Season 2: Episode 7

6.4K 553 142
                                    

Patuloy ako sa pag-atras. Ganoon din naman si Santhy na pumwesto sa harap ko para maging salag ko laban sa infected na nasa harap namin.

"Protect yourselves. Relax." Kuya Brylle mumbled but I can strongly feel the hesitations on his tone. Conviction is making its way out of his voice.

Ngayon, patuloy ang zombie sa pagtingin sa amin. Wala siyang imik na tinitignan kami. Para bang inaalisa pa ang susunod niyang pag-atake.

"Putangina . . ." I heard Santhy whisper and it was followed by a loud shout from that zombie.

Ang kapal ng boses niya. Para bang nababasag ang vocal chord niya ngayon. At hindi siya huminto. Tila bang nag-tatawag siya ng kakampi.

"Putangina ka!" Kuya Brylle was the quickest to grab ahold of the top of the table. Detachable kasi iyong lamesa. Bakal iyong mismong ibabaw noon kaya hindi ko alam kung papaano iyon nabuhat ni Kuya Brylle.

At bago pa namin iyon asahan, ang matabang infected ay nagsimula nang tumakbo papunta sa amin. Patuloy siya sa paghiyaw. Walang hinto. Napakasakit na sa mga tainga iyong boses niya. Basag na basag na kasi na animo malapit na sa pagkapaos.

Binangga niya iyong table ng cashier nang walang kahirap-hirap. Nabasag iyong glass cabinet na lalagyanan ng pagkain. Dahil din doon, nagsitapunan iyong mga ulam na nasa loob noon.

At ngayon, heto na siya.

Depite of his weight, he is running to the fastest extent that I never expect he would do. Para bang hindi mabigat ang katawan niya sa tulin ng pagtakbo niya.

Like a General who is not ready to lose the war, Kuya Brylle has other idea than facing our death. Dala-dala pa rin iyong mabigat na tuktok ng lamesa, tumayo siya sa harap namin. He is going to protect us.

It was halfway when Kuya Brylle suddenly threw the metal top of the table towards the fat zombie. At dahil nga matulis ang edge noon, kitang-kita namin kung paano napugot ang ulo ng zombie. Pati na rin ang pagtumba ng matabang katawan nito. Halos maduwal talaga ako nang masaksihan ang pag-bulwak ng malapot niyang dugo sa mismong harap namin.

"Let's move! Fucking quick! Grab anything na pwede nating kainin!" Hingal na hingal si Kuya Brylle. "Bilisan niyo! Paniguradong nagsisitakbuhan na ngayon papunta dito ang mga zombie sa itaas!"

Doon, para akong robot na sinunod si Kuya Brylle. Pinagpapawisan ako nang malala habang hinahablot lahat ng makakaya ko. I grabbed chips, biscuits, canned goods. Everything I saw. I literally didn't had a second thought on what to grab.

Ibinalot ko lahat ng nakuha ko sa hem ng damit ko. Si Santhy naman ay hinubad na ang jacket niya. Doon niya nilagay ang mga hinigit niya mula sa counter. Ngayon, pareho niyang yakap si Orion pati na rin iyong mga pagkain.

Matapos noon, sinabayan ko na rin si Santhy na isuot iyong puting kurtina. We are practically doing the fastest extent that we could do in order to not face the approaching zombies from the top floor.

"Let's go! Bilis!" Narinig kong sambit ni Kuya Brylle. Hindi na namin nagawa pang maghawak kamay dahil sa mga dala namin. Tanging paniniwala na lang sa sariling pandinig ang sinasandalan namin ngayon.

"Nasa pinto na ako, be careful." Kuya Brylle said and it was followed by the sound of an opening door. Pero sunod-sunod, nakarinig kami ng mga nagsisitakbuhang yabag mula sa itaas na floor. Iyon ang dahilan kung bakit agad kaming napaupo pabalik sa dating pwesto namin.

"Upo muna! Tangina ang dami nila!" Kuya Brylle yelled as he slide the door close again.

Nanginginig akong niyakap iyong pagkain. Natatakot na baka hanggang dito na lang ang lahat. Na baka after this, katapusan na nga lang namin talaga ang sumalubong sa amin.

After a moment, we started hearing steps from outside of this cafeteria. Hanggang sa nasundan iyon ng tunog na para bang nababasag na salamin. At huli na talaga ang lahat ng dumagundong ang malakas na ingay sa buong kwarto. Nabasag na iyong salamin. Sinundan iyon ng walang katapusang paghagok mula sa mga zombies na nanghihimasok.

Padami sila nang padami, pabigat nang pabigat naman ang pag-hinga ko. Sa sobrang bigat nito, parang bang umiinit ang dibdib ko. Iyong anytime, para akong aatakihin sa sobrang kilabot.

"Let's move," I heard Kuya Brylle, "hindi sila aalis dito. Tayo ang dapat umalis."

Sa sinabi niya ay kinabahan ako.

Paano?

Paano kami makakalabas dito kung ang lagusan lang ay iyong sliding door na ngayon ay punong-puno ng mga nagtatakbuhang zombies?

"Luv, how? Baliw ka na ba? Marami pang zombies ang pumapasok!" Ate Janelle was the representative of my thoughts. From her voice, I can clearly sense that she's freaking out.

"Wala tayong choice, Luv." Narinig ko ang malungkot na buntong hininga ni Kuya Brylle. "Kailangan nating makipag-siksikan sa kanila. After all, nakaupo naman tayo so I think, it will make our way easier."

Wala ni isa sa amin ang nagtangkang sumalungat kay Kuya Brylle. Kasi tama naman siya, wala na nga kaming choice. Sa mga naobserbahan namin nitong nagdaang mga oras, hindi umaalis itong mga zombies sa pwesto nila not unless may ibang mag-bigay ng signal sa kanila.

So, we waiting for that another signal is a treacherous choice. Kung gusto talaga naming maka-survive, ang kailangan namin ngayon ay ang makalayo sa kanila hangga't kaya namin.

"Just go with the feet, alright? Sipain niyo hangga't kaya. Patumbahin niyo kung pwede. We need to show some fangs." Kuya Brylle's tone is pleading. Para bang nakikiusap siya na nalakasan ang loob namin. Kasi iyon lang ang kaya naming kapitan ngayon, ang lakas ng loob.

"Sure, Luv." Halatang napipilitan si Ate Janelle.

"I'm in, Kuya Brylle. Akong bahala kay Venice, ikaw naman kay Ate Janelle." Santhy came with an assurance of a safe haven on his voice.

"Good," Kuya Brylle said again, "we should go now. Walang magandang maidudulot kung magtatagal pa tayo dito."

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon