Chapter 5

15 1 0
                                    

"Hello, Good Morning." bati ni Sir. Travis, ang prof namin sa Accounting 1.

"For today, hindi tayo nag karoon ng maayos na orientation last time. So gusto ko ngayon malaman kung bakit, bakit gusto n'yo maging CPA........Btw, lahat ba rito gusto talaga maging CPA"

nag-taas ang iba ng kani kanilang mga kamay samantalang, ang iba nama'y hindi.

"Ok, class. The reason kung bakit ko tinanong is dahil, gusto kong malaman ninyo na hindi madali ang Accounting sa taong ayaw naman dito, samantalang maaring maging madali ito sa mga taong may gusto rito......."

Napaka-ganda ng boses n'ya napaka lalim at mukha s'yang seryosong tao. Pero shet ang galing n'yang magsalita kasi halos lahat ng classmate ko is tutok sa kanya.

Magaling ba s'ya mag-salita o dahil gwapo s'ya kaya nakatutok sa kanya 'tong mga 'to.

"So shall we start?" tanong n'ya.

Nagsimula s'ya sa likod at napaka malas ko naman kasi, nakaupo kami ni Mark sa likod. Una s'ya at susunod ako. Kinakabahan ako.

"Hello, Im Mark Christian, the reason kung bakit gusto kong maging CPA ay dahil pangarap ko na ito simula pa nung bata ako. Ang aking ina ay isang CPA kaya nainspired n'ya ako sa larangang ito" malandi nitong sabi habang nakatingin kay sir.

"That's good to hear, next." nakangiti nitong sabi at etong si bakla kilig na kilig.

"My name is Athena, pangarap 'kong maging CPA dahil alam 'kong ang course na ito ang magsasalba sa aming pamilya sa kahirapan. Gusto kong maging mayaman balang araw upang maiahon ko sa hirap ang aking magulang" sagot ko ng buong tapang. Parang napaka laki ng pinaglalaban ko.

"Ow, gandang inspiration yan. Nice. Thank you Miss Athena, next" nakangit n'ya sabi sa'kin

Nagpatuloy pa ang pag papakilala.

Ang gwapo n'ya tuwing binibigyan n'ya ng compliment ang mga tao. Hindi mo s'ya makikitaan na pinag dududahan n'ya ang mga kakayanan namin. Dama ko magiging maswerte kami sa kanya.

Lumipas ang tatlumpung minuto at natapos din.

"Alam n'yo class, maabot n'yo lahat ng pangarap n'yo. Just believe in yourself. I know.you can do it. I will help you to achieve your dreams"

Ang gwapo, n'ya talaga.

"Sir"

Sigaw ng isa kong kaklase habang nakataas ang kamay.

"Yes?" nakangiti nitong sabi.

"P'wedeng tulungan mo rin ako. Tulungan mo akong bumuo ng bagong pamilya" malanding sabi ni Nicole. Ang pinaka maldita slash malandi naming classmate.

Natawa si sir doon.

"Kuya, n'yo ako rito, at nakakabatang kapatid ko lang kayo." sabi ni sir kaya nagtawanan ang mga kaklase namin. At isa na ako don, malanding babae.

"Basta, class tandaan n'yo to, nandito lang ako kapag kailangan n'yo"

"Pwedeng dito ka nalang sa buhay ko" singit ng isa ko pang kaklase na ikinatuwa ni sir.

"Nakakatuwa kayo class, mukhang magiging masaya tayo."

"Mas masaya sa buhay ko, tara dito" malanding sabi ng isa pa naming kaklase.

Bat ba ang lalandi ng mga 'to, tara na nga sir pakasal na tayo, bulong ko sabay ngiti.

"Oy, bakla anong nginingiti mo jan."

"Wala, inggitera."

"Che!" pagtataray nito.

Nagpatuloy pa ang tawanan at pag banat ng mga kaklase ko kay sir.

--bell--
kringgg kringgg

"Ok, class. It's time. Good bye class!"

"Good bye, sir. Magpakabusog ka sir ha." sabi nung isa kong malanding kaklase. At tumawa nalang si sir. Pa fall din eh.

Tumayo na kami ni Mark at pumuntang canteen para
mag lunch.

Iiwanan na namin tong mga kaklase kong malalandi.

Hirap kapag puro babae kayo sa klase.

Buti nalang may Mark ako, mas malandi nga lang sakin.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon