💘Chapter 19💘

30 1 0
                                    

Hindi ako makagalaw kahit gusto kong kumawala sa yakap niya. Hello? Nasa ER pa rin kaming dalawa at ang daming tao. May mga pasyente, bantay ng pasyente, mga doktor, mga nurse at iba pang hospital staff ang naroon.

Bakit kailangan niya akong yapusin ng ganito?

"Ahm... Fire, maraming tao. Masyado na tayong PDA."

Nahihiyang lumayo siya. "I'm sorry."

I took the chance to get in to my car to get away from him. Hindi ko pa rin siya napapatawad sa pagsisinungaling niya sa akin.

He deserves punishment.

Aalis na sana ako sa lugar na iyon nang humarang siya sa daanan ng sasakyan ko.

I stepped on the brake. Mabuti na lang kasi kung hindi baka napatay ko siya.

Inis na inis ako nang harapin siya. Kahit mas matangkad siya sa akin, namewang ako sa harap niya.

"Pwede ba Fire. Pinag-iinit mo ang ulo ko. Lubayan mo muna ako!"

"No. I did that mistake twelve years ago and exactly five months ago. The third time will not gonna happen, Adie."

"Ano ba kasing kailangan mo? Oo na. Gets ko na. Nagsinungaling ka sa akin, pero inamin mo na yung totoo at hindi mo sinasadyang gwapo ka kaya nakidnap tayong dalawa kasi may baliw kang obsessive fan. Pero tingin mo, mababago nun sa isang iglap lahat ng dinala mong sakit sa akin? I'm mentally, physically, and emotionally pained now. Hayaan mo muna ako."

"I know. Kaya nga mas gusto kong dumikit sa'yo para tulungan kang mawala lahat ng sakit. It was all my fault. At kung kailangan kong magpaliwanag ng maraming beses, gagawin ko. Tanggapin mo lang ako ulit. Iniwan ako nila Ice dito ng walang kotse. Take me with you. Ipagda-drive kita.

"Ayoko. I can take care of myself." Itinulak ko siya. "Alis!" I am more determined to run away from him to give myself sometime to heal.

Hindi niya ba nare-realize na para niya akong tino-torture kapag magkasama kami kung ayaw na niya akong mahiwalay sa kanya ngayon at pakiramdam niya mamamatay siya kapag umiwas na naman ako, pwes magdusa siya.

But fuck his strength.

Isang buhat lang niya sa akin, hayun at nakasampay na ako sa isang balikat niya. "Ano ba, Fire! Ibaba mo na ako!"

Ginawa niya lang ang sinabi ko nang maiupo niya ako sa passenger seat. "Maupo ka lang d'yan at kumalma! MAG-UUSAP LANG TAYO!" Nagulat ako nang sigawan niya ako kaya bigla na akong nanahimik.

He immediately sat on the driver's seat and drove away from the hospital's parking lot.

Ayon sa GPS ng kotse ko, nasa Tagaytay kami. Kaya hindi na ako nagulat nang mula sa ospital, inihinto niya ang kotse sa Picnic Grove.

Wala ng masyadong tao ng oras na iyon pero nanatili kami parehas sa kotse.

Nakatitig lang siya sa akin habang tinatantya ang emosyon ko. He finally talked when I close my eyes and leaned on my car door. "You used to be so fragile and soft-hearted. Ni hindi mo kayang magalit sa akin ng isang oras. You always make sure na maaayos natin yung away natin bago ka umuwi. I'm sorry if I became too selfish back then. Nung hindi ka na bumalik after nating magsigawan twelve years ago, I thought," he laughed while trying to hold back his tears. "I thought, babalik ka rin. Hindi mo din ako matitiis. You will say sorry and I will forgive you. I totally missed the point that I messed up. I have neglected you for one whole year thinking that you'll always stay. Then, I became angry. Hindi ko naisip 'yung feelings mo. And it took me twelve years to realize I was wrong and stupid to let you go. Dapat nung umalis ka. Hinabol kita. I'm sorry again if it took me twelve years and five months before I chase after you. Yung five months, naduwag lang ako. Sinubukan ko naman eh, but you drew the line. Sabi mo, ayaw mo na kaya pinilit ko ang sarili kong kalimutan ka na lang para maging masaya ka. Then I became greedy when you came back from your business trip. Hindi na ako nakuntentong pinaniwala kitang anak ko si Sky, nagtago pa ako sa isang codename at niloko ka na naman."

Pinigilan ko ang sarili kong mapahagulgol. Bakit ba niya kailangang isa-isahin ang mga kasalanan niya? Alam ko naman na lahat ng iyon.

"Look, Adie. Lahat ng mali ko, hindi ko na maibabalik at maitatama. It's just impossible for me to do that. But I promise you that if you give me one last chance, I will make it up to you."

Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya saka pinarusahan ang pisngi niya.

"Ah!" wala siyang magawa kung hindi ang umaray.

"Pati duon sa pangingidnap sa atin nung baliw na magkapatid, babawi ka?" tanong ko habang kurut-kurot pa rin ang mukha niya.

Alam kong masakit pa rin ang pagkakakurot ko pero tiniis niya. "Si Ice na bahala sa kaso laban sa kanila. You don't need to pay a single cent."

I let his face go. "Okay."

"Okay?"

"Hoy, Mr. Jimenez, ang one last chance ay isa lang kasi "one" nga. We both suffered for twelve long years kaya... I will be generous enough to give you the chance you are asking. Pero dahil dragon lady na ako ngayon, hindi na ako magiging push-over kagaya noon. Naiintindihan mo ba ang pinapasok mo?"

Tuwang tuwang kinabig niya ako. "I am fully aware, Baby." he marked a kiss on my lip. "This time, I will hold on to you real tight. Hindi ko na hahayaang mawala ka pa sa akin. Never."

"Ilang beses mo na 'yang sinabi sa mga drama mo?" nagdududang tanong ko.

"I never recycled lines before, Baby. I meant every single word. Including this."

Napipi na naman ako dahil sa halik niya. Halos mahilo ako sa kaligayahan dahil sa ginagawa niyang paghalik sa labi ko habang kaming dalawa lang ang naroon.

Mas madami sigurong Lukresia ang iiyak kapag nalaman na ng lahat ang tungkol sa amin

OPPA SERIES V1 (Book 5): Mr. Nonchalant [COMPLETED]Where stories live. Discover now