Prolouge: Sudden Death by Spray-kun Made Me Become a Baby

25 0 2
                                    


"HOY BAKLA!!!"

"AYOKO NGA SA TEACHER KONG PANOT!"


Tumingin ako sa paligid at napagalamang na nasa sentro pala kami ng lesson ng history teacher naming terror na kasalukuyang nakatingin sa akin ng masama, pulang pula ito sa galit kahit nga yung panot niya red e. Kulang nalang talaga may lumabas na usok sa bawat tenga niya para maging original na red train with double chuchu. Yung mga classmates ko naman ay nagpipigil ng tawa may kumukawala namang iilan pero hinihinaan lang nila baka masali sila sa galit ni Sir Nohair 


Takte! nakatulog pala ako sa discussion niya at di lang yan natawag ko pala siyang panot ><. Ano na Adams? ano ang ilulusot natin? isip Adams kahit walang laman ang utak mo dahil puro ka tulog!! Pero in fairness ang swerte ni sir Nohair iniisip ko siya kahit kinakawalang ang isip ko. 


Hays bakit 6:30am na kasi ako nakatulog? Kasalanan yan ng novel na binasa ko e! ke ganda naman kasi ng 'My Light in the Dark' kaya kahit plano kong matulog ng maaga, nakucurious kasi ako sa susunod na pangyayari kaya isang chapter ulit ang mababasa ko hanggang sa di ko namalayang 6:30am na pala at 8:00am ang klase ko kaya wala akong tulog ngayon 


"MISS JUNG!!!"

"PRESENT!!"


Gusto kong sampalin ang sarili ko sa sinagot ko kay Sir Nohair, Ang bobo ko talaga minsan! Jusko! Tiningnan ko ang buong klase at halos mamatay na sila sa pagpipigil ng tawa, yung bakla naman nakahawak na sa tiyan niya at pulang pula na


Kanina pa pala ako tinatawag ni Sir Nohair pero ako namang si lutang, dahil sa lalim ng iniisip ko  di ko narinig huhu wag naman sana mag beastmode si sir huhu ><


"Do you even put me in your eyes Miss Jung?!! You're not taking me ang my lessons seriously!!"

"Sir Nohair naman pano kita ilalagay sa mata ko e hindi ka kasya dun!"

"The heck?!"


Put in your eyes raw e hindi naman kasya tsaka mabubulag ako kung ilalagay ko siya sa mata ko noh, wag ang kyot kong mata Mr.panotnaspokeningdollars!! 


Natawa na ang lahat ng kaklase ko lalo na ang bespren kong bakla, siya ang pinakamalakas sa lahat eh. Minsan napapatanong talaga ako kung bakit ang abnormal ng mga kaklase ko dahil pagkausap ako natatawa e hays ako lang ata normal sa classroom namin e


"Ibang klase ka talaga bakla!  hahaha Minsan ang boba mo talaga! Napapatanong tuloy ako kung bakit naging top 1 ka e!hahahahhaha" mahinang sabi ni bakla kong bespren sakin na may patawa tawa pa 


Ako pa talaga e? siya nga tong tawa ng tawa kahit wala namang  nakakatawa hays


Siya nga pala ang bespren kong bakla, Mitchell Cruz, ang gwapo ng bakla na ito madaming nasasayangan nga sa kanya dahil certified girl at heart e, aba Heartthrob kaya yang baklang yan at ang pinakapogi pa sa buong campus pero pogi rin ang bet eh 


"MISS JUNG ADAMS!!"

"Y-Yes Sir Nohair?"

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: May 26, 2020 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Reincarnated as a VillainessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora