BARKADA

68 20 0
                                    

"Barkada"

Nagkakilala noong pasukan
Parang mga batang nagkakahiyaan
Dumating sa puntong nagangasan
Pero nauwi sa pagkakaibigan

Kaibigan, apat na letra isang salita
Pero hindi kayang mawala
Paglayuin man ng tadhana
Ala ala ay hindi mabubura
Mga taong palaging nandiyan

Pwede mong sandalan
Laging sinasabing problema
ay malalagpasan Basta mahigpit ang samahan
Saya at lungkot hindi alintana
Dahil may mga kaibigang nakasuporta
Mga kaibigang totoo Sa mundo ng pekeng mga tao
Mga Kaibigang kapatid ang turingan
Hindi nagpapabayaan Manalo man o matalo sa laban Lagi kang susuportahan

Ngunit may mga kaibigang hindi kasama sa eskwela
Mga kaibigang minsan lang magkita
Kasama pa ang ibang barkada
Na binibigyan na din ng halaga

Pero hindi na baleng may ibang kasama Basta ang ala ala laging dinadala
Hindi man laging nagkikita
Pero sa oras ng tagumpay alam kong magkakaisa

Tagumpay kung saan hawak ang medalya
Habang nakasuot ang itim na toga
At doon makikita na kahit hindi magkakasama Suportado parin ang isat isa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula/spokenWhere stories live. Discover now