CHAPTER XXIV| GALAWANG ALDUS

227 14 1
                                    

CHAPTER XXIV: GALAWANG ALDUS

BACK TO ALDUS' POV

Kanina ko pa pinagmamasdan si Rose sa may balkonahe ng bahay namin. Hindi ko alam pero nakakatuwa siyang pagmasdan. Hindi ko akalaing makikita ko siyang muli. Napakabuti nga naman ng Diyos, binigyan Niya ako ng pagkakataon upang masilayan na magmuli 'yung taong naging dahilan para mas mapalapit ako sa Kanya.

Muli kong ibinaling ang tingin kay Rose. Nakatitig ito sa magandang kalawakan. Nakakatuwang isipin na pareho kami ng ginagawa ngayon, pareho kaming may tinititigang maganda sa mata. Kung siya, nakatitig sa langit, ako nama'y nakatitig sa kanya.

Ano kayang iniisip nito't tila nagawa niyang bumuntong hininga nang kasing lalim ng gabi? Nang bigla itong gumalaw ay bigla rin akong natauhan sa pakay ko kung bakit ako andito. Tatawagin ko nga pala siya para kumain. Haays! Aldus, nawawala ka na naman sa Focus! Galawan mo kasi!!

Bumuntong hininga ako na para bang magkakaroon ng recital. Haays. Bat ba ako kinakabahan nang ganito eh tatawagin ko lang naman siya para kumain? Paano na lang pala kung umamin ako sa kanya? Nalintikan na talaga!

"R..ose, kain na. Handa na 'yung panghapunan."

Tila gulat na gulat ang reaksyon nito nang makita niya ako. Grabe, mukha ba akong multo kaya ganon na lang ang reaksyon niya? Ang gwapo ko namang multo kung ganon. Haha!

"R..ose may problema ba?" Tanong ko pero parang wala pa rin ito sa wisyo. Nakatitig pa rin ito sa langit.

"Thank you.." Sambit pa nito. Ha? Napakunot ako ng noo.

"Thank you? p..para saan? 'Di ba dapat ako pa nga ang magapasalamat sa'yo dahil napatawad mo na ako kanina?" Tanong ko dito. Lumingon ito sa akinsaka nagsalita.

"Ha?" Tanong nito sa akin. Maging ako'y naguluhan na rin sa kinikilos niya.

"W..wala, s..sabi ko kain na tayo. Nakapagluto na si ate Brenda." Muli kong sambit. Napatango naman ito saka sumunod sa akin sa kusina.

Don di'y nadatnan namin si aling Choleng, sir Arnel at si Ate Brenda na nasa hapag. Sa bahay kasi kami dumeretso kanina pagkatapos ng nakaka-kabang pag-amin ko kay Sir Arnel at pagsagot ko sa mga tanong ni Rose sa akin. Ewan ko ba, sa kabila ng mga nangyari ay masaya pa rin ako ngayon lalo't katabi ko sa hapag si Rose. Kung alam lang niya kung gaano ako kinakabahan ngayon.

Akmang kukunin ko na sana 'yung sandok nang biglang inilahad din nito ang kamay niya para kunin ang parehong bagay na kukunin ko, dahilan para mahawakan ko 'yung kamay niya. Nagtama ang mga mata namin pero umiwas din agad ito ng tingin.

"S..sige, ikaw muna." Sambit nito sa akin.

"H..hindi, ikaw muna." Sagot ko naman.

"Okay lang, ikaw muna." Muli niyang tugon.

"Uhmm. Ano ba kayo, may isang sandok pa rito, oh. Para kayong ewan diyan, hindi kayo matatapos kumain kakaganyan niyo." Pambasag ni ate Brenda na tila may pagka-pait sa tono ng pananalita. Paano ay nagkatampuhan sila ni Sir Arnel kanina. Haays. Idadamay pa kami ni Rose. Haays. 

"Yaan mo na sila, babe, kain ka na lang. Parang 'di naman tayo nagdaan diyan." Sambit ni sir Arnel, maya-maya pa ay sinubuan niya si ate Brenda ng isang kutsarang kanin. Itong pabebeng kapatid ko naman ay napangiti bigla. Hudyat na okay na sa. Ay, sana ol! Tumingin ako kay Rose saka ngumiti. Magiging katulad din kaya namin sila? O tatanda akong mag-isa katulad ni Aling Choleng? Haays. Kung anong plano ni Lord sa akin, buong puso kong tatanggapin, pero kung pwedeng madaan sa dasal, baka namang pwedeng kay Rose na lang ako, Lord?

"Nga pala, anong plano mo, pagkatapos nito?" Binasag ko ang kanina pang tahimik na paligid.

"A..ako?" Tanong ni Rose sa akin na tumingin pa sa tabi nito. Oo, nga Rose, Ikaw nga. Ikaw nga ang pinapangarap kong makasama habang buhay. Ay este, ikaw nga ang gusto kong tanungin.

"Oo.. a..anong plano mo pagkatapos nito?" Muli kong tanong.
Tumingin muna ito kay Aling Choleng saka muling bumaling sa akin.  Waah! 'yung mga titig niyang nakakatunaw. Pwede ba, Rose, 'wag kang tumingin nang ganyan sa akin? Joke, ipagpatuloy mo lang. 😟

"B..baka babalik na kaming Maynila bukas ni Sister Choleng." Sagot nito. Muli siyang tumingin kay Aling Choleng na para bang naghihintay siyang kumpirmahin ito ng matanda.

"Ahm, gusto mo na bang bumalik na sa Maynila, Hija, kung sa akin lang, okay lang din naman sa akin." Sambit ni Aling Choleng sa kanya. Waah! Rose, please humindi ka. Please!

"Ahm, nalaman ko naman na po 'yung dapat kong malaman kay Aldus, siguro po pwedeng—"

"Teka, Rose, may hindi ka pa alam." Sabat ko sa usapan nila ni Sister Choleng dahilan para maging sentro ako ng lahat. Oo, Rose, may hindi ka pa alam. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'yung nararamdaman ko sa'yo.

"A..ano?" Tanong ni Rose sa akin na tila gulong-gulo ang hitsura. Napalunok ako kahit walang laman ang bibig kong ano mang pagkain.

Wait.
Pano ko ba sasabihin ito.

"Ah, eh, g..gusto kasi.." panimula ko. Nakatingin pa rin si Rose sa akin na para bang blanko sa kanya ang lahat.

"G..gusto kasi kita." Waaaaah!!! Teka,

"A..ano?" Natatarantang tanong nito. Kitang kita ang pagpula ng mga pisngi nito na tila ba hindi handa sa mga narinig. Halatang nagulat din 'yung tatlong kasabay naming kumakain lalo na si Aling Choleng na nasa harapan. Hays, Aldus, ñaano mo lulusutan ngayon 'yan!! Ang kire kire mo kasi!!

"A..hm, ano.. ang ibig kong sabihin, ahm.. g..gusto kita.. ahm, gusto kitang maging ninang sa binyag ko bukas." Sagot ko. Biglang napahagikgik si sir Arnel sa narinig na halos mailuwa pa nito ang kinakain niya.

Hayss! Ano ba naman 'yan, Aldus, sa dinami-rami ng pwedeng irason,  ninang pa ang naisip mo!

Paano 'yan ngayon?

Hays! Masearch nga sa Google kung pwede pa rin bang makatuluyan 'yung mga nagiging ninang sa binyag.




Sacristan: the curtains unveiled (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora