Five

372 8 1
                                    

Sarah's POV

Kakagising ko lang ng biglang nagring bigla yung phone ko kaya naman agad akong napabangon. Nakita ko naman kung sino yung caller walang iba kundi ang pinaka mabait kong kaibigan na si Rachelle.




"Hello Girl Good Morning!" Masiglang sabi ni Rachelle.






"Good Morning!" Bati ko naman.




"May lakad kaba today?" Tanong nya.




"Magchuchurch lang kami ng kambal tsaka lunch sa labas ayun lang, why?" Tanong ko.




"Since may pasok ka bukas, magcecelebrate tayo mamaya ng birthday mo. 6:00pm sa bahay ni Christian bye!" Hindi na nya ako hinintay pang sumagot pinatay nya agad yung tawag napailing nalabg ako. Ang hilig talaga nila sa biglaang lakad




Tumayo na ako sa kama ko at pinuntahan ko ang kambal para gisingin na dahil magsisimba kami.




Pagdating ko sa kwarto nila tulog pa din sila, siguro ay napagod talaga sila ng husto kahapon.





Bumaba nalang muna ako para magluto ng breakfast namin, wala kasi si Tita Crystal inaayos nya yung mga papers namin at umuwi muna sya sa bahay nila sa Marikina mamaya pa ang balik nya.





Tinignan ko kung anong laman ng ref namin mabuti nalang at nakapamilo si Tita Crystal last time.




So pancake at sausage nalang ang lulutuin ko dahil paborito naman ito ng kambal. After kong magluto nagtimpla ako ng hot choco namin at pagkatapos kp ay pinuntahan ko na ang kambal.




"Babies wake up magsisimba pa tayo, gising na please." Sabi ko pero walang epekto. "One! Two!Three! Kapah eto umabot hanggang five tapos hindi pa kayo babangon papaluin ko kayo. Four! Ayaw nyo talaga? Five!" Kiniliti ko sila ng todo kaya naman nagising talaga sila.




"Ate stop it!" Sigaw ni Carmella pero hindi ko pa din sila tinitigilan parehas.




"Ate babangon na kami stop na!" Sigaw naman ni Isabella.




Lumayo ako sa kanila at pinagpag ko ang kamay ko.
"Mabuti naman at gumising kayo, effective pa pala yung pampagising ko sainyo."




"Ate naman eh pwede mo naman kaming yugyugin nalang ang sakit tuloy ng bewang ko." Pagrereklamo ni Isabella.




Si Carmella naman hawak hawak ang bewang nya.




Lumapit ulit ako sa kanila "Aba nagrereklamo kayo?" Kiniliti ko naman sila sa leeg nila, pero si Isabella nakatakbo.





"Ate stop!" Sigaw ulit ni Carmella.




Si Isabella naman nakita kong lumapit sa kama at kumuha ng pillow at akmang ipapalo sa akin.





"Don't do that!" Sigaw ko pero hindi nakinig si Isabella, nakawala naman sa akin si Carmella kaya tumakbo din sya papunta sa kama at kumuha ng pillow.





Tumakbo na din ako papunta sa kama para kumuha ng pillow, hindi ako papayag na sila lang.





"Hayaaaaah!!!" Sigaw ni Carmella habang pinapalo ako ng unan.





"Ahhhhh!!!!" Sigaw ko naman, pinagtulungan na nila ako parehas.




Tinapon ni Isabella yung unan na hawak nya "Kilitiin natin si Ate!"






Please Come Back IIWhere stories live. Discover now