1

55.6K 887 217
                                    

Harley

"Mom sinabi ko na po sainyo ayokong pumunta ng UK"

Kausap ko ang mommy ko sa phone. Pinipilit niya akong umuwi ng UK dahil may nabalitaan nanaman sila na nakipag-away ako sa classmate ko.

Duh it's not my fault kung gusto ako ng girlfriend niya kasalanan ko bang ipinanganak akong maganda at habulin din ng magaganda haha.

"One more chance Harley kapag nalaman ko na may gulo ka nanamang ginawa, sa ayaw at sa gusto mo ibabalik kita dito sa UK" pinatay niya na ang phone kaya napabuga nalang ako ng hangin.

Gosh kasalanan ko ba kung habulin ako ng babaeng may jowa? Hindi ko naman siguro kasalanan kung ipinanganak akong habulin ng babae diba? haha.

"Pinsan!" Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng sumulpot ang pinsan kong si Anthony sa pinto ng apartment ko.

"Ano nanaman bang problema mo insan?" Umayos ako ng upo at tumabi naman siya sakin.

"Hindi mo paba nabalitaan ang nangyari?" Nagtaka naman ako dahil wala akong ideya sa tinutukoy niya.

"Nahihibang kanaba talaga!" Napatakip ako ng tenga sa biglaang pagsigaw niya.

Ugh sakit!

"Tss! hindi mo talaga kilala ang taong inaway mo kahapon?" Umiling ako.

Sino ba siya para kilalanin ko? Kapag ba nakilala ko siya mayaman nako at hindi ko na kailangang pumasok araw araw dahil kung oo, aba magpapakastalker ako para lang sakanya.

"Well ang taong sinapak mo kahapon ay ang anak ng may-ari ng school niyo!" Hyterical nanaman siya-_-

"So?" Hindi siya makapaniwala sa reaksyon ko.

"So?! Alam mo ba na may pinadalang sulat ang university para sayo" ipinakita niya ang isang envelop na agad kong kinuha, binuksan ko ito at bago ko pa mabasa sinabi na niya ang laman nito.

"Kick out kana sa school niyo at pinabanned kapa sa mga school na pagmamay-ari nila kaya siguradong mahihirapan kang humanap ng bago mong papasukan."

Yun lang naman  pala edi wag nalang pumasok duh

"Ikaw kasi puro landi ang alam mong gawin, puro harot, puro gala, puro puro ka" he said sabay batok sakin.

"Aray! Nahiya naman ako sayo ah" I said habang hinihimas ang ulo ko.

"Hoy harley hindi ako kasing landi mo, sinabi kona kasi sayo tigilan muna ang babaeng yon pero anong ginawa mo, wala diba kaya ang kapalit ng pagharot harot mo ay ang kinabukasan mo" Aarte pa siya na kukurutin ako pero sinamaan kona siya ng tingin.

Aba naisahan na niya ako kanina gusto pa yatang dumalawa. 

Tumayo ako at itinapon na ang sulat na dala niya. Wala narin namang kwenta dahil sinabi na ng pinsan ko ang laman.

"Umuwi ka nalang kaya ng Uk"

"No way!" Sigaw ko sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"Yes way! mas makakabuti yun sayo dahil mas mababantayan ka ni tita at paniguradong mas titino ka don"

"Wow ano ako barumbado?" mataray na sabi ko.

"Harl ilang beses kana bang napaaway sa mga school na pinasukan mo? pang ilang school naba ito na nagpatalsik sayo? 8? 7? Right 8 nga, walong beses ka ng napapatalsik sa bawat university na napasukan mo tingin mo ba normal payon? Kotang kota kana sa mga records tumino ka naman sana"

Kung makapanermon akala mo nanay ko-_-

"Tss! kung naparito ka para manermon mas mabuti pang iwan munako dahil busy ako" I said at naglakad na papasok ng kwarto ko.

Her Fake identity (GxG) (COMPLETED)Where stories live. Discover now