INAANTOK AKO pagkatapos ng klase namin kaya agad na nagpaalam na ako kina Olive at Mel na uuwi na agad ako.
"Uuwi ka na agad? Friday ngayon ah, kain tayo sa labas." Pag-aaya sa akin ni Mel.
"Dali na, Yan. Mabilis lang, kain lang tayo." Pangungulit din ni Olive.
"Fine, after kumain, uuwi na ko ah." Sabi ko at napahikab. Inaatok talaga ako, nagpuyat kasi ako hanggang 3 am para lang matapos yung tatlong chapter naipapasa ko sa thesis namin. Ang pabaya kasi ng kagrupo ko, na kahit bigyan ko na ng demerit, hindi talaga natatauhan.
Napagdesisyunan naming kumain sa buddies, dahil nagcacrave talaga ako sa pizza nila doon. Si Olive na ang nagorder at kasama ko naman si Mel na naghanap ng mauupuan.
"Melanie!" Napatingin naman ako sa lalaking tumawag kay Mel. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng varsity jacket na may black shirt sa loob. Nakita ko ang logo, mukhang galing sa LHU.
"Uy, Vaughn! Long time no see!" Sabi ni Mel at lumapit naman kami sa kanila kahit medyo out of place ako.
"Siya nga pala guys, kaibigan ko si Yancy." Pakilala sa akin ni Mel at kumaway ako sa kanila at nagpakilala sila isa-isa sa akin. Yung kulot ang buhok si Murphy, tapos yung nakamilitary cut si Paulo. Napansin ko na galing silang iba't-ibang school dahil sa mga uniform nila.
"Wala kayo maupuan? May vacant pa kaming apat kasi yung isa, sa kaibigan naming kumuha ng order." Alok ni Vaughn at pumayag naman agad si Mel kaya hindi ko na siya napigilan. Nakakahiya kasi.
"Nga pala, si Olive? Hindi ko na din siya nakikita latey." Banggit ni Vaughn. So, magkakakilala pala sila.
"Nandyan na pagkain natin!" Sabi naman ni Murphy at tahimik lang akong pinagmamasdan sila.
"Cai! Nandito kami!" Mayroong lalaking papalapit at nagulat ako nang magtama ang aming mga paningin.
"Yancy, you're here." Obviously.
"You know this, pretty girl? You greedy perv!" Sabi naman ni Paulo at tumingin sa akin. Biglang sumeryoso ang ekspresyon ni Cairo at inilapag ang pagkain, hindi ko alam kung kakaway pa ako o ano pero tumabi din naman siya sa tabi ko.
Dumating na din si Olive at nakipagkumustahan sa kanyang kaibigan na si Vaughn. Halos lahat naman kami ay nagiging komportable na sa kanya-anyang presensya at paminsan-minsa tinatanong din ako nina Murphy at Paulo tungkol sa acads, likes o iba pa.
BINABASA MO ANG
Before Anything Else
RomanceYancy Stella Beltran has a weak heart but also have a strong will. She never gets too sad about her condition and was always grateful of enough time to thank and to make everyone happy. She was contented. She was in love, and she has everyone to su...