《14》

283 18 4
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

"K-kuya Yani?!" Sigaw nya, ngumiti naman sakanya ang kuya nya.

"K-kamusta ka na!" Ani nya at lumapit sa kuya nya at niyakap ito. Tumawa naman ng marahan si Kuya Yani at niyakap rin ang kapatid.

"Ikaw ang kamusta, Jah. Hinahanap ka saakin ni mama at papa. Akala nila nasaaakin ka, saan ka ba galing?" Pag aalala nya, nag bitaw naman sila ng yakap. Napatingin si Yani sa laman ng cart ni Justin.

"Mukang matinding linisan ang gagawin mo" ani nya, napa kamot naman ng ulo si Justin.

"Oo, mag lilinis ng pool—"

"Daddy!"

Agad na napapikit si Justin, kunwari wala narinig.

WHAT THE FCK! BAKA ANO ISIPIN NI KUYA PAG NALAMAN NYA NA AKO ANG TINATAWAG NYAN! BAKA SABIHIN NYA KALA MAMA NA YUNG ANAK NILA NAWALA NALANG BIGLA TAPOS YUN PALA MAY KINASAMA NA NA BABAE!

AAAAAAAAAAAAAA

"Daddy, bakit mo naman ako iniwan" ani ni Amanda sabay busangot, napatingin si Yani sa babae at bumalik ng tingin sa kapatid nya.

"Ikaw ba ang tinatawag non?" Tanong nya, umiling naman si Justin.

"H-hindi ah—"

Nabago ang lahat ng hinawakan ni Amanda ang balikat nya, napatigil sya halos hindi huminga. 

"Pati ba saakin galit ka rin? Grabe ka naman—" nabaling ang tingin ni Amanda sa lalake na nasa harap nila.

"D-daddy...?" Utal nya habang mangha na nakatingin kay Yani.

OHMHAGATH! SINO ITO! BAKIT HAWIG NYA SI JUSTIN PERO MAS DADDY ITO!?

Napatawa naman ng marahan si Yani at umiling.

"Jah, kaya ka ba hindi na umuwi dahil nag live in ka na?" Biro nito, halos mawala ang dugo sa muka ni Justin.

"H-hindi!"

Napatawa naman si Amanda pati narin si Yani.

"Ano pangalan mo, Daddy?" Ani ni Amanda habang nakatingin kay Yani.

"Justin, ang pangalan ko, diba sinabi ko na sayo yan—"

"Hindi ikaw, yang nasa harap natin" ani ni Amanda sabay turo kay Yani, halos hindi mapinta ang muka ni Justin na nakatingin kay Amanda.

"Easy, Julian ang pangalan ko pero tawag saakin Yani" ani ni Yani at ngumiti kay Amanda. Agad na napahawak sa puso si Amanda at parang nanghina kaya kumapit sya kay Justin na naiirita na.

"LoVe shOt" nahihirapang ani ni Amanda, kaya umirap si Justin.

"Kuya, pwede paki sabi kala mama na nasayo ako? Please"

Napakunot ang noo ni Yani na nakatingin sa kapatid nya.

"Ang problema kasi ako at kailangan ko muna ayusin. Promise uuwi lang din ako. Please.... ayaw ko kasi mag alala  sila mama saakin" makaawa nya, napabuga lang ng hangin si Yani sabay kamot ng ulo.

"Okey, sige. Basta umuwi ka ah" ani nito, ngumiti nama si Justin.

"Thank you!" Masaya nyang sigaw at hinawakan sa braso si Amanda. Yung isa nya namang kamay nasa cart para tulakin ito.

"Mauna na kami, kuya" ani nya, tumungo lang si Justin. Nag lakad si Justin habang tulak-talak ang cart at hila hila si Amanda.

"T-teka! Daddyyyyyyy!!!!" Sigaw ni Amanda at pilit i-abot si Yani na halos hindi na mapinta ang muka na nakatingin sa babae.

DADDY [SB19 JUSTIN FF] ✔︎Where stories live. Discover now