20

289 14 13
                                    

kinsey's

napamadali ako ng wala sa oras nang sabihin ni damon na papunta na siya dito. bakit ba kasi kailangan pa akong sunduin dito diba, napakadaming arte talaga ng mga magulang namin.

"KINSEY! BILISAN MO NA DYAN, ANDITO NA SI DAMON SA BABA!" rinig kong malakas na sigaw ni daddy kaya agad na akong lumabas ng kwarto ko at bumaba na. si daddy at si damon agad ang nakita ko pagkababa na pagkababa ko galing sa kwarto ko.

"osiya! umalis na kayo at baka malate pa kayo sa school niyo." wow daddy! parang gusto na ata talaga akong palayasin ng tatay ko hindi pa nga ako nakakapag-almusal.

sinundan ko na si damon sa labas at dumiretso na sa kotse niya. hindi ko alam kung kaya ko bang tiisin na makasama itong lalaking ito sa loob ng 15 minutes na byahe papuntang school, demonyo pa naman ito.

"nagiging anghel ka talaga pag sa personal mo ko kasama no?" biglang salita ni damon habang iniistart niya ang kotse. bahala siya diyan magsalita, wala ako sa mood na awayin ang epal na katulad niya.

"aww silent type ka na ngayon, baby?" salita niya ulit na ikinakunot ng aking noo at pagtaas ng aking kilay. ano ako sanggol?

"baby mo tama mo, ulol." sagot ko sa kanya na naging dahilan ng pagtawa niya.

"oh, so you like me to call you baby?" pangaasar niya ulit sa akin. nakakatuwa ba iyon? hambalusin ko siya ng libro diyan eh.

"alam mo? manahimik ka na nga lang, naalibadbaran ako sa boses mo." pagtataray ko pabalik sakanya kaya umakto siya na parang nasasaktan.

ano bang sumapi dito kay damon at napakasarap niyang sampalin. noong nakaraan cold pa datingan nito ah, anyare?

buong biyahe namin papuntang school wala siyang ginawa kung hindi mang-asar kaya bago pa kami makadating sira na agad araw ko.

"bakit parang badtrip na badtrip ka na diyan agad kakasimula palang ng klase?" tanong sa akin ni reika nang mapansin niya ang mood ko.

"wala ito, may sumira lang ng napakagandang araw ko today." sagot ko naman kaya parang naintindihan niya na din kaya hindi na ulit siya nagtanong dahil nga alam niyang badtrip ako.

dumating na ang oras para maglunch kaya napagdesisyunan na din naming pumuntang cafeteria at dahil hindi ako nakapag-almusal lulubusin ko na pagkain ko doon. naglalakad na kaming lima papuntang cafeteria nang may humila sa buhok ko.

"aray!" nilingon ko kung sino ang bruhang humila ng buhok ko and then i saw alitea and her squad standing infront of me.

"oh no! badtrip yan si kinsey, wrong timing sila jusq." rinig ko pang side comment ni jana doon sa gilid.

ano na naman bang pinaglalaban ng mga taong ito. i tried to calm myself first and ask them, "ano na naman bang problema niyo?"

"kunwari ka pang walang alam na malandi ka! pasimple ka din namang umaaligid kay damon." sabi ni alitea sa akin na galit na galit pa, feeling jowa teh? kaharap mo na fiancé oh.

"girl, what the fuck? pakialam ko kay damon, nanahimik ako dito tapos sa walang kwentang dahilan lang pala ikakagalit mo." sagot ko sa kaniya na halatang wala akong interes sa mga pinagsasabi niya.

"you're really denying it huh? kahit may nakakita sa inyo kanina na sabay lumabas sa kotse ni damon." sabi naman ni alitea na parang may ginawa akong mali sa sinabi niya. kasalanan talaga ito ng damonyong yun eh, nakakagigil na talaga.

"oh really? ano naman sa iyo kung sabay kaming pumasok ni damon? you're not even his girlfriend so why are you angry at me and can you please stop being delusional, nagmumukha ka lang tanga eh." mukhang natahimik saglit si alitea sa sinabi ko pero mukhang may sasabihin na naman ulit siya kaya inunahan ko na siya.

"lumayas ka na sa harap ko bago pa kita mabaril diyan lalo na't nagugutom na ako." naglabas akong baril sa bag ko at mukhang natakot naman siya kaya nagmamadali na din silang umalis.

"gago ka kinsey! bakit ka may dalang baril diyan!?" sabi sa akin ni luna na nagpatawa sa akin at itinututok ko pa ito sa kanya.

"bobo pellet gun lang yan HAHAHAHAHA." sabi ko sakanila habang natatawa kaya pinagbabatukan nila ako habang papuntang cafeteria.

𝐟𝐞𝐚𝐫𝐥𝐞𝐬𝐬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon