Ang Pagkikita

5 1 0
                                    


Kakalabas ko lang sa bahay ng boyfriend ng kapatid ko.
Hep!! Don't get me wrong! Baka kung ano pang isipin niyo.

Napag-utusan kasi akong ibigay sa kanya yung project niya kuno na ginawa naman ng magaling kong kapatid.

Oh diba? Ako pa talaga yung inutusan na dalhin yun sa boyfriend niya!
Tssss.... galing talaga!!

Kesa sumakay ng taxi, pinili ko na lang ang maglakad pauwi.
Parang feel ko kasing maglakad-lakad ngayon at lumanghap ng sariwang hangin tutal wala naman akong ibang gagawin ngayon.

Habang naglalakad ay bigla na lang nagring yung phone ko.
Pagkakita ko sa caller, napairap nalang ako ng wala sa oras.

"Oh, ano?"

"To naman! Highblood na agad ? Anyway, naibigay mo ba kay Peter yung project niya Ate?" tanong ng kapatid ko.

"Oo, naibigay ko na po sa boyfriend mong hilaw!" sagot ko sa kanya.

"Ate talaga oh! Pasensya na kasi....
kung wala lang kaming quiz ngayon eh ako na mismo sana yung magbibigay niyan sa kanya" aniya.

"Eh bakit ba kasi ayaw mong makinig sa akin? Hiwalayan mo na yung lalaking yun! Sinabi ko naman sayong ginagawa ka lang utusan nun! Pati ako dinamay mo pa" sabi ko sa kanya.

"Eh hindi naman sa ganun Ate, sadyang busy lang talaga si Peter kaya minsan hindi niya nagagawa yung ibang projects niya so ako nalang yung nagpresentang gumawa nung mga yon" pagtatanggol niya sa mahal niyang boyfriend.

"Okay Fine! Sabi mo yan eh... sige na, hindi na ako makikialam sa inyong dalawa" saad ko.

"Promise Ate, babawi ako sayo sa ginawa mong pagtulong sa akin ngayon" aniya.

"Oo na, Oo na.... Sige bye na"

"Thank you talaga Ate, Bye!" paalam niya.

Pagkatapos ng tawag, napatingin ako sa wallpaper ng phone ko.
Picture yun naming dalawa ng kapatid ko.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig pa rin doon sa picture.

"Sana lang talaga hindi siya saktan nung boyfriend niyang yun kundi naku! Lagot talaga sa akin yung lalaking yon!"

Ilalagay ko sana ulit yung phone ko sa bulsa nang masagi ang kamay ko ng dalawang nagtatakbuhang lalaki.
Sa kasamaang palad ay nabitawan ko ito at nahulog.

"Sorry po Ate!" hinging paumanhin nung isang lalaki pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagtakbo.

"Aba't—  Sorry lang? Ganun-ganun na lang yon?"
Sigaw ko naman pabalik sa kanila. Pero dahil malayo-layo na silang dalawa eh malamang hindi na nila yon narinig.

"Hay naku! Mga kabataan talaga ngayon!"
Pinulot ko nalang ang phone ko nang biglang may bumanggit sa pangalan ko.

"Rachelle?" saad ng baritonong boses.

Ang boses na yun.
Parang...

Parang kilala ko ang may-ari ng boses na yun.

Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko para tingnan ang taong nasa harap ko.

Tama nga ako...

Siya nga...


"K-Kevin??" nauutal kong sabi.

"Whoaah ! Rachelle ikaw nga! Kamusta na??" aniya saka lumapit sa akin.

Naramdaman ko nalang ang mga bisig niyang nakayakap sa akin.

Long Time No See [One Shot]Where stories live. Discover now