Chapter 23 - Left

46 3 0
                                    

Chapter 23


















"Daddy ko!" sinalubong ni Kish ng yakap ang Ama na pumasok sa loob ng Natty Sweets. Agad naman nitong kinarga ang anak at pinuntahan ang mesang ukopado ni Natalie kung saan naroon din ang mga gamit ng bata at ang Nanny nito.

"Hi Nat!" bati nito sa kaibigan saka umupo sa bakanteng upuan at kinandong ang anak.

"Hi!" maikling bati nito na nakangiti.

"Daddy, Let's call Mommy ko again, please, please! I badly miss mommy ko so much!" pakiusap ng anak na may nagpapaawang mukha.

"Kinukulit din ako na tawagan ang Mommy niya, but Thea won't pick up the phone! Naiiyak na nga itong baby girl mo." kwento ni Natalie na nagtatype sa phone nito.

Ibinigay naman nito sa anak ang telepono para tawagan ang mommy nito. Iniupo nito ang anak sa katabing silya na tinatawagan ang babae.

"So, it's true? You're with Thea in her vacation cruise? Bukambibig ni Kish yun nang makapasok sa shop. Ilang araw ko siyang hindi nakita dito and you too." usisa ni Nat sa lalaki. "And Kish said something way beyond my expectation."

"Yeah! It was actually a planned vacation kaya inaway lang ako nang makita. You knew your bestfriend." Napatawa naman si Natalie sa sinabi ni Drew. Alam na alam kung anong ibig sabihin ng lalaki. "Ahh, sana hindi niya kinuwento lahat ng nakita niya."

"It was very detailed, for the record!"

Napailing na lang si Drew sa pagiging madaldal ng anak. She saw a lot kaya for sure, naikwento nito iyon lahat kay Natalie.

Kahapon lang sila dumating at hindi pa niya uli nakikita ang babae. Last night, he was knockdown. Pagkatapos pagbubuksan ni Kish ang mga regalo ay napagod siya ng husto lalo at pagkarating ay sinundo niya agad ang anak. He woke up late too kaya hindi pa niya nakakausap si Thea after yesterday.

Maya maya ay kinalabit siya ng anak na may naiiyak na mga mata. "Daddy ko. ayaw sagot mommy ko!"

"Baby, baka busy pa si Mommy okay? Let's call her again later okay? Mommy is working too just like daddy and tita Natty." paliwanag nito sa murang edad ng bata.

"Doon po sa maraming grapes? Yaya Annie and i picked a lot of grapes and i gave LalaMy and LoloDy too." Naalala nito ang work na pinuntahan nila dati kung saan dinala ni Thea ang dalawa.

Napatango naman ito sa sinabi ng anak kaya tila naintindihan nito, pero may lungkot parin ang mga mata.

"Pero That's unusual for Thea na hindi sagutin kahit ang tawag ko. Whenever she Missed a call from me, she always leave a message That's she's busy!" kumento ni Natalie kaya napaisip din siya. "Did she start working at CWI?"

"Hindi pa ba siya dumadalaw sayo?" takang tanong niya.

"Hindi pa nga eh, if not with Kish, hindi ko malalaman na nakauwi na siya at nagkasama kayo. And she always make time to dropped by the shop pero ngayon hindi pa siya nagagawi dito." kibit balikat nitong kwento.

"Inihatid ko siya sa bahay ng kaniyang Mommy kaya sigurado akong safe siyang nakauwi."

"Baka nga nag-umpisa na yun sa pagtatrabaho sa CWI. Nakauwi na ba ang daddy niya? Ang alam ko ang Daddy niya ang magpapasya kung saan siya ilalagay na department." nakapangalumbaba na patuloy sa pagkukwento ng kaibigan.

"Yaya, ihi ako!" sinamahan ni Annie ang alaga sa Confirm room kaya naiwan sila ni Natalie sa mesa.

"I shouldn't be saying this to you Drew but Thea, she loves the news, the camera, it's her dream. She works for it. And working for CWI, is going to be a big adjustment in her life. Naiipit lang siya sa sitwasyon. She's helpless. Kung pwede nga lang, I'd sacrifice for her pero alam kong kahit gawin ko yun, she wouldn't let that happen."

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon