CHAPTER 33: Training Match

1K 49 5
                                    

A/N:

As i said it's okay kung ibang portrayer ni Az ang na iimagine nyo wag nalang po tayong mag reklamo sa pinili kong mag poportray sakanya.... and sa upcoming stories ko hindi na po ako mag poportrayer ng characters dito lang talaga ako nag lagay ng portrayers and so ayun lang! gutom na ako hehehe lovelots!



Yoona's POV



"Huy beh! anyare sayo bat kanina ka pa tulala dyan?" bulong ni Nana habang nag didiscuss yung second prof namen, Kanina ko pa kase naiiisip kung ano ba talagang meron kay kuya at kay ate Calli, feel ko tuloy ang hilig kong manghimasok huhu



''Wala to inaantok lang'' sagot ko



''Inaantok ka sa klase ko ms.Madrigal?'' nanlaki ang mata ko ng magsalita si Prof, Geez! napalakas ata yung boses ko




"Hindi po prof a-ah eh ano lang po medyo masama lang po kase pakiramdam ko hehe" palusot ko pa, Tinaasan nya nalang ako ng kilay at ipinagpatuloy yung dinidiscuss nya



Nang mag breaktime ay lalapitan sana namin si Haru pero nanlaki ang mata ko ng bigla nya kaming lagpasan



"Anong problema non?" takhang tanong ni Nana



"T-Teka kakausapin ko lang sya..." sabi ko pa at nag namadaling sinundan sya, Nang makita ko syang papunta ng canteen ay napatakbo, lakad na ako at nang makalapit ako sakanya ay sinundot ko ang pisngi nito, Kunot noo syang napalingon saken, Napanguso ako ng bigla syang tumalikod at nag patuloy sa pag lalakad, Anong problema non?




At dahil hindi ako mapakali ay sinundan ko padin sya sa loob ng canteen, Nang kalabitin ko sya ay inis syang lumingon saken



"What's you're problem?" inis nyang tanong kaya nabuntong hininga ako



"G-Galit ka ba saken?" nakanguso kong tanong



"Layuan mo nalang ako please?" sabi nya pa at dumiretso na sa counter




Nanlumo ang buong katawan ko, Bakit ba sya nagagalit saken? May ginawa ba akonv masama? sa pag kakatanda ko hindi ko naman sa inaway, Napa buntong hininga nalang ulit ako at lumabas ng canteen para puntahan si Nana, Nang mahagip ng mata nya ako ay nag mamadali syang lumapit saken




"Oh? ano nang nangyare? nakausap mo na ba sya?" tanong nya, Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at umiling "Ano kayang problema non? baka may family problem lang o ano" sabi nya pa kaya pilit ngiti akong umiling



OUR HIGHSCHOOL LOVE STORYWhere stories live. Discover now