Chapter Seven

4 0 0
                                    

Leo

"Here, eat more, Gianne"

I can see how Gianne enjoys her food. Tinitignan ko lang sila, I ordered Gianne and Mia's favorite pero hindi ko alam na hindi pala si Mia ang makakasama ko.

Kinuha ko ang isang hipon at inilapag sa plato ni Oda. She looked at me with a cold face. Of course I need to treat her well, hindi ko pwedeng i-ignore siya lalo na at nasa harap kami ni Gianne.

"You know I'm allergic to shrimp"

Tila ba binuhusan ako ng isang balde ng yelo sa sinabi niya. Oo nga pala, allergic siya sa hipon. Bakit ko ba nakalimutan? Si Mia kasi napakatakaw sa hipon.

"I'm sorry, I forgot"  kinuha ko na lang ang hipon at inilagay sa plato ko.

"You seem to forget a lot of things, Leo"

Inilapag ko ang kutsara at tinidor na hawak ko. Sumulyap muna ako kay Gianne na ngayon ay masarap lang ang kain. Muli kong ibinaling ang paningin kay Oda.

"Maybe we can talk about it later, right?"

Alam kong alam niya ang kahulugan ng sinabi ko. Ayaw ko lamang madamay si Gianne sa issue namin ni Oda. Gianne loves her so much, kaya ayoko magkaroon ng conflict sa samahan nila dahil lang sa nangyari sa amin noon.

Nang matapos ang aming pag kain, pinahatid ko na lang si Gianne sa driver niya para makausap ko si Oda. Dinala ko siya sa isang park na malapit sa kinainan namin. She's wearing a glass and facemask naman so walang makakakilala sakaniya.

"Why did you come to the play? You're a public figure" panimula ko sa usapan.

"Can't I see Gigi? Besides, I don't have things to do"

"But you don't need to come either, baka mapano ka"

I saw her looked at me for a while at muling ibinaling ang tingin sa malayo. May limang minuto siguro ang katahimikan na bumalot sa amin. Hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin sakaniya. Now that she has a boyfriend, ano pa ba ang dapat kong gawin, diba?

"About the past--"

"Mas maganda siguro kung hindi na natin balikan?" tinignan ko siya at tipid na ngumiti.

"Do you really think we can just put it aside?" may pagtataas na tono ang pagsabi niya ng mga salitang 'yon.

"What else could we do? Anyway, nakuha mo na rin naman ang pangarap mo, you're a celebrity now, kasama mong nagtatagumoay ang boyfriend mo"

Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Hindi ko alam kung para saan 'yon. Pero ang alam ko lang ngayon, gusto ko na lang matapos ang pinag-uusapan namin.

"Are you really not gonna explain everything to me?" ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita niya.

"I left without any words. That's it"

"But you still love me, don't you?"

Bago pa man ako makasagot ay biglang pumatak ang malalakas na ulan. Dali dali ko siyang hinila pabalik sa sasakyan para hindi siya tuluyang mabasa. Iniabot ko ang isang towel para ipangpunas niya sa basa niyang buhok at katawan. Mabuti na lang at nag-iiwan ng ganito si Mia sa mga sasakyan. Siya lang kasi ang mahilig mag-towel sa amin.

"Time really hates us"  tumawa siya ng bahagya at pinagpatuloy ang pagpunas.

Tinignan ko siya ng matagal. Ibang iba na nga ang itsura niya. Mas gumanda siya ngayon, her eyes are glowing even more. Maybe because she is already in the hands of the right person.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 08, 2020 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

The Road We Did Not TakeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora