Part 12

5.9K 243 39
                                    

WALA SI Ricos sa bahay nang magising si Genil. Marahil ay naglakad-lakad na muna sa paligid ng Stallion Riding Club habang hinihintay siyang magising. Isang oras lang siyang nakatulog dahil hindi mapakali ang isip niya. Kumain lang siya saglit at saka ipinasyang magpahangin na rin sa magandang garden ng bahay. Maganda talaga ang view sa lugar na iyon. Kitang-kita ang kabuuan ng Taal Lake dahil mas mataas ang bahaging iyon ng SRC kaysa sa ibang parte niyon. Malamig at sariwa ang simoy ng hangin at luntian ang paligid. Nakaka-relax talaga ang pakiramdam.

Maybe she ought to spend more time here. Tama naman si Ricos, eh. Mahirap nga namang puro na lang trabaho ang aatupagin niya. Kawawa naman ang katawan niya. Ilang minuto na rin siyang nakatalungko sa sofa na iyon sa front porch ng bahay at pinagmamasdan ang kapaligiran nang mamataan niya ang papalapit na lalaki sakay ng kabayo nito. Her heart floated as she watched Ricos rode gracefully on his horse. Napatayo tuloy siya ng wala sa oras habang patuloy itong pinapanood. He was an exceptional horseman who could command a beast to his every whims. Hindi ito nakakasawang pagmasdan.

Hindi ito nakakasawang mahalin. Wala iyon sa script, but what the heck? She loves him and the hell with everything else!

He stopped right in front of the low-fenced gate. And with a swift movement, he dismounted his horse flawlessly. Parang gusto niyang pumalakpak. Mabilis itong lumapit sa kanya.

"You're awake," sinulyapan nito ang relong pambisig. "Wala pang six hours, ah. Tulog ka pa."

"Mamaya na lang siguro uli." Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. "You look good on your uniform."

"Thank you." Tumikhim ito. "Maganda ka naman kapag bagong gising."

"Hindi mo na kailangan pang purihin din ako."

"Its true."

"Okay." Hello! Hindi pa kaya siya nagsusuklay. "Saan ka na nakarating?"

"Nag-cross country race lang kami nina PJ, Eneru at Yozack."

"Sino'ng nanalo?"

"Sila." He took off his riding hat and sat beside her. "May mga cheerer kasi sila. Ako, wala."

"Sana ginising mo ako."

"Nah. Pinagbigyan ko lang sila." He leaned back against the sofa. "Kumain ka na?"

"Oo pero konti lang. Wala akong gana, eh."

"Ayaw mo lang yata ng luto ko."

"Luto mo iyon?"

"Hindi. Joke lang."

"Sira ka talaga." Pabiro niya itong sinipa sa hita nito since nakapatong ang dalawa niyang paa sa sofa. "Mamaya na lang uli ako kakain. Dadamihan ko na."

"Huwag na. Napipilitan ka lang yata."

"Nagtampo na agad ang bata." Niyakap niya ang kanyang mga binti nang maramdaman ang malamig na ihip ng hangin. "Balikan mo na lang uli ang mga kaibigan mo roon. Mayamaya lang naman, matutulog na uli ako. Magpapatunaw lang ako ng kinain ko."

"Sasamahan lang kita rito. Habang tinutunaw mo ang kinain mo."

He put his arm at the back of her seat. The next moment, she felt his arm slowly wrapping around her shoulders. Hindi na siya tumutol pa nang kabigin siya nito palapit dito.

"Nakausap ko si Trigger kanina," wika nito.

"Ow?"

"Nagkainitan kami." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya nang tangkain niyang lumayo rito. "Pero ayos na kami ngayon. Don't worry about it."

Stallion #43:  RICOS CADERAO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon