Chapter 3

1 0 0
                                    

Nova's POV

Dahil may misyon kaming dapat gawin, maghiwalay hiwalay kaming apat at ako nama'y hinanap yung lalakeng nagliliderlideran na nagpahirap sa lalakeng tinulungan ko. Ang hula ko ay siya ang anak ng yumaong presidente.

Habang naglalakad ako, iba't ibang bulungan ang narinig ko.

"Napakawalang puso naman nung gumawa nun sa presidente."

"Paniguradong may kinalaman ang vice president dito."

Napangisi ako sa sinabi nito. Halatang mga inosente. Nakakaawa lang dahil paniguradong nadadamay ang mga yan at ang buong eskwelahan sa gagawin namin.

"Hoy babae!" boses nung mayabang na nagliliderlideran.

Mabilis na nagsitakbuhan paalis yung mga estudyante dahil sa sigaw nito. I have a great feeling na siya talaga ang anak ng presidente. Ganyan siya umasta dahil may kapit siya.

"Nova Verdadero." Umakto akong gusto kong makipagkaibigan.

"Nova Verdadero nyenyenye."

Tch childish.

"Bakit ka nandito sa teriteryo ko?" tanong nito.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid para malaman niyang hinahanap ko kung may pangalan ba siyang nakasulat sa kahit saan mang parte ng eskwelahan ngunit wala ako nakita.

"Teriteryo mo? E bakit kahit isa letra man lang ng pangalan mo ay wala akong makita?" pang-aasar ko.

"Iniinis ka talaga ng babae pre." Sulsol sa kanya nung isa niyang kasama.

"Mukhang mahina naman." sambit pa nung isa.

Tch mukha lang.

"Looks are deceiving kaya wag kayong magpapauto."nakangising tugon ko. This time, ayoko nang umaaktong gusto kong makipagkaibigan. Somehow, napapakulo nila ang dugo ko.

"Aaaahhhh!" Sigaw nung isa at akmang sasapakin ako nito pero inilagan ko.

Tch. Unang araw palang namin at napapalaban ako agad. Mukhang hindi kami aabot ng isang linggo dito.

Nagpalitan kami ng suntok hanggang sa taob na yung dalawa at hindi na makagalaw.

Pagkatapos nito, may kalalagyan kayo sakin.

Nilapitan ko yung lider-lideran nila na paika ikang naglalakad palayo at sinusubukan pang tumakas. Hinawakan ko ang kwelyo nito at hinarap sakin.

"Tell me." buong buo ang boses na utos ko. "Ikaw ba ang anak ng presidente?"

Hindi agad ito nakasagot.

"Hirap ka na ngang huminga at lahat, nagmamatigas ka pa." Saad ko saka ko siya muling sinapak.

"B-balita k-ko walang anak yung presidente." Paubo ubong sambit nito. "Bakit mo ba siya hinahanap?"

Binitawan ko ito dahil halatang wala akong makukuha sa kanya. Kung hindi siya ang anak ng presidente, bakit siya umaaktong ganyan?

Hinawakan ko ulit ang kwelyo nito bago nagsalita. "You can't fool me."

"M-maniwala ka." hirap na pagmamakaawa nito. "Claude Bluman ang buong pangalan ko."

Ramdam na ramdam ko ang takot nito sakin. Muli ko siyang binitawan at pinagsabihan ko muna siya bago umalis.

"I'm watching you."

Padating na ang mga school officers kaya patakbo akong umalis sa kinaroroonan ng mga ugok. Kailangan kong magtagal dito dahil may kailangan akong tapusin.

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon