Chapter 3:That Person

7 0 0
                                    

Alita Guevarra

Mag alasais na ng gabi nang matapos ako sa pag babasa ng case na hawak ko. Isang rape case ang hawak ko na ngayon ay aking pilit bibigyan nang hustisya. Sa susunod na linggo ang unang hearing na gagawin namin.

Naniniwala akong inosente ang aking kliyente dahil base sa mga inilahad nya at ng mga witness niya nag papatunay lamang na hindi siya gumawa nung ibinibintang sakanya. Na frame-up lang ang aking kliyente. May dahilan kung bakit ito ginawa sakaniya. Whatever happens, I will lure that real culprit.

Nakatayo ako ngayon dito sa bus stop, nag hihintay ng masasakyan. Hindi ko kasi nadala ang kotse ko dahil tinatamad akong mag maneho. Nag sisisi ako kung bakit ngayon pa ako tinamaan ng katamaran ko. Kung dala ko sana kotse ko kanina pa ako nakauwi sa bahay. Aba't hindi ko naman alam na ang daming mangyayare ngayong araw. Suki ata ako nang hostage taking eh! Ang sakit na ng katawan ko grabe. May bwisit pa na pulis na gusto akong ipapatay. Malas!

Bwisit na bwisit talaga ako sa pulis na yun. Mantakin mo, hahayaan niya akong patayin nung nang hostage sakin. Isa siyang pulis pero napaka inutil niya. Ganoon ba niya gampanan yung trabaho niya. Nakaka bwisit grabe!

Atlas! May huminto nang bus. Sumakay ako agad kasabay ng mga pasaherong kanina pa din nag aantay. Pagkaupo ko agad kong nilabas ang phone ko at sinalpak ang earphone sa mga tainga ko. Pag nag ba-byahe kasi ako mahilig ako makinig ng musika.

Bzzzzzz!

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko kaagad ang text message na natanggap ko. Si Layla  Lopez, ang matalik kong kaibigan.

From: Layla

Hoy! Babaita? Where are you? I'm at your home right now. Halos kararating ko lang. Sabi ni Nanay Soria hindi kapa daw umuuwi.

Napangiti ako nang mabasa iyon. Ang tagal na din kasi naming hindi nag kikita. She was staying at Canada simula nung nag graduate siya ng Senior High. Kinuha na kasi siya ng mother niya doon. Even she's staying there, we still have communication. Siyempre hindi yun mawawala. Kababata ko yata yan at matalik kong kaibigan.

Nang makarating ako sa bahay. Naabutan ko siyang nakikipag kwentohan kay Nanay Soria ang katulong namin at nag alaga saakin simula nung mawala si Dad. If you're asking kung nasan ang mother ko, nauna siyang nawala kaysa kay Dad. Namatay siya dahil sa malalang sakit niya.

"Al!" Layla exclaimed. Simalubong niya ako sabay yakap nang mahigpit. I hug her back. "I really missed you so much!" Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Yuck! Ano ba yan." Pinunasan ko yung hinalikan niya.  Natawa naman siya sa inasta ko. "Hoy! Hindi ka nag sasabi na uuwi ka pala. You really like surprises hah!" Nag lakad kami papuntang sofa.

"Kakauwi ko lang, as in. Siyempre, you know me naman. Hindi ako nag sasabi kung kelan ako uuwi."

"Kayo talagang dalawa. Osiya! Maiwan ko muna kayo. Ipag hahanda ko kayo nang masarap na hapunan." Nanay Soria said.

"Yes!" Sabay naming sabi ni Layla. Para kaming bata na bibilhan ng Jollibee.

Habang kami nag hihintay. Nag kwentuhan lang kami ni Layla about sa pamumuhay niya sa Canada. This is the third time na sinurpresa niya ako sa kanyang pag uwi. Lagi niya akong binibigla.

May mga pasalubong siyang bagay na inilalabas niya mula sa maleta niya. Mga chocolates, damit, sapatos and whatsoever. Nag pasalamat naman ako sa mga binigay niya.

"Thank you Lay. Nag abala ka pa." Sabi ko sakanya.

"Parang ngayon lang ako nag bigay ah. Atsaka hindi kana iba sakin noh."

UndercoverDove le storie prendono vita. Scoprilo ora