Chapter 2 ♡

109 36 74
                                    

Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S
(Monday 10:20 am)

                           *~*

Pumasok muna ako sa library para hanapin yung assignment namin tungkol sa philosophy. Sabi kasi ni Kiel. "Sorry Pia kinulang kasi ako ng pera kaya hindi ako naka pag search. Mangopya nalang tayo kay Andy malamang meron yung assignment!" Sabay pagpapacute niya.

Kinulang o nalimutan mag kaiba yun. Siyaka hindi ko kaya gawaing mangopya. Dahil good girl ako :)

Pagkatapos kung mag sign in sa record book ay tumuloy na agad ako sa loob.

Walang natitirang tao liban sakin at kay pikachu na kasalukuyang naghahanap ng libro.

Ang gwapo talaga nitong si pikachu minsan naiisip ko nga na sana sana lang ha! na sana magustuhan niya rin ako. Hindi niya alam na halos araw araw ko siyang pinadadalhan ng letter sa ilalim lang ng lamesa niya.

Siyaka since elem ko na siyang crush. Pero dedma lang niya ako. Ilang beses narin akong umamin sa kanya kaya lang wala e.

Ganun na ba karami ang nagkakagusto sa kanya at hindi niya mabasa basa ang mga letters na ibinibigay ko sa kanya. Siyaka finull name ko pa pangalan ko don para just incase na hanapin niya ako sa facebook :)

Tuloy lang ako sa paglalakad habang palihim na nakatingin sa kanya sa bawat pagitan ng mga librong nakahilira sa harap at likod ko.

Alam niya bang maraming babaeng nagkakandarampa mahingi lang number niya.

Pumunta ako malapit sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Siyaka bagay pala sa kanyang naka headset dumadagdag kagwapuhan niya.

Pero bweset kasi ugali ng pikachu nato. Daig pa babae kung sumpungin ng period tsk kung hindi kalang gwapong pikachu ka kanina pa kita iuuntog sa binabasa mo. Choss

Kunwaring kukunin ko yung librong na nasa likuran niya pero ninanakawan ko lang siya ng tingin.

"Hoy pikachu tumingin ka naman rito bakit mas maganda pa ba yang librong binabasa mo kaysa sakin tsk!" Sabi ko sa isip ko.

Tamang tama naman na may upuan na nakalagay lang sa isang sulok kaya kinuha ko yun.

Pag akyat ko don kunwaring kukunin ko yung librong nasa itaas pero habang inaabot ko iyon bigla nalang gumalaw yung upuan kaya na out balance ako at mahulog sa kinatatayuan ko.

Ahhhhhhhhh!

Wag niyong gagayahin yun ah professional lang kasi ang nakakagawa non. JOKE

Ipinikit ko nalang yung mga mata ko sa posibleng kababagsakan ko alam kung medyo masakit kasi may pagka lampa talaga ako at sabi nga ni Mama "napaka Bobo mo!" Noted!.

Hanggang sa maramdaman ko nalang na may nakahawak sa baywang ko.

Dahan dahan kung iminulat yung mga mata ko at bumungad sakin si pikachu ay este si Cristtoff na hinahawakan ako ng mahigpit habang naka tungtung pa yung isa kung paa sa upuan.

Ang puso ko!

Halatang nabigla din ito sa mga pangyayari at siguro iniisip na naman nito ang kalampahang ginagawa ko sa kanya. O baka nabibigatan lang talaga siya sakin.

Hanggang sa bigla nalang mahulog lahat ng libro sa taas dahil sa lakas ng pagkakahawak ko kanina ng haligi nito.

Bogshhhhhhhhhh

@//.//@

Nasa posisyon kami ngayon na halos malapit na yung mukha ko sa kanya. Nararamdaman ko yung lakas ng tibok ng puso niya.

Pia, I Love You Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin