CHAPTER 8

3 1 0
                                    

LEX POV.

Huminto kami sa isang Botique dito sa loob ng Mall. Puro Gown ang binibenta doon kaya naisipan ko na doon nalang kami mamili ng gown since mukang magaganda naman ang binibenta dito.

Hihilain ko na sana ulit si Keil ng magmatigas ulit ito.

"Teka! Teka! Sure ka ba talaga!? Staka wag dyan! Doon nalang tayo sa iba! Mukang mamahalin dyan e." Pagpoprotesta ulit ni Keil.

Hindi ko naman yun pinansin at hinatak nalang ulit sya papasok sa loob ng Botique na nasa harapan namin.

"Good Afternoon Ma'am." Bati saamin ng isang sales lady dito ng makapasok kami.

"Good Afternoon. Can i talk to your manager?." Tanong ko rito.

"Can i have your name Ma'am?." Hingi saakin ng sales lady. Tsk! Kailangan pa ba ng pangalan pangalan na yan?.

"Kailangan ko pa bang sabihin? Tawagin mo nalang yung manager mo at sabihing may naghahanap sakanya." Inis sa sabi ko sa taong nasa harapan ko. Nakakaimberyana tong babae na to. Hindi nalang tawagin yung manager, dami pang satsat.

"I'm sorry Ma'am pero hindi ko po tatawagin ang manager namin kung hindi nyu po sasabihin ang pangalan nyu." Ramdam ko ang tagong inis sa boses ng sales lady.

Napabaling naman ako kay Keil ng kalabitin nya ako. "Tara na Lex sa iba nalang tayo mamili baka mapaaway pa tayo dito."

Rinig ko ang sinabi ni Keil pero hindi ko yun pinansin. Binalingan ko ulit ang sales lady na nasa harapan ko. Nahagip naman ng paningin ko ang pagirap nito saakin bago ako makatingin sa kanya.

Sundutin ko mata neto e. Ewan ko lang kung mapaikot mo payan.

"Nasan na ang manager nyu? Tawagin mo ngayon ang manager nyu at sabihing may naghahanap sakanya." Pinaseryoso ko ang tono ng boses ko para matakot ang sales lady na nasa harapan ko.

"Ma'am kailangan ko nga po ng pangalan nyu. Name nyu lang po tapos tatawagin ko na po agad yung manager namin." Kita ko naman ang pagirap nito saakin.

Takte! Pinapainit talaga ang dugo ko nitong letcheng babae nato! Tutusukin ko na talaga yung mata neto e. Isa nalng! Isang isa nalang!

"Hindi ka ba nakakaintindi? Ang sabi ko tawagin mo ang manager mo! Ayun lang naman e TAWAGIN MO! Napakahirap ba nun? Tatawagin mo lang hindi mo pa magawa!?." Sigaw ko rito napupuno na ko e. "Papaalala ko lang ha. Costumer kami dito at isa kalang sales lady! Kaya marapat lamang na sundin mo ang inuutos namin! Inuutos ko! Dahil kung hindi...ako mismo ang tatapos ng pagiging sales lady mo." Pagbabanta ko dito.

Nakita ko naman ang maliit takot na nabuo sa kanyang muka. Pero agad din yun nawala at matigas nya akong hinarap.

"Alam mo ma'am napakataas ng tingin mo sa sarili mo. Oo nga't sales lady lang ako at isang kang mayaman--mayabang na costumer. Ano sa tingin mo ma'am ang tingin mo sasarili mo? Isa kang Diyos na dapat sundin at sambahin? Paalala ko rin sayo ma'am ha tao ako at tao ka rin paheras lang tayo kaya wala kang karapatan na tapak tapakan ang pagkatao ko." Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya." Wala akong pakealam kahit na anong gawin mo saakin. Ipapatay mo man ako o tanggalin sa trabaho wala akong pakealam. Alam mo kung bakit ma'am? Kase alam ko sa sarili ko na hindi ako takot sayo. Hinding hindi ako matatakot sa isang katulad mo dahil alam ko na nasa tama ako--"

"Anong nangyayari dito?." Tinig na nagpahinto sa kanya.

Bigla namang namutla ang muka ng sales lady na nasa harapan ko ng makita kung sino yung tao na yun.

Ng tignan ko naman ang tao na yun napataas ang sulok ng labi ko. Oh? Anong ginagawa nito dito?.

"Hey." Kuha ko sa atensyon sa taong bagong dating.

THE UNTITLED PRINCESS (On Going)Where stories live. Discover now