Dakilang Ina

139 0 0
                                    

Magmula ng isilang ako ni ina
Pawang na pagmamahal ang kaniyang ibinigay
Siya ang aking ilaw
Na nagbigay buhay sakin dito sa mundo
Siya ang una kong naging kaibigan
Ang lagi kong kasama at kalaro
Siya ang una kong naging guro
Ang unang nagturo saken magbasa at sumulat
Kahit na wala ang aking ama
Siya ang tumayong haligi ng tahanan at pinalaki ako ng matiwasay
Kahit na lagi siyang pagod
Kahit na lagi siyang puyat
Kahit na minsa'y nagkakasakit na siya
At kahit na lagi akong pasaway at hindi nakikinig sa kaniya
Patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho upang mabili lahat ng gusto ko
Upang may damit at pagkain na makakain
Hindi naging hadlang ang mga sakit at pagod na nararamdaman niya
Patuloy lang siya sa pagtrabaho upang mapalaki ako ng matiwasay
Kahit na may malala na siyang karamdaman
Ang kapakanan ko pa rin ang iniisip niya
Iniisip niya pa rin ang kalagayan ko
Kahit na nanghihina at nahihirapan na siya
Patuloy lang siya, dahil iniisip niya ang magandang kinabukasan ko
Patuloy lang siya sa pagsuporta saken
Kahit na minsa'y nawawalan ako ng oras sa kaniya
Lagi niya kong pinaalalahanan
Walang araw, oras na pinaramdam niya saken na mahal na mahal niya ko
Na kahit hanggang sa huling hininga niya ako at ako pa rin ang iniisip niya
"Alagaan mo ang sarili mo, kayo ng kuya mo. Tuparin mo ang mga pangarap nateng dalawa"
Ang kaniyang huling paalala. Hindi siya nagkulang at pag-aaruga at pagmamahal sa aming dalawa
At kulang ang taong nakasama namen siya.
Ina, maraming salamat sa lahat
Kahit na wala ka na, ika'y mananatili sa aking puso't isipan
Aking pinagmamalaki na ikaw ang aking ina
Patuloy kitang mamahalin at nangangakong tutuparin ang pangarap nateng dalawa.

______________________________________
Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay sa mundo! Ang tulang ito ay dedicated sa namayapa kong ina❤

English and Tagalog Poems/Spoken PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon