Part 1

13.8K 333 75
                                    

GENIL ADJUSTED her wide-brimmed hat as she surveyed the whole place from where she was standing. Her long hair was swaying with the cold Tagaytay wind. Her long summer dress hugged her slim body perfectly, thanks once again to the heavy wind blowing all over the place.

Sa di kalayuan ay makikita ang tatlong kabayo na nag-uunahan sa pagtakbo. Sa ibaba ng veranda na kinaroroonan niya ay maririnig naman ang pagsisgawan ng ilang kalalakihan na pare-pareho ng suot na riding uniform. Bagay na bagay talaga sa mga ito ang kanilang uniporme dahil mas na-emphasize ang kakisigan ng bawat miyembro ng exclusive riding club na iyon. Kung sino man ang nag-design ng official riding uniform na iyon, dapat na parangalan ang naturang designer. Subalit wala sa sinoman sa mga club members na nasa sideline ang kanyang atensyon kundi naroon sa tatlong nagkakakarera. Particularly, doon sa lalaking nauuna na ngayon sakay ng kabayo nito.

"Go, Ricos! Go!"

"You can do it, baby!"

"I love you!"

Bahagya lang niyang tinapunan ng tingin ang mga babaeng nagsisigawan di kalayuan sa kinatatayuan niya. Halatang may sinasabi rin sa buhay ang mga ito pero akala mo walang mga pinag-aralan dahil sa ginagawang pag-iingay ng mga ito.

"Win for me, Ricos!"

"I'll give you a kiss if you win!"

She gave out a sigh and waved her gloved hand gently across her nose. Hindi na nahiya ang mga babaeng ito. Naturingang miyembro ng alta sosyedad pero nang dahil lang sa lalaki ay parang nawawala na sa katinuan. Ibinalik na lang uli niya ang atensyon niya sa nagaganap na paligsahan sa racing field. Kaunti na lang at matatapos na ang karera. Dikit na dikit pa rin ang laban ngunit nakakaungos nga ng kaunti ang lalaking ipinagsisigawan ng groupies na katabi niya. And then it was over.

Talo si Ricos.

Napangisi siya nang sulyapan ang mga katabi niya. 'Buti nga.

"Oh, no. Ricos looked devastated."

"I'm going to cheer him up."

"Ako rin!"

Nag-uunahan na ang mga ito sa paglabas ng Riders Veranda ang mga babae kasama ng iba pang nanonood doon na sa iba naman nagtsi-cheer. Naupo lang siya sa kanyang puwesto saka dinampot ang pineapple juice na in-order niya. Habang ang mga mata niya ay hindi mawaglit sa munting kasiyahan na nagaganap na ngayon sa tabi ng racing field.

"Inggit ka?"

Tiningala niya ang nagsalita. Nakatingin din si Jhunnica, ang manager ng naturang restaurant, kung saan naroon ang munting kasiyahan na iyon.

"Makisaya ka rin sa kanila kung gusto mo, Genil," wika pa nito. "Huwag kang mag-alala, hindi ka namin tutuksuhin kay Ricos."

"Oo nga," singit ni Quincy na nasa kabilang table. Ito ang official photographer ng Stallion Riding Club at asawa ng club member na si Yuan. "Hindi ka namin tutuksuhin kay Ricos kahit bagay na bagay kayong dalawa."

"At nakikita namin kung gaano kalagkit ang mga tingin mo sa kanya," nakangising dugtong ng katabi nitong si Chiza. "Hindi ka namin tinutukso."

"Hindi rin namin sasabihin na parang nagseselos ka sa mga babaeng nakadikit kay Ricos," singit pa ni Naville. "Pramis."

Imbes na patulan ang panunukso ng mga esposa at fiancees ng mga club members, ipinagkibit na lang niya iyon ng balikat. Sanay na siya sa madalas na pagpapasaring ng mga ito sa kanya kapag nakikita siya ng mga ito at nasa tabi-tabi lang din si Ricos.

"Ay ambot a!" sambit na lang niya. Umiral na naman ang pagiging Ilongga niya. "Tigilan ninyo ako dahil kapag ganitong hindi pa ako kumakain, nananakmal ako ng tao."

Stallion #43:  RICOS CADERAO (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum