Chapter 47

88.5K 552 30
                                    


Chapter 47: The Truth Unveiled - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


Lance's POV


"Nasaan na si Nadine?" Ang agad na tanong ko kela Kate at Jasmine pagkadating na pagkadating ko sa ospital nung mga oras na iyon.

Tumigil ako sa pagtakbo at maya-maya'y sumandig sa pader, hingal na hingal. Sinubukan kong huminga nang maayos at pakalmahin ang sarili ko, pero hindi ko talaga yun magawa. Sadyang kabado talaga kasi ako nung mga sandaling iyon, at ang bilis-bilis pa ng tibok ng puso ko, hindi lang dahil sa pagod ako.

Mahigit dalawang oras na ang lumipas simula nung matanggap ko ang tawag ng housekeeper naming si Ate Gina tungkol sa pag-undergo ng labor ni Nadine. Siyempre naman, nagmadali akong umalis ng opisina at ipinaubaya ang pag-asikaso ng mga kakailanganin para sa kumpanya kela Clark at Alex bago ako dumiretso sa ospital.

Pero sadyang ang malas ko talaga ngayong araw na ito dahil na-traffic naman ako nung papunta palang. Halos isang oras akong nakatambay doon sa daanan, walang ibang magawa kundi ang maghintay na lang. Kung pwede lang talaga sana, iiwanan ko na dapat doon ang kotse ko at tinakbo na lang ang natitirang distansya. Pero buti naman at pumawi na rin ang trapiko pagkalipas ng ilan pang mga minuto.

Tiningnan ako ni Kate nang maigi, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sobra-sobrang pag-aalala.

"Nasa operating room siya ngayon." Sagot niya, halatang kinakabahan rin.

Agad naman akong naguluhan sa naging sagot niya.

"Bakit nasa operating room siya? Wag mong sabihing kailangan pa niyang dumaan sa surgery? May pinaalam na ba ang doctor tungkol sa kondisyon niya at ng baby namin?" Ang mga sunud-sunod kong tanong.

Nagtinginan saglit sina Kate at Jasmine, at maya-maya'y tumango sila sa isa't isa.

"Kinailangan niya kasing dumaan sa caesarian operation dahil mahihirapan siya sa pagluwal ng bata kung normal childbirth yung gagawin nila. At sa ngayon, wala pang pinapaalam ang mga doctor sa amin." Sabi naman ni Jasmine, sabay buntong-hininga. Nakita kong dala-dala niya ang three-month-old na anak nila ni Clark na si Keith, na siyang natutulog naman at nakakapit sa balikat niya.

Tumango na lang ako at nag-umpisang maglakad-lakad doon sa waiting area, hindi pa rin talaga mapakali.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang meron akong nararamdaman na pagkailang galing sa kanilang dalawa nung mga sandaling iyon. Para bang meron silang gustong sabihin sa akin, pero hindi nila ito magawang sambitin nang harap-harapan. At mas lalo lang akong nagsuspetsa sa kanila dahil tila nakakapagtaka na rin ang mga tingin na binibigay nila sa akin, at parang limitadong-limitado pa ang mga impormasyong ibinabahagi nila tungkol sa kondisyon ni Nadine.

Lumipas ang ilang mga sandali, at maya-maya'y napatigil ako sa paglalakad at napatingin muli sa kanilang dalawa.

"Teka lang, hindi kaya't nagkaroon ng problema sa panganganak ni Nadine kaya kinailangan niyang mag-undergo ng caesarian operation? Wala ba talagang sinabi ang mga doctor sa inyo?" Ang mga mapanuri kong tanong.

Bigla na lang nila akong iniwasan ng tingin, na siya namang naging dahilan kung bakit mas lalo lang akong naguluhan. Napatingin ako sa bawat isa sa kanila, at pareho silang hindi magawang titigan ako sa mata. Hindi ko na talaga mapigilang magsuspetsa sa kanila nang tuluyan. May tinatago ba silang sikreto na may kinalaman sa akin? Meron bang sinabi si Nadine sa kanila na hindi ko pwedeng malaman? May nangyari bang masama sa asawa ko at sa magiging anak namin?

Ang dami-dami pang mga tanong ang sumunod doon, at itatanong ko na sana sa kanila ang mga iyon nang bigla na lang lumapit si Kate sa akin at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. Binigyan niya ako ng isang mapagmalasakit na ekspresyon.

"You'll find out about everything soon Lance, I can definitely assure you of that." Sabi niya. She patted my shoulder comfortingly and afterwards, finally looked me in the eye. "Pero sa ngayon, let's just leave all questions unanswered and pray for Nadine's successful operation." Pakiusap niya.

Kahit gusto ko talagang magprotesta nung una, tumango na lang ako at sinunod ang mga sinabi niya. Tutal, tama rin naman kung tutuusin ang pinsan ni Nadine. Mamaya-maya'y sigurado namang masasagot ang lahat ng mga katanungang bumabagabag sa isip ko. Kaya sa ngayon, mas magandang ipagdasal na lang namin sina Nadine at ang baby namin at magtiwala na lang sa Diyos na iligtas sila pareho.

Ilang oras ang lumipas, at wala pa ring kahit ni isang doctor ang lumabas mula sa operating room para ipaalam sa amin ang tungkol sa kondisyon nina Nadine. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at maghintay na lamang, pero nung hindi ko na talaga makayanan ang tensyon ay nag-umpisa na naman akong maglakad-lakad doon sa waiting area. Kahit nga sina Kate at Jasmine, mukhang hindi na rin mapakali. Ilang beses na nga silang bumabalik-balik doon sa harap ng operating room, nagbabaka-sakaling may lumabas na ring doctor sa wakas. Pero kahit gaanuman sila katagal mag-abang doon, tila wala pa ring nagpaparamdam.

Maya-maya'y dumating na rin sina Vanessa at Andrew, na siyang sinundan naman nina Clark at Alex, pati na rin nina Camille at Ralph (na siyang kinasal kama-kailan lang).

"Kamusta na sina Nadine?" Ang agad na tanong sa amin ni Clark. Lumapit siya kay Jasmine at siya naman ang kumarga sa natutulog pa rin nilang anak.

Hindi na namin nasagot ang tanong niya dahil bigla namang lumabas mula sa operating room si Ate Tin at lumapit sa amin.

"Tapos na po ba ang operasyon, Ate Tin?" Tanong ko sa kanya.

Ibinaba niya ang facemask na suot-suot niya at tumango.

"Your baby girl weighed in at 6.58 lbs, which is quite a healthy measurement for a child with her condition." Sabi niya. Good news na sana kung tutuusin, at dapat matutuwa na ako nung malaman ko yun, pero bigla naman siyang napasimangot at may dinagdag pang hindi kasiya-siyang balita. "But as for Nadine, I can't say that she got the same fate." Ang malungkot niyang pahayag.

Naguluhan naman ako sa mga sinabi niya.

"Teka, anong ibig mong sabihin?" Ang kabado kong tanong. Posible kayang...?

Tiningnan niya ako nang maigi nung mga sandaling iyon, at mamaya-maya'y siya'y nagbuntong-hininga.

"She didn't tell you about her condition, did she?" Sabi niya.

Tila wala pa rin akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya.

"What condition?"

Tinitigan ako sa mata ng pinsan ni Nadine, seryosong-seryoso ang ekspresyon sa mukha. Agad na bumigat ang dibdib ko nang marinig ko ang mga susunod niyang pahayag.


"Lance, Nadine encountered a major complication during the time of her pregnancy. One so immense that it required a very important decision regarding whose life to save: Nadine's life, or the baby's. And obviously, your wife chose to sacrifice her own life for the sake of your child. Kaya sa ngayon, she's in a very critical state, and there's a huge possibility that she's got only a few days left to live."




A/N: Photo used is not mine. Credits to the owner/s.



My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now