Parang Malapit Ngunit Napakalayo

0 0 0
                                    

PARANG MALAPIT NGUNIT NAPAKALAYO

Ang buhay ay napakaraming surpresa't pagsubok
Kailangan mong harapin at buong pusong tanggapin upang ika'y makarating sa pinakatuktok
Hindi ka dapat maupo lamang sa isang sulok para magmukmok
Pagkakataon ay pinaghihirapan at hindi lamang basta-bastang kumakatok o di kaya'y inaalok
Dapat ika'y lumaban ng wagas at huwag maging marupok.

Akala mo'y nasa tamang posisyon kana para makamit mo ang inaasam-asam mong tagumpay
Pakiramdam mo'y nagawa mo na ng buong husay ang isang bagay
Wala ka ng maibigay sapagkat pakiramdam mo'y buong puso mo na'y iyong naialay
Kutob mo'y pinagtibay ng talento mong tunay
Subalit ika'y hindi naghinay-hinay kaya't hindi mo na naalintana ang totoong nangyayari sa tunay na buhay.

Huwag ka dapat lubos na maghangad kong alam mong hindi mo trinabaho ng sagad
Ang bunga ng pinaghirapa'y hindi natatamasa agad-agad
Mga hinahangad na kalalabasan o resulta'y nagiging baliktad
Sa imahinasyo'y kay layo ng iyong lipad pero sa reyalidad kung saan-saan ka lamang mapapadpad
Dapat dahan-dahan ka lang sa paglakad papunta sa tinatrabaho mong pag-unlad.

Kapag nadapa't nabigo'y huwag dapat punuin ang puso ng poot
Pagdadamdam ng todo'y hindi iyon ang sagot
Kailangan matuto tayong makalimot sa nakaraang masalimuot
Pag-abot sa pangarap ay pasikot-sikot bahala ka ng maging malikot upang makasabay ka sa pag-ikot
Huwag ka dapat maging malungkot, baluktot at makalimot iyan ang mabisang gamot.

Akala mo'y sobrang lalim subalit iyon pala'y kay babaw
Parang malapit ngunit napakalayo kaya't hindi mo na kayang matanaw
Huwag mo lang dapat tignan at titigan upang sa gayo'y hindi matunaw
Hindi ka dapat bumitaw para ika'y magkaroon ng tiyansang pumaibabaw
Hataw lang ng hataw samahan pa ng eksaktong galaw upang tagumpay ay hindi malusaw at biyaya'y mag-uumapaw.

#HardworksPayoffs💪

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Katagang NagbabagaWhere stories live. Discover now