Prologue

14 1 0
                                    

Masayang  mabuhay kung kumpleto kayong mag-pamilya, kahit anong problema ang dumating basta kumpleto, ayos lang. Kahit sabihan kayo ng masasasakit na salita, okay lang.

Sino ba sila para bigyan ng atensyon? Sino ba sila para pag-aksyahan pa ng oras?

Gano'n naman lagi, sa panahon ngayon? Uunahin ka pa nilang husgahan bago ka nila kilalanin, huhusgahan ka nila sa panlabas na anyo bago ka tulungan at pagkatiwalaan.

Susubukan ka nila kung hanggang saan ang kaya mo, kung hanggang saan nga ba ang tapang mo.

Susubakan ka nila hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko...

Sa takbo ng buhay? Pera na ang nagpapasaya sa tao, pera na ang importante. Pera ang bumubuhay sa tao. 

Kung wala kang pera iba ang tingin nila sayo, iba kung patunguhan ka nila. Nakadepende sa pera ang estado ng pamumuhay bilang isang tao, nakadepende sa pera ang karapatan mo bilang tao.

Nakadepende sa pera ang katayuan mo bilang tao...

Ps: Do not expect too much, masasaktan ka lang.

Assumption UniversityWhere stories live. Discover now