KAB 1

8 0 0
                                    



"Get loss!".

"Let me explain Vanessa!."
Sigaw niya. Nakatalikod na kong dahan dahan naglakad.

Dahan dahan humakbang paalis sa Hotel na yon. Naririnig ko ang tawag niya. At mga yabag niya papunta sakin.

"Please! Hayaan mo ko magsalita."
Hinawakan niya ang kamay ko mula sa likod. At tsaka ako hinarap. Nakatulalang nakatingin ako sa kaniya.

Pakiramdam ko, nakalutang ako sa langit. Nangangatog ang tuhod ko.

Nakasunod pa si Jessica dahil nasa likod niya siya. Masama ang tingin sa'kin.

Inalis ko ang kamay niya nakahawak sa'kin. "Magsalita kana na Froy! Wala ako sa mood makipagdramahan!" sabi ko na hindi nakatingin sa kaniya. Kundi sa babae sa likod niya.

Bagama't nagulat, humarap parin siya sakin.  "Sorry! Patawarin mo ko! Hindi ko sinasadya. Alam ko mali pero ang dami ng nagbago sa'tin! At isa pa mag aapat na taon na tayo!per-

"Pero ano?"  putol ko sa sinasabi niya.

"Pero hindi tayo magkaanak! Pakiramdam ko walang buhay pagsasama natin, dahil hindi tayo magkaanak. Pakiramdam ko napakainutil ko! Kaya heto nagbabakasali ako na magkaanak?" napalunok siya ng tinignan ko siya ng masama.

Seryoso ang sarap ng sungalngalin. Pero di ko gagawin, dahil may respeto ako sakaniya bilang asawa niya! Pero sa nakikita ko ngayon at sa mga ginawa niya. Nawalan na ko ng RESPETO!

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Kasi mas nakakainutil yan pinagsasabi mo. May problema tayo ? Pero imbis na ayusin mo ay gumagawa ka ng bagong problema! Ano klaseng pag-iisip yan Froilan! Ano magisip kanaman ng tama!."

"Vanessa! Patawarin mo ko!".bigla siyang lumuhod. At nagmamakaawa.

Pero naiinis ako sa ginagawa niya.
"Tumayo ka nga Froy! Wag mong ibaba ang pagkatao mo sa babaing yan! 2 buwan na natin 'to ginawa! Alam kong masaya ka sakin! Kung ayaw niya sayo edi wag!" sigaw ng babaeng matigas ang muka.

"Pwede bang hayaan moko! Umalis kana!!" sigaw nito sa kaniya.

Natawa ako ng bahagya, dalawang buwan na pala. Ang sa mga buwan na yon. Nagpapakasaya sila.

"Ayos ah! Dalawang buwan na pala,alam ba ng mommy mo ito Jessica?" ngiting sabi ko sakaniya.

"Hindi! Kaya wag mong tangkain sabihin."  sigaw niya sa harap ko. Kaya napailag ako ng kaunti. Natawa ako ng matindi.

Nakakatawa kasi.. Kaibigan ng Mommy ko ang Mommy ni Jessica. Close friend pa nga! Sa katunayan kaibigan ko din 'to. Kaya pala madalas nakikita ko sila magkausap. Pero hinayaan ko dahil bata pa ito at sabik sa isang kuya. Ayon pala sabik makapang -agaw.

Imbis na magalet ako natawa ako. Kasi bagay sila, maaaring maging masaya ka nga froilan sa kaniya. Dahil ayan ang gusto niya isip bata.

"Hoy Jessica, Asawa ko si Froilan ikaw naman nauto lang, Gusto nitong asawa ko magkaanak na hindi ko maibigay. Sige dahil ginusto niyo 'to pagbibigyan ko naman kayo," tsaka ako tumingin sa gulat na muka ni Froy alam kong di siya makapaniwala sa sinasabi ko. Kung alam niya lang na nagsasawa na ko sa ganito, dahil ilan beses ko na sila nakita hindi naman ako martyr para hindi parin maghinala bago pa sila mag dalawa buwan, nahuli ko sila sa isang Resort na magkasama hawak kamay.

At ngayon sinundan ko sila sa Hotel sa Tagaytay. Nagpaalam ang gag* na may trabahong gagawin sa malayo kuno?

Pero hindi niya alam na sinundan ko sila. At kinausap na mismo ang hotel manager about sa room nila. At ayon nahuli ko sa mismong mata ko.

"Froilan Guevarra! Kinausap na kita noon pa na tigilan mo pakikipag close sa babaeng ito. Pero sabi mo sakin para mo lang siyang kapatid hindi ba? Pero bat mo naman hinotel? Dito pa talaga sa tagaytay kung saan tayo nagcross ang landas at inuto ng mga pangako! At ikaw naman Jessica kuya ba talaga o asawa ang gusto mo. 4 na taon ang tanda neto sayo!"turo ko kay Froi. .

"Hahaha! Gaya ng sabi ni Froilan sayo marami kang pagkukulang sa kaniya! Tapos mag iinarte ka! Mahal ko si Froilan! At ipaglalaban ko siya!" sigaw niya ule sakin.

Pinalakpakan ko siya ng bongga! Yun maririnig sa buong hallway.

"Hindi mo kailangan maghirap makipaglaban, Jessica!" tsaka ko inikot ang buhok niya yung dulo ng kulot na buhok niya.

Kumurap kurap pa.

"Iyo na yan asawa ko, pero bago mo angkinin papiliin mo siya. Kung sasama ba siya sayo? At kung sumama sayo na."

Tumingin naman si Jessica kay Froilan tsaka hinawakan ang kamay nito.

Pero nakatingin sakin si Froilan na parang nagtatanong. "Babe!kaya kong ibigay ang anak na gusto mo! Ako ang piliin mo." medyo naawa ako kasi para na siyang aatungal.

"Vanessa, hindi ko alam ang nararamdaman ko, pero bakit! Bakit ganoon kadali sayo na mawala ako!"

"Ikaw mismo ang humingi nito sa'kin Froy, matagal na kong naghahantay sa pagsasabi mo ng totoo, ginawa mo kong katawa tawa, tapos itatanong mo yan sakin!Ha! Tsaka na tayo magusap!"



Napatalikod na ko at umalis. Sumakay agad ako sa taxi tsaka kumawala ang luha sa mata ko.

''sa hirap at ginhawa, kaya mo ba akong kasama?"

"kakayanin ko! Alam kong kaya ko basta ikaw kasama ko"

"Pag nagkaroon ka ng iba at hindi kana masaya sa'kin, sabihin mo ha! Para naman makapag-isip ako"...

"bat ka nag-iisip ng ganyan! Mahal kita! Hindi kita ipagpapalit!"

Lahat ng yaaan! Lahat ng kalokohan na' to isang bangungot! Nakakainis isipin pero natatawa ako. Natatawa ako sa katangahan ko.


KAYA PALA DAPAT NOON PA NAKINIG NA KO SA MOMMY KO. 

BALOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon