Walang Titulo

15 1 0
                                    

Walang titulo

Ang Hirap mainlove sa tropa yung hindi mo inahasaan pero ramdam mo na pala  na sa bawat hakbay niya ay  mapapaiwas ka dahil natatakot ka na baka lumalapa

Lumalapa ang pag tingin mo sa kanya dahil wala kang kasiguraduhan kung mananatili siya at kung may pag tingin din siya

Dahil habang tumatagal nag bibigay siya ng mutibo pero walang nakakasiguro kung malinaw bato

pero nalaman kong mahal mo pa siya, yung una mong minahal bago tayo naging mag kaibigan pa

Kaya eto naguguluhan ako kung ipagpapatuloy kupa ba ang maling sinimulan ko,na kahit alam ko na sa bandang huli ay magsisisi rin ako

Hindi ko nga alam kung bakit ikaw ang nakapagpatibok nitong puso ko, sa dinami rami ng lalaki sa mundo, ikaw pa 'tong pinana ni kupido

Hindi ka man perpekto sa paningin ng iba, pero sa paningin ko' y perpekto ka, na kahit tignan lang kita ay mawawala ang tampo sa pagitan nating dalawa

Pero isang araw tinawagan moko, sinabi mong magkita tayo sa paborito nating kainan sa tondo, kaya sa sobrang saya ko nagmadali ako

at ng nakita kita na naka ngiti sa mala hugis puso mong mga labi ay napa ngiti din  ako,pero ang ngiting yon ay napalitan ng kirot sa puso ko

habang nakatingin sa pamilyar na mukhang paparating na kahit nuon paman ay natatakot nakong bumalik siya at kunin ang dapat na sa kanya

pero ano bang magagawa ko pagaari ka niya,at lalo pakong nasaktan ng ipakilala mo siya "TOL GIRLFRIEND KO NGA PALA"

na para bang gusto ko ng magpalamon sa lupa at maglaho ng parang bula dahil sa sobrang sakit, humakbang at sabay talikod  at duon na nga nagpatakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan mahulog

at sa pagkakataon nayon tumakbo nako,para naman mabawasan ang sakit na nararamdaman ko, pero sinabi ko sa sarili ko, wala akong karapatan masaktan dahil kahit kailan ay hindi siya naging akin man lang

kaya sosoportahan nalang kita kung saan ka masaya na kahit alam kong ikakawasak kopa

Wala eh mahal ko,na dapat tropa lang ang turing ko, wala pala kasi akong titulo........

Spoken word Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon