng aking ama Hindi ko Na alam Kung paano ko Ito pakikitunguan bigla nalang kasi itong nawala noon ni Hindi man Lang nag paalam o nag iwan ng sulat at sa loob ng ilang taon yun tanging si lolo lamang at si Athena ang Mga taong naging sandalan ko sa Mga panahon kailangan ko ng ama.

" Sir? Mr. De Guzman wants to talk to you, should I let him in sir?"

Tinig mula sa gilid ng lamesa Ang nakapag balik sa kanya sa ulirat bumuntong hininga muna sya bago Ito pinindot syaka nag salita "Let him in."

"Ok po sir." Sagot Nito bago pinatay Ang intercom.

"Hey! Bud! Mukhang Wala ka sa mood ahh." Bugad nang kanyang kaibigan sa kanya ng makapasok Na Ito sa opisina niya.

Imbis Na sagutin Ito ay iba Ang lumabas sa kanyang bibig " kamusta Ang pinapagawa ko sayo?" Tanong niya dito syaka tumayo at pumunta sa loob ng kusina ng opisina niya syaka kumuha ng alak sa ref Nito at baso Na may Yelo.

"Nag salita Na ba?" Tanong pa niya ng makalabas Na sya at punta sa kanyang lamesa para dun ipatong Ang alak at Ang dalawang basong May laman Na Yelo syaka sya umupo.

"Nope, Wala pa syang sinusuwalat tungkol sa Mga taong gumawa ng accidenteng nangyari sa inyo ng asawa mo but nabanggit niya Ang groupong kabilang sya bago pa man Ito mawalan ng Malay." Sagot Nito habang nag sasalin ng sariling inumin sa kupitang nakalaan dito.

Kumunot Ang noo niya sa sinabi Nito "grupo?" Kunot noong tanong niya dito.

"Isa sya sa miyembro ng SQ Na dating nakalaban ng grupo natin nung college, Kung Dati may Mga lalaki Ang grupo nila ngayo'y puro babae nalamang Sila tila Na Troma yata ng may nag tridor sa kanilang lalaki noon Na tumulong saatin upang mapabagsak Ang kanilang leader." Saad Nito sa kanya bago nilagok Ang alak sa loob ng kupita Nito.

safari Qwerty ay isa sa nga grupo Na kanilang nakalaban noon nasa college palang Sila at loloko loko pa.

Grupo Ito ng Mga lalaki at babae Na Kung makapag Laban ay talaga nga namang magagaling ngunit nabalewala Ang Lakas at tapang Na kanilang taglay nang sya mismo Ang nag patumba sa tinatawag nilang the blue Na kanilang leader. Hindi sana Nila Ito papatulan Kung Hindi Lang Nila nalaman Na Ilegal Ang Mga itong nag bebenta ng sari saring Mga babae sa kung sino sino Basta may pera.

"Akala ko ba nabuwag Na Ang grupong yun?" Takang tanong niya dito.

"Yun din Ang pag kaka alam ko bro Kung Hindi pa nag salita Ang babaeng yun Hindi ko din malalaman." Sagot Nito sa kanya.

"Gawin nyong lahat para mag salita Lang Ang babaeng masyado nang matagal Ang pitong taon mula ng mamatay Ang asawa ko Kaya gusto ko sa lalong madaling panahon mabigyan Na Nang hustisya Ang pag ka Matay ng mag Ina ko." Kunot noong saad niya dito bago nilagok Ang kupitang kangyang hawak.

Wag kang mag alala baby gagawin ko Ang lahat mabigyan Lang ng hustisya Ang pag kawala nyo ng anak natin...

I don't want a new life without you baby, but I don't have a choice dahil kahit Anong gawin ko hanggang panaginip nalang kita maaaring makasama.

TMP&TBK: THE MAID PRINCESS OF A BADBOY KING IS BACK [𝐶𝑂𝑀𝑃𝐿𝐸𝑇𝐸𝐷]Where stories live. Discover now