Chapter 4 Crush

1.4K 42 0
                                    

Chapter 4

Crush

I woke up a bit late the next morning. Mag aalas dies na nang bumangon ako. I did my morning routine kahit tamad na tamad. Siguro ay napagod ako kahapon. Isa pa ay hindi pa ako masyadong nakaka adjust sa klima dito.

It's more hot in the Philippines talaga hindi ata fun. Konting kibot ko lang dito ay pinagpapawisan ako kahit minsan naka todo na iyong aircon dito sa kwarto. Noong una ay medyo okay pa pero habang tumatagal, ang init talaga.

Pumunta akong kitchen at nang nakita ang labas ay sobrang tirik na naman ng araw. Konti lang din ang mga nasa labas. Nag hanap ako ng pwedeng iluto at kinuha ko nalang iyong bacon. Kahit papano ay kaya ko naman ng basic cooking skills.

Fried egg, hotdogs, or ham. Some Germany food pero iyong pang sa akin lang. Pasok lang sa panlasa ko. If I'll be told to cook for someone, it's a no. Ako lang ang makaka appreciate ng luto ko.

Nag toast lang ako ng tinapay and my breakfast is done! Pagkatapos kumain ay nag ligpit ako sa kwarto. After that ay kinuha ko iyong laptop para ipagpatuloy iyong research ko. The laboratory in Pampanga... sinabi ni Maeve na chineck niya ulit yung public files nang mga iyon at kasama na ang laboratory na iyon sa list.

Hindi ko maintindihan kung bakit. Is it really legal then? Bago lang ba iyon kaya hindi agad napasama sa list ng labs dito sa Pilipinas? I tilted my head. I'm back to zero then! Hindi ko na nga alam kung saan ako magsisimula.

Habang nagiisip ay may narinig akong tumatawag sa aking pangalan. My eyebrows furrowed but I slowly walk to the door. Pagkabukas ng pinto ay agad kong nakita sila Jennie doon. Lisa is sitting on the rattan chair on the porch.

"Aisa! Akala naming tulog ka pa at hindi ka lumalabas." Jennie said as I smiled at them.

Nginitian naman ako ni Lisa at pinakitang nag eenjoy siya sa pagkakaupo doon. "Tanghali na nga akong nagising, may ginagawa lang ako kaya hindi na ako nakalabas,"

"Oh? Busy ka kung gano'n?" Lisa asked.

I titlted my hair. Wala naman talaga akong makukuha pa sa ginagawa ko ngayon so, "Not much. Why? Anong meron?"

Jennie clapped her hands. "Good! Yayayain ka sana namin na sumama sa CCS. Baka kasi nabobored ka na dito?"

My eyebrows knot in confusion, I bit my lip lightly. "CCS?" I asked, unsure.

"Oh, Canaoay Community School!" Lisa said while chuckling. Tumayo siya sa pagkakaupo. "Doon kami nagtuturo ni Jennie, may ipapasa kaming requirement at naisipan ka naming isama..."

"Okay, sure." Sagot ko agad dahil mabobored nga ako dito. Okay nang sumama sa kanila para narin maging pamilyar ako sa lugar dito. I don't know why I feel excited suddenly.

Iba kasi ito sa mga nakasanayan ko. All of these things are new to me. I don't get to socialize much and kung gusto ko naman ay kailangan may paalam agad kay Daddy. I can't basically do things on my own.

They both cheer on my answer. Sabi nila ay mga three thirty kami aalis para hindi masyadong mainit at hindi rin naman kami mapagsaraduhan noong school.

Inayos ko naman ang natirang gamit ko na hindi ko pa nalalagay sa closet. I arrange it by type pati narin ang ilang sapatos. Sandals, slippers and a sneaker. Iyon lang ang dala ko. Ang mga damit ay halos padala sa akin ni Maeve.

Nang maayos na lahat ng iyon ay naligo na ako. I wore a sky-blue v-neck, spaghetti straps dress. Umabot iyon hanggang sa ibaba ng tuhod ko. I smiled as I saw how the dress hugs my upper part perfectly. The dress has a front button closure all the way down.

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Where stories live. Discover now