Mariangell De Robles

6 1 0
                                    

Third pov

"Mariangell!" sigaw nito sabay katok ng malakas sa gate. "Tara na! Sabay na tayo!" Sambit pa nito mula sa labas ng bahay ng dalaga. Lumabas ang dalaga mula sa loob ng bahay at lumapit sa kaibigan.

"Mauna ka na Eipryll. Maya maya pa ko eh. Si Beatrice? Kayo nalang mag sabay." Sambit ng dalaga habang pinagbubuksan ng gate ang kaibigan.

"Hays ehh wala akong kasamang maganda baka ako mapagtripan sa daan." Nakapout na sabi ni Eipryll. Natawa naman ang dalaga sa sinambit ng kaibigan.

Napakagat na lamang siya sa labi. "So ano ibig mong sabihin? Na pangit si Beatrice? HAHAHAHAHA isususmbong kita!" Pagbibiro ng dalaga.

"K." Sambit nito sabay irap ng pabiro. "Pero pupunta ka di'ba? Nangako ka eh." Seryosong sabi ni Eipryll sa kaibigan. Tumango na lamang ang dalaga kahit hindi pa ito sigurado. "Kakatukan talaga kita pag wala ka mamaya!"

"Hahaha I'm going to be there." Paninigurado ni Mariangell. Isang malawak na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Eipryll. Niyakap na lamang niya ang dalaga at umalis na.

Si Mariangell ay kalilipat lamang sa San Isidro. Bago sa paningin ng mga tao roon kaya naman sikat siya sa buong bayan dahil sa angking kagandahan. Halos lahat ng magagandang katangian ay makikita kay Mariangell. May mala anghel na itsura, mabait, magalang, matalino at marami pang iba. Kaya naman marami ang naiinggit at naiinis dito.

Ngayon ang araw na pinakahihintay ng bawat mag-aaral ng San Isidro Highschool. "Oh hija? Ngayon ang graduation ah? Bakit parang wala ka pang paghahanda?" Pag-uusisa ng kapitbahay. "O sya! Pasenya na. Mauna na ko't aayusan ko pa yung anak ko." Sambit nito ng makitang hindi interesado ang dalaga sa pinaguusapan. Tinapik na lamang nito sa balikat ang dalaga at tuluyan ng umalis.

Nalungkot ang dalaga. Alam niyang hindi magagawa ng sarili niyang ina ang ayusan siya sa araw na 'yon. Si Mariangell ay galing sa isang broken family. Hindi niya kilala kung sino ang kanyang ama mula pagkabata. Ang kanya namang ina ay isang OFW sa Canada. Tanging ang kanyang lola lamang ang kasama, na kaaalis lamang upang magtinda sa palengke.

"Pupunta pa ba ko? Bakit parang hindi maganda yung kutob ko sa araw na 'to." Bulong sa sarili. Lumipas pa ang minuto at buo na ang kanyang desisyon na hindi na sya pupunta.

"Mariangell!" Papasok na sana sya sa loob ng bahay ng may tumawag sa pangalan nya. Lumingon siya at nakita ang kanyang guro kasama si Kiel na isa sa mga kaibigan nya. "Hindi ka ba pupunta?" Tanong nito sa dalaga. Kumaway ang binata. At agad din naman siya kumaway pabalik.

"Good morning Mrs. Pahati." Bati nito sabay iling sa pag sagot sa tanong ng guro. "Wala naman pong magsasabit sakin ng medal. Bigay ko nalang po kay Kiel." Biro ng dalaga sabay ngiti sa binata ng mapanginis.

"Ako! Ako ang magsasabit sayo ng medal. Proud ako sayo, kami! Kaya wag mo na problemahin yung kung sino mag sasabit sayo ng medalya. Marami kaming mga guro mo. Pwede ka pang mamili." Pangungulit ng guro.

"Oo nga! Saka wala akong inspiration sa pag akyat sa stage. Wala yung crush ko weh." Nakapout na sabi nito. Napatingin si Mariangell sa gawi ng binata at binigyan ito ng 'what the hell are you saying' look ngunit kinindatan lamang siya nito. Natawa naman ang guro sa kapilyuhan ng dalawa.

Sa ilang oras ng kulitan ay napapayag na rin nila ang dalaga. Tama naman ang dating ng tatlo sa paaralan. May suot ang dalaga ng school uniform na sobrang puti, paldang may habang hanggang tuhod at may kaunting ayos sa buhok at mukha. Ang kanyang guro ang nag abala upang ayusan siya.

Nang makarating ay agad na umupo ang dalawang estudyante kasama ng kanilang pangkat. Dahil huli na nang dumating ay sa dulo na ito naupo.

Matapos mabanggit ang ilang mga kalahok ay dumating ang lola ng dalaga. Nang sa kanilang pangkat na ay hindi nabanggit ang pangalan ng dalaga. Nagtaka ang lahat lalo na ang kanyang guro na si Mrs. Pahati dahil batid ng lahat na si Mariangell ang dapat na top 1 at hindi si Amelie.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: May 11, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

I Love You MamaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ