CHAPTER XVI:

128 2 1
                                    

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Jen pati ang pamilya nito. Ni hindi niya pinangarap na magmahal ulit dahil nadala na siya sa unang pag-ibig niya. Pero napaka-responsable at mapagmahal ni Ken kaya di napigilan ang kanyang pusong mahulog dito.

Binibisita siya ni Ken at ang pamilya nito every weekends sa kanilang tahanan. Hindi na siya tinuring na iba ng pamilya ni Jen. Dahil sa kabaitan nito ay di nag-alinlangang ipagkatiwala ng pamilya ni Jen ang dalaga dito.

One Saturday morning nang bumisita si Ken sa kanila and they'd decided na mag-Biking sila going to the nearest Public Market.

Matagal-tagal na din na di siya nakakapag-bike kaya medyo nanibago siya. Nagsuot sila ng kanila-kanikang helmet.

"Take Care!" inalalayan siya ni Ken na sumakay sa kanyang bike.

"Ready?"

"I'm ready."

"Ay!" muntikan na siyang matumba ng sumakay siya sa bike. Buti na lang nahawakan kaagad siya ni Ken.

"I told you, take care." may himig pag-aalalang sabi ng lalaki.

"Di ako nakapag-balance eh. Tara na!"

Dahan-dahan lang ang pagpapatakbo nila while talking and laughing. Si Ken talaga ang masalita and that's one thing na mas nainlove si Jenny dito.

Narating nila ang isang Curve lane, na paliko papuntang palengke. Walang tigil pa rin sa kakakwento si Ken ng mapansing di na pala nakasunod si Jen sa kanya. And to his surprised! Nabunggo pala ito sa poste ng ilaw! Dali-dali niya itong sinaklolohan.

"Cupcake!" malakas na napasigaw si Ken habang tinatakbo ang kinaroroonan ng dalaga. Malayo-layo na pala siya bago niya napansing wala si Jenny sa likuran niya.

"Are you okay?" inalalayan nito ang dalaga na natumba kasama ng bike nito. May mga gasgas ito sa tuhod. Sinuri nito ang katawan ng dalara, pinataas, hinilot-hilot ang siko nito.

"I'm okay, don't worry." sabi ni Jen na napahiya sa lalaki. Dahil sa katangahan niya ay di niya na-kontrol ang kanyang bisekleta ng paliko na ito kaya dumiretso ito sa poste ng ilaw. She lied to Ken na okay lang lang siya but the truth is masakit ang kanyang katawan. "ANG TANGA MO!" sumbat nito sa sarili at nasapo ang kanyang ulo. Mangiyak-ngiyak na siya pero pinigilan niyang bumaba ang kanyang mga luha baka lalo pang mag-alala si Ken sa kanya. Mga pasa lang naman ang kanyang natamo at nararamdaman niyang wala namang kung anong sumsakit sa kanyang mga buto.

"I will send you to the hospital, come on!" binuhat siya ni Ken at ipinangko sa likod nito.

"Ibaba mo ako, please! Promise, I'm okay!" hiling ng dalaga.

"No, hindi kita ibababa."

"Sugar, sige na! Pag di mo ako ibaba kakagatin ko ang taenga mo! Sige ka! 1, 2, --" kinikiliti ni Jen ang taenga ni Ken at di nakatiis si Ken at ibinaba na niya ito dahil sa nabuhay ang kanyang katawang lupa sa pinag-gagawa ng dalaga.

"Crazy! Don't do that again! Because if you do---, I will kiss you!" pagbabanta ni Ken dito. At di naman natakot si Jen sa banta ni Ken sa halip ay inunahan pa niya ito. Hinawakan niya sa batok ang lalaki at siniil ng halik at di naman tumanggi ang lalaking tinugon ito.

"Dare me again!" malokong sabi ni Jen.

"I love you, Cupcake!"

"I love you too, Sugar."

Umuwi sila ng walang napamili dahil sa hirap sa paglakad ang dalaga at ayaw naman niyang pumunta ng hospital. Pinagalitan tuloy siya ng Nanay niya dahil sa pamimilit nito kanina na sila na lang ang mamalengke ni Ken.

Ken was so worried kaya hindi na muna siya umuwi, tinawagan na lang niya ang kanyang lola.

Asikasong-asikaso siya ni Ken hindi na kasi ito humiwalay sa kanya. Natutuwa ang mga magulang ng dalaga na makita ang pag-aalaga ni Ken sa kanilang anak.

"Sana siya na ang para sa ating anak, Elpidio." ang nasabi ni Aling Pasing.

"Mukhang bagay nga ang dalawang yan. Parehong sugatan at parehong nag-gagamutan. Tingnan mo din si Denise, tuwang-tuwa may kuya na daw siya." Si Mang Elpidio naman.

Natulog si Ken sa kwarto ni Jenny. Ayaw ni Jen but he insisted. Kaya naglatag na lang ito ng ekstrang kutson sa sahig. He don't want to leave Jen kasi nga nilagnat ito dahil sa mga pasa niya. Ilang beses niyang niyaya ito magpunta sa hospital ay ayaw talaga ng dalaga.

"Salamat, Ken. Napagod ka tuloy dahil sa akin." madamdaming pahayag ni Jenny dito.

"Hindi ako mapapagod sa'yo, Jenny. Tandaan mo 'yan." ganti ni Ken sa dalaga.

Hindi masyadong nakatulog si Ken dahil binantayan niya si Jenny. From time to time ay nagigising siya to check Jen. Ayaw niyang matulog na di maayos ang kalagayan ng dalaga. Takot siya to lose special someone another time. Kaya't hangga't sa makakaya niya itong protektahan at alagaan ay gagawin niya. O.A mang masasabi but he's really afraid.

"Was machst du, Kenneth?" tanong ng kanyang ama sa kanilang lengwahe na ang ibig sabihin ay "What are you doing"

"Ich folge meinem Herz, Dad (I'm just following my heart, Dad)" walang pag-aalinlangang nasambit ni Kenneth sa kanyang ama.

"Blumm! Use your mind, Kenneth! Not your heart!" napasigaw na sa galit ang kanyang ama na nasa kabilang linya.

His decision was firmed. Mahal niya si Jenny and he will not give-up on her maging tutol man ang buong mundo dito.

"Go Home soon! And if you will not, you will loss all your shares!" banta ng kanyang ama.

"My shares will not make me happy, Dad. And If I'll come back there, I'll bring her with me."

"Damn! You're crazy, Kenneth! You are crazy!" hinihingal na sa galit ang kanyang ama at maya-maya'y binagsakan siya nito ng telepono.

Pagbuntong-hininga lamang ang kanyang ginawa ng buong araw na'yon.

Naguguluhan siya sa kanyang kalagayan. Mahal niya si Jen pero di niya makakayang magalit sa kanya ang kanyang mga magulang. He don't care about the shares, sa mga pamana ng kanyang ama but the love of his parents. Malaki ang respeto niya sa mga ito pero ngayon ay bigla na lang umiba ang tingin niya sa mga magulang. Hindi niya lubos maisip na may pagka-mata pobre ang kaniyang mga magulang.

Ano ang gagawin niya at sino ang kanyang pipiliin? Si Jen o ang kanyang mga magulang?

When Love Strikes Series: MY FLIGHT WITH YOUKde žijí příběhy. Začni objevovat