Kabanata XI

523 43 3
                                    

Erenz pov

Ngayong araw ng linggo, bago mag umpisa misa ang aking ama ay sabay kaming kumain ng umagahan. Labis ang galak na aking nadarama sapagkat palaging masaya kami nug prayle na aking ama. Nais ko ng ipagtapat na ako ay kanyang anak, ngunit hindi maaari sapagkat natatakot akong itakwil niya ako. Nang tanghalian ay sabay naming pinagsaluhan ang mga pagkaing inihandog ng mga dumalo ng misa. Masaya kaming nagkukwentuhan ng prayle, aming napagkwentuhan ang kanyang karanasan noong bata pa sya. Isinalaysay nya din ang naging buhay nya sa Espanya.At kung papaanong sinunod nya ang gusto ng kanyang ama na maging alagad ng simbahan sa kabila ng pangarap nyang maging isang heneral. Naikwento nya rin kung gaano sya kapoot sa Gobernador Heneral na tinitingala ng lahat spaagkat kanya itong kinaiinggitan sa kadahilanang itoy isa ng matagumpay na Heneral ng Espanya. Kinahapunan, matapos kong magluto ng aming kakainin ay paulit ulit kong tinatawag ang prayle ngunit hindi ito sumasagot. Doon na ako sinimulang kabahan. Nagmadali akong pumunta sa kanyang silid at naabutan ko syang nakabulagta sa kanyang higaan na duguan. Wala akong sinayang na sandali at lumapit sa kanya. Labis labis ang aking paghihinagpis ng tuluyan kong masilayan ang karumaldumal na kinahinatnan ng aking ama. Marami syang saksak sa katawan at nakabaon pa kanyang tiyan ang punyal. " Te Amo mi hijo" At doon na tuluyang pumatak ang aking mga luha dahil sa unang pagkakataon ay tinawag nya akong anak at sinabing mahal nya ako. Hindi pa roon natatapos ang kanyang sasabihin kayat wala kaong inaksayang panahon para sabihin sa kanyang mahal na mahal ko sya. Bago pa sya malagutan ng hininga ay sinambit nya ang pangalang Inurencio. Ang gwardiya sibil na aming kasama sa simbahan na matagal ng may galit sa akin sapagkat parati akong ipinagtatanggol ng prayle. May isinulat ito sa papel at ibinigay ito sa akin. Sinubukan kong alisin ang punyal sa kanyang tiyan subalit sa pagkkataong iyon ay dumating si Inurencio na masama ang tingin sa akin at tinapunan ako ng hindi kaaya-ayang ngiti. Sinubukan kong humingi ng tulong sa kanya subalit hindi nya ako pinakinggan at akoy kanyang nilayasan. Binalikan ko ang prayle at sa kasamaang palad ay wala na syang buhay. Agad kong kinuha ang aking talaarawan at isinulat ko ang pangyayaring aking nasaksihan sa harap ng altar. Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa prayle. Ipinapangako kong bibigyan ko ng hustisya ang pagpaslang nya sa aking minamahal na ama.

-Angelito

Isasarado ko na sana ang talaraarawan ni Angelito ng biglang humangin at nalipat ang mga pahina nito sa pinakahuling pahina ng diary, at tinamaan ng ilaw ng lampara ang makinang na bagay sa likod ng cover nito. I turned the pages to the last part of it and i found the crystal necklace and its sizes on the back cover. Wow? ngayon ko lang napansin na meron pala itong ganito sa likod ng diary. Well kaya pala medyo makapal yong cover nung sa likod kase nakaukit ang pinaglagyan ng crystal necklace. Hindi kaya ito ang dahilan ng pagpatay sa prayle? Tuluyan ko ng isinarado ang diary at nagtungo sa labas ng bahay upang hanapin si Melchor. Isa nalang bagay ang kailangan kong malaman para masagot lahat ng aking tanong.

Alas tres na ng madaling araw at wala parin akong tulog mula kahapon. Nang makarating ako labas ng bahay ay agad kong hinanap si Melchor. Naabutan ko sya na tuwid na tuwid sa kanyang pagkakatayo habang kausap si Mang Tino na naglilinis ng karwahe. Sa halip na magtungo ako sa kanila ay dumaretso akong kusina upang ipagtimpla sila ng kape.

"Binibini?" Agaw pansin sakin ni Adela na nagsisindi ng apoy.

"Oh Adela, bakit ang aga mo gumising?" Alam ko ang pagkakiba nila ni Adelya. Mahinhin at pinong kumilos si Adela, samantalang pilya at bilyaka si Adelya. Payat si Adela samantalang medyo may laman naman si Adelya.

"Kinagawian ko na po kaseng gumising tuwing alas tres ng umaga kaya nauuna na ako dito sa kusina." sagot nya sakin.

"Ah sige, saan ba pwede magluto dyan ng barakong kape?" Tanong ko dito habang humahanap ako ng pwedwng paglagaan ng barakong kape.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon