BANTAS

736 25 1
                                    

Bago ang lahat, lilinawin ko lamang na hindi ako magtuturo sa tulang ito.

Bantas

Bantas; ito ay kadalasang ginagamit sa pangungusap.
Nagagamit sa pang araw-araw na buhay.
Hindi ito pang akademiko,
Ngunit sana ay may matutunan kayo,
Dahil tulad ninyo, may istorya din ako.
Bantas.
Bantas na maari din pala sa pag-ibig
Na kailanman ay hindi ko naisip.
Bantas,
Bantas ng pag-ibig.

Umpisahan natin sa tuldok.
Tuldok.
Hindi pa man tayo umaabot sa dulo,
ay nag-wakas na tayo.
Hindi mo pa natutupad ang mga pangako,
ngunit bigla mong pinako.
Kahit gusto ko pang umakyat sa tuktok,
Natanaw ko na ang tuldok.
paanong pang magpapatuloy?
kung hindi ka pa umaabot sa tuktok,
Ay natapos na ang mga pangarap na naudlot.
Tapos.
Tinapos.
Natapos.
Natapos dahil tinuldukan mo.
Tinuldulkan mo ang pagmamahal na ipinangako mong sinabing hanggang dulo.
Pero baka nga tama ka,
Na tama na,
Na dito na yung tuldok,
Dahil dito na yung dulo.
Napakadaling gamitin sa pangungusap
Pero bakit ang sakit ng tuldok?
hindi ba dapat mas masakit ang tandang padamdam?

Padamdam,
Mas masakit dahil nagdadamdam
Pagdadamdam dahil wala kang iniwan na dahilan!
Patanong,
Ang hirap magtanong!
Lalo't walang sagot sa tanong.
tanong kung paano tayo humantong,
Sa ganitong sitwasyon.

Babalik ka pa ba?
maghihintay pa ba?
Bakit?
Bakit?
Bakit nakakabaliw mag-isip ng sagot sa tanong na hindi mo masagot sagot?
Nakakabaliw.
Nakakatuliro.
Tuliro at di malaman ang gagawin.
Lalaban pa ba?
O baka naman tama na?

Kuwit,
Gaya ng mga pangungusap na mayroong kuwit,
Nagsisilbing pagtigil at paghinto ngunit nasusundan pa din.
Hindi gaya ng istorya natin na akala ko'y panandaliang huminto,
Ngunit yoon na pala ang simbolo ng pagsuko.
Kuwit na ginagamit sa paghihiwalay ng mga pangungusap,
Na tugmang tugma sa ating relasyon,
Relasyon na nalagyan ng kuwit,
Kuwit na dahilan ng paghihiwalay at pagtatapos ng pundasyon na binuo ng ikaw at ako,
na ngayon ay ako na lang, at wala ng ikaw at ako.

Gitling,
Isa sa pag-gamit ng gitling ang pag uulit-ulit ng mga salita
Gaya ng pagpapaulit-ulit mo ng mga salita,
salitang iyong binibitawan
na siyang aking pinanghahawakan.
Ngunit, ngunit walang kasiguraduhan
at ang pinanghahawakan,
ay siya din palang bibitawan.
Gitling, pag uulit-ulit.
pag uulit-ulit ng mga pangyayari,
magmamahalan at magsasakitan,
pagpapatawad at pag gawa ng kasalanan.
Iiyak at iiyak, iiyak ng iiyak.
Masasaktan at masasaktan,
Sasaktan at sasaktan.

Panipi,
Tayo ay dumako sa panipi.
Ang isa sa pag gamit na bantas na ito ay upang mabigyan diin ang pamagat ng iba't ibang mga akda.
Gaya na lang ng tulang ito, "bantas"
tula na nagawa ko dulot ng sakit na ibinigay mo.
"Sakit"
Sakit na mukhang ako lang ang nakaramdam
Buhat nung ika'y lumisan.
At mukhang ika'y masaya,
Oo masaya,
Masaya sa piling nya,
Masaya na sa piling ng iba.
"Saya"
Salamat sa saya, dahil kahit papaano ay sumaya,
kahit hindi pangmatagalan, pero totoong naramdaman.
"Salamat. Paalam."

Tutuldok-tuldok,
Ito nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin.
Tulad na lamang ng mga teleserye na mayroong kasunod pa at aabangan ng mga manonood,
Gaya ng relasyon natin,  na akala ko ay masusundan pa.
Na akala ko ay may susunod pa,
Ngunit akala ko lang pala.
Dahil ang kasunod pala ng ating istorya,
Ay salitang wala na...
Ang pagtatapos ng kabanata nating dalawa.

Marami pang mga bantas,
ngunit kung iisa-isahin ko ay hindi magiging sapat.
Hindi sapat ang bantas para mailabas ko ang mga tamang salita,
Mga salitang nais iparating.
Kulang ang bantas para maalis ang sakit,
sakit na dulot mo.
Sakit,
Sakit na iniwan mo.
Ang sakit diba?
Pero tama na.
Tigil na.
Ayoko na.
Dahil bago ako umayaw ay ayaw mo na.
Dahil hanggang dito na lang.
At ako na ang maglalagay ng bantas.
Dahil sa pagtatapos ng tulang ito,
Ay tinutuldukan ko na,
dahil gusto kong matapos na.
at wag kang mag-alala dahil ayos na.
Paalam,
Paalam sayo at paalam satin
Pagod ka na? Mas pagod ako
Mahal kita kaya gusto ko sumaya ka bibitaw ako hindi para sakin kundi para sayo
Paalam.
Dahil hindi matatapos ang lahat ng ito,
Kung para ka sakin, ay mananatili kang para sa akin"

"Bantas"

Tula/spokenWhere stories live. Discover now